Chapter 16

113 75 13
                                    

"Anong rules?" Tanong ko.

"Hindi tayo pwedeng gumamit ng kapangyarihan dito dahil mararamdaman nila iyon." Anang niya habang tumitingin sa ibaba.

Ha? Akala ko hindi nila alam ito?

"Bakit naman? Akala ko hindi nila alam yung lugar dito?" Pagtataka ko.

Pinatong ni Clage yung kamay niya sa kanyang noo at ginulo ang buhok niya.

"I mean oo hindi nila alam yung lugar dito pero pwes kung nagkamali ka sa isang galaw mararamdaman nila iyon papunta dito. Naiintindihan mo ba?" Asal niya na parang naistress pa.

Tss. Hindi ko naman alam na may ganito pang rule, bakit hindi mo nalang sabibin in the first place? Ay oo nga pala nakalimutan mo. Kabaw ka pala.

"Oo na kabaw kung kabaw ako, kung diyan ka masaya." Buntong hininga niya.

Nabasa mo isip ko?

"Nabasa mo isip ko? Akala ko hindi pwede gumamit ng kapangyarihan dito?" Tanong ko nanaman.

"Oo gumamit ako ngayon ng kapangyarihan kasi tignan mo. Wala sila sa kinaroroonan nila kaya habang wala sila ay pwede ka gumamit, yun nga lang mag-iingat ka kasi baka gagamit ka palang on the way na sila papunta dito. Lagot ka, Ms. Vampire." Sabi niya at tinalikuran ako't pumunta sa camp.

Nakakalokang paniwalaan pero kailangan ko iyong sundin. Bumalik nalang ako sa camp din upang mamahinga nalang.

"Oh? Akala ko maliligo ka? Kaya nga iniwan muna kita doon e." Tono niyang parang ayaw ako kasama dito sa camp.

"Mamayang gabi nalang. Bigla ako nawalan ng gana." Anang ko't humiga.

Hanggang dito ba naman ay binabasa mo isip ko? Wala naman akong iniisip na masama.

"Sige. Diyan ka nalang muna mamahinga. Kukuha lang ako ng mga prutas panghapunan natin." Siya'y lumabas ng camp habang ako ay nakahiga. Wala akong ibang nagawa kundi mag-isip ng kahit-ano dahil wala akong magawa dito.

Huminto ba ulit kaya ang oras sa mundo na iyon dahil wala ako? Pinahinto ba ulit ni kuya? Kaso kung ganun nga ang nangyari maaaring matagal iyon nakahinto, hangga't sa hindi ako bumabalik ay nananatiling nakahinto ang oras doon.

Sumulyap ako sa labas ng camp at nakitang si Clage pumipitas-pitas ng bunga ng prutas mula sa puno. Habang ako ay papunta malapit sa malinis na tubig, kung nasaan nasa ibaba si Vina na hanggang ngayon ay wala pa din sa kinaroroonan niya. I'm sure nababasa pa rin ni Clage ang aking isipan.

Dahil sa linis ng tubig na ito ay kitang-kita lahat ng buong detalye sa kinaroroonan ni Vina. Napakadaming bantay sa kinaroroonan niya habang siya ay wala. I wonder kung may bantay pa kaya siyang kasama habang siya ay wala dito? Natural ay mayroon din iyong mga kasamahan. Umiling ako at iniwala na iyan sa aking isipan. Sumulyap ako kay Clage na kung saan pumipitas ng mga bunga ng prutas mula sa puno. Should I just help him? or not? Total wala akong magawa. I'll just help him.

Nagpunta ako kay Clage at sinimulang pumitas na sana ng mga prutas mula sa puno pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Bakit? Napag-isipan ko nalang sanang tumulong, total wala rin akong ginagawa." Normal kong tono mula sa aking bibig.

"Ako na ang bahala dito. Mamahinga kana lamang." Tonong manhid habang hawak parin ang kamay ko mula sa tapat ng prutas sa may puno. Hindi nagtagal kinalas niya ang hawak sa kamay ko at patuloy siyang nagpitas ng prutas mula sa puno. Why do I felt a little dissapointment? Paalis na ako sana sa aking kinatatayuan roon kasi masyadong awkward pero pinigilan niya ako sa pagtawag ng pangalan ko.

My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon