Chapter 22

35 15 64
                                    

Nandito kami ni Clage sa loob ng isang basaysay. Pumasok kaming dalawa sa isang basaysay dahil sa lakas ng ulan.


Sa tingin ko ay gagawa si Clage ng apoy dahil mayroon siyang dala-dalang firewood, newspaper, logs at tinder. Nag-simula siya sa pamamagitan ng paglalagay ng dalawang pirasong kahoy na panggatong sa rehas na bakal sa fireplace. Pinulpog niya ang mga pahayagan, na siyang tinder ang gamit at inilagay niya ito sa pamamagitan ng panggatong. Inilagay niya ito sa itaas at pagkatapos ay nag-dagdag siya ng isa o dalawa pang piraso ng kahoy na panggatong sa tuktok ng iba pang mga troso. Sinimulan niyang tiyakin na mag-iwan ng sapat na silid para sa hangin na pa-ikot sa paligid ng mga troso.


Marunong pala siya sa ganito kahit na mayaman siyang anak. Siguro ay marunong talaga siya nito dahil kahit na mayaman siyang anak, kusa niyang matututunan ito kung susubukan niya ng susubukan hangga't sa matuto siya.


"Oo, parang puso't utak lang. Kusang natututo ang utak natin dahil tayo ay mayroong isip, tinutulungan tayo ng utak na mag-isip para sa ating kahusayan habang ang puso naman ay nagmamahal ng kusa sa isang taong naka-tadhana para sa'yo. Sinusubukan at sinusubukan tayo ng ating puso't isip, Zara. Malay na natin kung ano ang dapat nating piliin." singit ni Clage habang may kinuha siyang kumot na galing sa isang kahoy na upuan at inilapat sa aking likod.


Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagka-balisa ko. Imposibleng magustuhan kita. Wala akong rason para magustuhan ka, Clage.


"N-No, no, no!" Umiling-uling ako, "H-Hindi totoong gusto kita! Imposibleng magka-gusto ako sa'yo. H-Hindi pa ako handang umibig!"


"Wala naman akong sinasabing ibigin mo na ako. Alam kong hindi 'yon minamadali, okay? Sinasabi ko lang ito dahil gusto kong maka-tulong sa nararamdaman mo. Wala kang choice, Zara. Kahit ako rin ay wala akong choice. Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang tunay kong nararamdaman para sa'yo. I'm stating the true fact that never become a lie." he twisted his answer to me as he sighed.


Hindi ko namalayang konti-konti na pala siyang lumalapit papunta sa akin habang sinasabi 'yon. Bakit siya lumalapit sa akin? Anong gagawin niya? Ano nanamang ipaparating ng kaniyang paglapit?


"Sinasabi ko ang katotohanan na kailanman ay hindi naging kasinungalingan."


Anong magagawa ng isang katotohanan na kailanman ay hindi magiging kasinungalingan? Nalilito ako, naguguluhan, natataranta. Halos hindi ako mapalagay sa sitwasiyong ito. Dapat ay tumigil na kami ngunit, sa paanong paraan? Paano ko siya mapapatigil?


"Let's stop this, please?" napapaawang boses ko.


"Mahal kita kaya titigil na muna ako. Ayaw kong naguguluhan ka ng dahil sa akin, Zara. I'm sorry for being like this again. Hindi ko lang talaga maiwasan. Sa huling pagkakataon ay may hiling sana ako na sana ay magawa nating dalawa at para ma-siguro na rin ang nararamdaman natin para sa isa't isa." Bumuntong-hininga muna siya habang ako ay hinintay ang kaniyang sasabihin, "I know that I can't force you if you don't want but, can I atleast invite you on a date? Atleast 3 dates, Zara. 3 dates are enough for me." he pleased.


Gumapang ang hiya mula sa aking sistema. Hindi ko maintindihan. Kailangan pa ba talagang mag-date para lang ma-siguro ang nararamdaman ng bawat isa?


"U-Uhm." I cleared my throat, "I-I'll think about it, Clage."


Thinking before deciding, huh? I think this is the good idea for us, to think first before decide. For me, thinking is manipulating information as we form concepts, we engage in problem solving, reason and making decisions.


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon