Hindi ako mapakali rito sa aking kinatatayuan, halos tumindig na ang mga balahibo ko dahil sa kaniya at kulang na nga lang mawalan na ako ng balahibo rito sa aking katawan e. Sino ba naman kasing magtatanong ng ganiyan sa isang babae? Nakakaloka itong lalaking 'to!
Paano nagkaroon ng good side 'tong lalaking 'to kay mommy at daddy?
Kung tutuusin nga dapat ay kayang-kaya ko siyang sumbatan e. 'Yon nga sana dapat pero, ayaw kong gawin 'yon baka lalo lang lumala e! Mabuti na lang at nakakapagisip-isip pa ako dahil kung hindi baka magpatayan kaming dalawa rito ng wala sa oras.
"Sino ba kasi nagsabi sa'yo na kailangan mo akong ganituhin? Bakit kailangang isandal mo pa 'ko ng malakas sa pader? Idagdag mo pa 'yang paninitig mo bulok sa akin! Akala mo naman e ka-gwapong nilalang e ganiyan ka makatitig sa akin!" Umirap ako at sinuklian siya ng isang titig, "Bakit? Sino ka sa akala mo? Sino ka para magtanong ng ganyan sa akin? Bakit kailangang mong hawakan ang kamay ko o 'di kaya ay... halikan pa ako? Boyfriend ba kita?" dagdag kong panunumbat sa kaniya.
Nang matapos ko 'yon sabihin ay bigla na lang nag-iba ang kaniyang maitim na awra, bumuntong hininga siya at kinagat ang kaniyang labi. Seriously? Baliw ba 'tong lalaking 'to?
Paano nakaka-siguro sina mommy at daddy na safe itong lalaking 'to?
"What do you mean? I'm just... asking you, okay?" sagot niya habang napanguso.
Yuck! Hindi bagay sa kaniyang ngumuso! Kadiri, mukha pang siyang bakla kung tignan! Bawas pogi points din 'yan, walang pag-asa!
Ngayon ko lang napagtuunang totoo pala 'yong kasabihang 'Nobody's perfect'. Naku, sinayang niya lang 'yong pagiging gwapo niya, sana man lang e binigay na lang sa iba.
"Tanga ka ba? Hawak mo na nga 'yong kamay ko e bukod pa roon, sa palapulsuhan ko pa. Ano namang magagawa ko, 'di ba? Hawak mo nga 'yong kamay ko tapos hahalik ka pa sa akin? Sumobra ka naman yata e 'no? Ni sinandal mo pa nga ako sa pader! Aba ang tindi mo naman ngayon, mister." sarkastiko kong sagot sa kaniya, "Paano pa kaya kung nagsabay na tayong pumasok? Aba, ano pa kaya 'yong pwede mong gawin na sosobra roon? Ang tindi mo naman pala, mister."
Tumitig ako sa kaniyang mga mata habang tinaas ko ang aking kaliwang kilay. Nalaglag ang kaniyang panga ng dahil doon. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa pamamagitan ng sinabi ko o 'di kaya ay dahil sa sarkastiko kong tugon sa kaniya.
Gayunpaman ay hindi na mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan kaya naman kumalas na ako agad.
I need to stop this shit 'cause, I want to enroll already!
"Let's go! We are just waisting our time here." I said while I started to leaving him in the living room, no longer witnessed by me.
Alam ko na susunod rin 'yon kaya naman hinayaan ko na lang siya. Pagkalabas ko ng mansyon, nag-greet sa akin ang isang guard kaya tumango lang ako bilang pagbigay galang sa kanila. Nilingon ko ang lalaking kasama ko at gano'n din ang kaniyang ginawa sa mga guards.
"Doon na lang tayo sa kotse ko mas mabilis pa kaysa sa kotse mo." aniya at sumang-ayon na lamang ako, not revealing how to roll my eyes behind on him.
Wala namang mabagal na kotse e. Tsk, whatever! I don't want to argue with him, para matapos na rin 'to. Fuck it, mister!
You have to pay soon, just wait 'cause it will be worth it to wait.
"Whatever, I don't care! Wala namang mabagal na kotse, di na bale kung binagalan ng driver."
Sabay kaming pumunta ng kotse niya at nagulat na lang ako dahil pinagbuksan niya pa ako sa shotgun seat. He's like he's signaling me to seat there.
BINABASA MO ANG
My Secret Credibility
RomanceSovereign Ladies Series #1: UNDER EDITING She doesn't desirous her secrecy to unite with anyone. She contain a credence, but her intellect was precisely dominated by ardent trepidation. She wondered if it would be appropriate for her to leave alth...