Namulat ang aking mga mata mula sa pamamagitan ng pag-ring ng aking phone. Bakit ang aga-aga ay may tumatawag? Minulat ko ang aking kaliwang mata at sinilip ang ID ng phone caller at si Gwen iyon, kaya naman agad ko itong sinagot habang pinikit ulit ang kaliwang mata ko.
"Hello?" Tono kong inaantok.
"Zara! Don't tell me tulog ka pa?" Sigaw niya sa speaker ng aking phone kaya namulat ako sa kanyang sigaw.
"What's wrong maaga pa naman ah?" Tono ko na inaantok pa rin. Anong ba kase yun? Gusto ko pang matulog e.
"Zara, Inutusan ako ng daddy mo na gisingin ka ngayon na, as in ngayon dahil busy sila ngayon ng mommy mo sa kompanya." Mahinahon niyang sinabi. Gisingin? Para saan? Ganitong ka-aga?
"Gisingin? For what, Gwen? Ang aga pa." Tanong ko't lalong ikinagulat ang kanyang sinabi dahil roon.
"Oh my god! Hindi mo ba alam na ngayon ang first day mo diyan? Oh my!" Sigaw niya sa akin na para ba siya ang mommy ko. Wtf? Hindi bagay sayo.
"What?!" Sigaw ko't biglang bumangon ng wala sa oras. Ngayon ba yun? Bakit hindi ko alam?
Tinignan ko ang aking orasan at 7:30 na ng umaga. May 30 minutes pa ako upang makahabol pero biglang sumaksak sa isip ko na kaya ko namang gamitin ang aking kakayahan upang bumilis ako sa daan upang makatulong na din.
"You heard me, right? Now, goodbye my Queen and goodluck!" Sabay end call niya at siyang nagpunta agad ako nang banyo upang maligo.
Halos wala pang 5 minutes ay natapos agad akong maligo. Hindi ko alam kung anong klaseng ligo ba itong nagawa ko kakamadali. You little piece of jerk! Hindi mo nanaman nasabi sa akin na ngayon ang first day! Ughh! Nakakairita! Buti na lamang at may iniwan si daddy'ng school uniform at ito ay aking isinuot. Nagmadali akong pumunta sa kusina upang magbaon nalang ng dugong maiinom. Kumuha ako ng maliit na lalagyan upang doon ilagay ang aking dugong baon, pagkatapos ay uminom ako nito ng kaunti at umalis na sa bahay. Binilisbilisan ko nalang ang aking pagtakbo gamit ang aking kakayahan hangga't sa may nabangga akong isang lalaki.
"Sorry! Nagmamadali lang." Ani ko habang hindi ko na siya nilingon. Wala na, masyado na akong late! Wala ng panahon upang makipag-usap pa ako, kundi nag-sorry na lamang, like what I said that I'm not that friendly.
"Sandali lang! Sa University of Vigan ka rin ba nag-aaral? Doon rin ako e, kasi nakita ko sa uniform mo. Sabay na tayo?" Tanong ng isang lalaking hindi ko kilala. Tumingin ako sa kanya at mukha naman siyang mabait kaya ayos lang naman siguro at walang masama roon tsaka, hindi rin naman dumating si Clage akala ko sabay nga kami. Tss. I knew it, he is such a jerk. Wala na rin naman akong oras upang hanapin siya total late naman na ako. Teka! Bakit ko ba siya hinahanap? Eh, as expected naman na hindi yun tutupad kay mommy at daddy, kunyaring mabait lang yun kaya madaming nagagawang magandang bagay.
"S-sige ba. Takbo nalang tayo kasi mala-late na tayo." Sabi ko't tumakbo na agad ako habang hindi na siya hinintay. Alam kong maiintindihan niya rin yun kasi late na kami kaya alam kong nakasunod siya sa akin. For sure talagang late kami kasi kung may kasabay ako hindi ko magagamit ang kakayahan ko upang mapabilis lalo kaya tumakbo nalang ako ng parang gaya ng isang tao. Hindi ko hahayaang may makaalam sa pagkatao ko, my secret can't be revealed in public.
Nang makarating kami sa University ay tinignan ko agad-agad ang aking relo sa aking palapulsuhan... 8:15 na. Ugh! 15 minutes kaming late! So, paano na? Ano naman kaya ang parusa dito? Nevermind.
"Transfer student ako dito, Alam mo ba kung saan ang teacher's office?" Tanong ko sa aking nakasabay na lalaki mula kung saan ay nasa tabi ko na ngayon.
BINABASA MO ANG
My Secret Credibility
RomanceSovereign Ladies Series #1: UNDER EDITING She doesn't desirous her secrecy to unite with anyone. She contain a credence, but her intellect was precisely dominated by ardent trepidation. She wondered if it would be appropriate for her to leave alth...