Binuksan ko ang pinto at walang iba kundi si Clage ang natinag ng aking mga mata sa harapan ng aking bahay habang naka-uniform na siya. Nakalimutan ko na sabay nga pala kaming papasok sa araw-araw, nakalimutan ko iyon dahil ang nasa isip ko lamang ay ang pagpunta ng aking mga kaibigan dito ngayon. Shit. How could I forgot that thing?
Paano yan? Magkikita sila ni Victoria nito. Ano kaya magiging reaction nila sa isa't isa? Tapos sabay-sabay pa kami. Hindi kaya paunahin ko nalang muna si Clage na pumasok mag-isa? Kahit ngayong araw lang naman.
"Pwede bang... m-mauna ka na munang pumasok? May nakalimutan kasi akong gawin. Maaga pa naman para ma-late." Sabi ko habang napakamot sa aking batok habang siya ay tila ba ay may iniisip ito ng hindi malaman-laman.
"I can wait, then. Just like what you said na maaga pa naman para ma-late tayo." Sabay pasok niya sa aking bahay kaya iyon ang dahilan at napaatras ako dahil sa kanyang pag-akbang patungo sa malambot kong sofa.
Walang hiya talaga itong lalaki ito. Kung makaasta kasi parang siya itong may-ari ng pamamahay tapos pumasok pa na parang walang tao sa harap niya.
"Fine. Ang totoo is may hinihintay akong mga kaibigan galing sa Maynila. So, on the way na sila kaya pinauna na kita kasi malapit na rin yung mga yun dito."
Sinabi ko nalang yung totoo kasi alam ko namang kahit anong gawin ko hindi ko siya mapipigilan dito dahil sa kanyang mga inaasta. Bahala na kung anong magiging reaction ni Clage at ni Victoria sa isa't isa.
"What? Are you kidding me? Bakit ngayong may pasok pa tayo? Hindi pa pwedeng i-cancel yang pagpunta nila dito? tsaka alam ba yan ng daddy at mommy mo tungkol dyan?" Tanong niya habang napatayo sa kanyang inuupuang sofa.
Marami rin pala siyang tanong. Akala ko ba wala siyang pakealam? O sadyang makatotohanan lang kila mommy at daddy?
"Wala kasi silang pasok sa Maynila ngayon sa loob ng isang linggo, kaya dito daw sila pupunta at mamamasyal. Wag mo nalang tanungin kung bakit." Sagot ko.
"Ang tanong ay kung alam ba ng mommy at daddy mo?" Aniya't tinaas niya ang kanyang makakapal na kilay. Damn. Stop it, Clage. Sa ginawa niyang pagtaas ng kilay ay napapikit ako tsaka agad ko namang binuksan agad ang aking mga mata dahil baka ako'y mahalata niya dito. Fuck, Clage.
Hindi naman na niya kailangang mag-alala at mangealam dahil buhay ko ito at wala na siya doon sa mga desisyon ko.
"Kilala naman nila mommy at daddy yung mga kaibigan ko. Sa tingin mo ba hindi nila alam? Wag kang mag-alala dahil desisyon namin ito at kami na ang bahala dito." Giit ko't umigting ang kanyang panga. Why? Am I wrong, huh? Pagkatapos ay hindi na siyang naghinalang sumambat pa sa akin. I guess he doesn't want to argue with me. Good, then.
Maya-maya't mayroon muling nag-doorbell. Nag-rush ako sa pinto upang buksan iyon dahil alam kong sila na iyon at siguro naman ay wala na akong iba pang bisita maliban sa kanila. Ewan ko lang kung mayroon pa, and besides sila mommy at daddy pumupunta dito ng wala sa oras, pwedeng sila pero... They know me as their daughter, they shouldn't be here while I'm off to school. I don't want them to come at my house while I'm not here because I don't want to, I won't allow them without my any permission except from my friends.
Binuksan ko ang pinto at bumungad agad ang yakap ni Victoria na kung saan nasira ang aking necktie dahil sa kanyang magulong pagkayap. Ang kanyang yakap ay parang isang lasing na walang kaalam-alam ang ginagawa kundi nakayakap lang sayo dahil namimiss ka lang niya. She's like her left arm is towards on my neck while the other right one is on my waist, her head is also on my necktie which is on my breast and already become ruin because of her head.
BINABASA MO ANG
My Secret Credibility
RomanceSovereign Ladies Series #1: UNDER EDITING She doesn't desirous her secrecy to unite with anyone. She contain a credence, but her intellect was precisely dominated by ardent trepidation. She wondered if it would be appropriate for her to leave alth...