Chapter 20

57 17 40
                                    

Napaka-lakas ng tibok ng aking puso ngayon. Pakiramdam ko ay parang mayroon akong nagawang kasalanan para tumibok ito ng napaka-lakas. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako ngayon dahil bakit naman ako kakabahan? Sa anong rason dapat? Bakit naman ako kakabahan ng ganito?


Ang kaniyang mga mata ay nasa aking mga mata lamang at ito ang kaisa-isang dahilan kung papaano lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung anong sinasabi ng kaniyang mga mata ngunit, alam kong madaming salita ang nais niyang ipahiwatig sa akin gamit ang kaniyang mga mata. Sabi nga nila'y kapag tumingin ka sa kaniyang mga mata, malalaman mo na marami siyang gustong ipabatid sa'yo o higit pa roon.


Marami at punong-puno ng mga salita kung titigan ang mga mata ni Clage ngayon. Ang problema nga lang ay hindi mo pa rin malalaman lahat ng mga 'yon hangga't hindi niya sinasabi sa'yo ng harap-harapan kung ano nga ba 'yon.


"Tumitig ka lang sa mga mata ko, alam mo na ang sagot." seryoso niyang tugon.


Tumitig siya sa aking mga mata kaya naman ay 'yon din ang dahilan kung papaano ako mag-simulang ma-utal at mausisa sa kaniyang harapan. Ang kaniyang mga mata ay para bang hinahanap niya ang aking mga titig upang malaman ko kung ano nga ba 'yon.


That eyes was really fierce to handle.


"Huh? T-Tumitig?" wala sa sarili kong tugon.


"Yes." simpleng saad niya, "You want my answer, right? Just stare into my eyes."


"I-I can't, Clage." I resisted my stuttering, "Why do I even have to stare into your eyes? What can my stare do to your answer? Come on! Don't procrastinate and just answer my question. That's a very simple question, Clage. I thought you're smart enough? Why can't you answer?"


I was just very abusive forcing him. Why am I doing this? What for?


"Really, huh?" saglit siyang pumikit, "You don't know how many times you stared at me, Zara. Look at the mirror, okay? Look at yourself! Do you still know yourself? I believe that you are not the Zara who used to pushed me away. All I can say is that you changed, Zara."


I can't believe that his face and tone were mixed with frustration. What is that for? Doesn't he want us to be close together? He should be happy instead of being a frustrated one.


Umiling ako. Paano niya kaya nalamang may pag-tingin ako sa kaniya ng palihim lang? Sige! Inaamin ko na minsan ay palihim ko siyang tinititigan pero, hindi naman parati 'yon kung hindi ay minsan lang! Minsan lang iyon! Hindi ko na alam 'yong pinag-sasasabi niyang ilang beses ko siyang tinititigan ng palihim! Tsk, isang malaking kalokohan yan!


Umayos ka, Zara. Kahit na minsan lang 'yon nangyari ay siguraduhin mong hindi mo na 'yon uulitin pa!


Saglit akong pumikit, "Hindi sinusubukan ng iyong mga mata ang aking katalinuhan, Clage. Huwag mo akong tratuhin gaya ng alam ko ang lahat tungkol sa'yo." pinag-pawisan nanaman ako ngunit ako'y nag-patuloy lang, "Aaminin ko sa'yo na laging sinusubukan ng aking isipan ang aking pang-huhusga. Sana ay huwag kang mag-pakitang gilas na kilala kita bilang buong ikaw dahil ang totoo ay hindi naman kita kilala bilang buong ikaw, Clage."


Umigting ang kaniyang panga habang ako'y napa-lunok. Pakiramdam ko ay hindi ko maisa-alis ang kabang nasa aking dibdib ngayon. Bakit ba ganito ang epekto nito? Bakit napaka-lakas ng epekto nito na halos hindi ko man lang malaban-labanan? Ramdam na ramdam ko pa rin ang tarantang nasa puso't isip ko ngayon. Iba ito sa galit kumpara sa aking nararamdaman ngayon.


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon