"Nag-advance reading ka siguro 'no?" mapanukso niyang tanong.
"Not all, Suini."
"Hindi 'yan nag-advance reading, sadiyang matalino 'yan kaya naman alam mo na." singit naman ni Louis.
Suminghal si Dani, "Oo nga, 'yon na rin nasa isip ko eh. Iba talaga kapag matalino 'no?"
Nag-bonding muna kaming tatlo nina Louis, Suini at Dani. Magkaiba kami ng klase kanina pero, magkatabi lang kami ng classroom kaya naman agad naming nasalubong ni Louis silang dalawa.
"Siya nga pala, may ipapakilala ako sa inyo para--"
"Hi, Zara!" bati ng isang pamilyar na boses at alam ko na agad kung kaninong boses 'yon galing, "Tapos na pala ang first period niyo? Kumusta?"
Nilingon ko siya at konti-konti siyang lumapit sa aming apat, "G-Geoneo? A-Anong ginagawa mo rito?!" hindi ko makapaniwalang usal.
He's actually wearing our university manwhore's uniform. Don't tell me he transfered here?
"Nothing." Nagkibit balikat siya, "Balita ko eh, nakasagot ka raw sa tanong ng proffesor. As expected naman talaga eh, sana all matalino."
Seriously? Ano nanamang gusto niyang sabihin?
Umiling ako dahil sa kaniyang sinagot, ngunit hindi nagtagal ay nilingon ko na sila Louis. "Panigurado ay naroon na sila sa cafeteria upang hintayin tayo. Mauna na muna kayo, 'wag kayong mag-alala dahil kilala na nila kayo."
Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot. Dali-dali kong kinuha ang braso ni Geoneo upang makalayo sa kanilang tatlo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit, nakakita ako ng isang classroom na walang katao-tao sa loob kaya naman doon ko siya dinala.
"You shouldn't be here. Why are you here, Geoneo?"
Biglang nag-iba ang kaniyang awra ng itanong ko sa kaniya 'yon.
"I decided to study here." malamig niyang tugon habang ako ay napakagat ng aking labi dahil sa kaniyang sinagot.
"Alam ba ni Gairel ang tungkol dito?"
"No."
"So stubborn." bulong ko, "Tell her, then! Geoneo, you're so very stubborn! Hindi na ako magtataka kung bakit hindi kayo nagkakasundo ni Gairel."
"Yeah, I know. Nasabi na rin 'yan ng pinsan ko kaya naman lagi kaming hindi nagkakasundo talaga."
"Since, may gagawin pa ako... I'll go straight to the point." Bumuntong-hininga ako, "Dahil ba isang misyon naparito ka? Geoneo, halos nasa sa'yo na ang lahat! Kayamanan, kagwapuhan, kalayaan at kasiyahan! Bakit kailangang maparito ka ng dahil sa misyon na ayaw mong sabihin sa amin ni Gairel? Ano ba talaga 'yon?! Gaano ba kahalaga 'yan para hindi gawin?"
Humalakhak siya, "Hindi ko kayang sabihin sa inyo ng pinsan ko dahil tungkol sa'yo ito. Ayaw kong alam ng pinsan ko kung ano ang gagawin ko, it's none of her business! Hindi kami nagkakasundo kaya sino siya para sabihin ko sa kaniya, 'di ba? She doesn't support me at all, kayong mga kaibigan niya lang ang sinusuportahan niya!"
Hindi ko maintindihan itong lalaking ito. Gaano ba talaga kahalaga ang misyon na 'yon para sa kaniya? Ano ba kasi ang misyon na 'yon? His life is almost perfect! Nasa kaniya na ang lahat, ano pa ba ang gusto niya ayon sa kaniyang misyon na 'yon?
BINABASA MO ANG
My Secret Credibility
Любовные романыSovereign Ladies Series #1: UNDER EDITING She doesn't desirous her secrecy to unite with anyone. She contain a credence, but her intellect was precisely dominated by ardent trepidation. She wondered if it would be appropriate for her to leave alth...