Chapter 12

151 113 31
                                    

"Yes. I am." Ani ko.

"You're what?" Ani niya na parang naguluhan pa sa sinabi ko.

"Hindi ako gaya ng iba na kailangang dalawang beses ko pa sabihin kung ano dapat kong sabihin, Clage." Giit ko.

"Why are you selfish, then?" Tanong niya.

Kailangan pa ba nang rason kung bakit ako selfish? Hindi ba sapat na oo selfish ako pero gusto niya ba talagang... kailangan kong sabihin lahat sa harap niya mismo na mali ako at kung anong dahilan? Okay. Fine!

"Hindi parin ako makapaniwala na wala kang alam kahit alam mo na talaga kung bakit."

Kumunot ang noo niya at hinintay pa ang susunod kong sasabihin habang ang pagtitig niya ay nasa mata ko lang mismo nakatingin hindi na dati na parang hinehead to toe pa ang pagtingin niya sa akin kundi mata ko lang mismo parang nais niya alamin ang lahat- lahat.

"I'm freaking selfish to my secret, alam mo yan, diba? Bakit ka ba kasi nagkukunwaring walang alam sa lahat? Puro ka tanong at hindi mo din man lang ginagamit isip at pus-- I mean... y-yung nararamdaman mo s-sa ibang b-bagay. Dapat gagawin mo iyon agad at wag magpatay-patay malisya." Ani ko at medyo nauutal sa huling salita.

Muling kumunot ang kanyang noo at tinagilid ang ulo niya sa sinabi ko habang nakatitig parin sa akin. Is he still confused?

"Nagkukunwaring walang alam? What are you talking about....." Napatingin siya baba ng sahig at nag-isip habang tinagilid nanaman ang kanyang ulo sa kabilang gilid. Woah talagang walang alam noh? Inosente lang. "You mean puso ang dapat mong sasabihin kanina, diba? pero pinalitan mo ng salitang 'nararamdaman'? So... what's the difference? Ang nararamdaman ay galing sa puso dahil kung wala kang pakiramdam ay wala kang puso, diba?" Ani niya na akala niya nakuha niya ang point ngunit hindi parin.

Bakit ba mas naisip mo yan kaysa sa sinasabi ko?

Ginulo ko ang buhok ko at umalis na lang patungo sa bahay ko. Nakakapagod. Nakakapagod magpaliwanag. Firstly, si mom at dad, secondly, mga kaibigan ko, at sa huli ba namang pagkakataon si Clage nanaman ang dadagdag ulit? I've explained a lot already... pero hindi ni-isa walang magandang pakinabang.

"Wait. Zara. Is this what you mean?" Mabagal niyang hinawakan ang braso ko at hinalikan ako.

WTF? Ninakaw niya yung unang halik ko!!!

Agad ako siyang tinulak at pinunasan ang labi ko gamit ang damit ko.

"ANONG KINALAMAN NG HALIK SA SINABI KO? BAKIT MO IYON GINAWA?!" Pasigaw kong tanong pero awkward the same time.

"Ohh. Nakinig lang naman ako sa sinabi mo at ginawa ko yung hindi na ako humingi ng permission mo para halikan ka kundi kung anong gusto ng puso o nararamdaman ko iyon ang ginawa ko. Am i right?" Ani niya at proud pa sa kaniyang sariling ginawa.

Clage.. Ano bang utak meron ka? You always misunderstood my words at kahit isa wala kang nagawang tama.

"Anyways. Don't misunderstood about the kiss. Example lang iyon kung tama ba ang sinasabi mo. I just feel like I want to kiss you, so that's why I did it. okay? Yun kasi sabi mo  na gawin ko dapat at wag magpatay-patay malisya." Ngisi niya.

Anong ngisi yan? Ngising gusto mo lang kasi iyon yung nararamdaman mo na gusto mo lang ngumisi? So, example lang pala yang lintek na kiss na yan. Hayop kang Clage ka! Baka nakakalimutan mong wala pa akong first kiss at ngayong kinuha mo na magpakasaya ka, sige lang.

"So, ginamit mo yang lintek na kiss para lang sa example?! Don't you remember na iyan ang pinag-iingatan ko sa lahat. Hoy! Sino ba kasi nagsabi na gawin mo yang example na iyan? Excuse me, pero pinagsabihan lang kita. Tsaka kung wala ka ng magawa umalis ka na please." Ani ko.

My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon