Chapter 26

25 13 0
                                    

Bumangon ako sa aking kama tsaka nag-simulang mag-stretching.


Sa wakas at miyerkules na ngayon. Mabuti na lamang at nagawa ko ulit mag-review kagabi pagkatapos umalis ng aking mga kaibigan upang sa gayon ay wala akong malimutang key words.


Today is the day what I've been waiting for. I'm not nervous neither excited. I'm just normal and I felt nothing. Bago ako maligo ay sinilip ko muna ang aking phone kung may mensahe ba ako na galing sa aking mga kaibigan.


Wala kung anumang mensaheng naiwan ang aking mga kaibigan ngunit, kay Clage ay mayroon.


On the phone:


"Hey, Gwen texted me that you're not feeling fine after they leave you last night. She looks worried. Are you okay? I'm sorry napaaga ako ngayon sa University dahil may training kami sa basketball tournament. Don't worry, babawi ako sa'yo after training. I'll use our third date for later, okay? See you."


Bumuntong-hininga ako't ngumiti. Sumali pala siya sa basketball tournament coming on this friday. Siguro ay kailangan ko siyang suportahan para kahit papaano ay mabiwaan ko rin siya sa lahat ng mga ginagawa niya para sa akin.


Actually, nakakahiya rin na palagi siyang may nagagawa para sa akin pero, pagdating sa sarili ko ay wala man lang akong nagagawa kahit katiting lang para sa kaniya.


"Nope, not all. I'm perfectly fine:) Anyways, goodluck in your training."


Sinimulan ko ng maligo mula sa kinse minutos lamang dahil sa isang doorbell na aking narinig. Actually, halos patapos naman na ako no'n kaya naman hindi masiyadong nagtagal ay natapos na rin ako agad-agad.


"Louis?" nagtataka kong usal, "How did you know my house?"


"About your friends, of course." Napakamot siya sa kaniyang batok, "Siya nga pala, sorry kung nagambala pa ako sa'yo kasi... as you can see, quiz natin ngayon at ang malala ay sa first period natin 'yon."


Well, I understand him. Sa una ay naisip kong hindi siya nakapag-review sa quiz kaya naman agad kong kinuha ang aking notes pero, ang sabi niya ay nakapag-review naman daw siya pero, ang problema ay kulang ang kaniyang notes.


"Gano'n ba? Sige, pumasok na tayo para sa University ka na makapag-review."


Tumango siya at sabay kaming pumasok na dalawa. Mabuti na lamang ay nauna na si Clage dahil kung hindi ay baka magselos nanaman 'yon! Naku, bampira pa man din 'yong lalaking 'yon.


Hindi ko maamin pero, naiimagine ko kung papaano magalit ang mukha ni Clage. Baka nga sa sobrang galit nga niya ay mamula-mula na ang mata niya at hindi ko hahayaang mangyari 'yon dahil siyempre ay maraming tao ang makakakita no'n. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya dahil kagaya niya ay isa rin akong bampira.


It's such a coincidence to meet a vampire like him in the Vigan.


"Oh heto, idagdag mo na 'yang mga key words ko para kahit papaano makatulong naman ako sa pag-rereview mo."


"Hindi na. Kaya ko naman bigyan ng mga key words ito ng sa akin lang. Isa pa ay paniguradong pinaghirapan mo 'yan Zara, kaya naman okay lang."


Dahil sa kagustuhan ni Louis ay hinayaan ko na lamang siyang mag-review ngunit, aking napapagtuunan ng pansin ay bakit wala pa sina Suini at Dani?


Lumabas muna ako saglit ng classroom upang pumunta sa aking locker. Nilagay ko lahat ng aking mga hindi kakailanganing gamit doon habang ang aking mga mata ay lumapat sa mp3 player na maliit.


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon