Chapter 21

41 15 49
                                    

"Mabuti na lamang ay maganda rito, Clage. Salamat dahil kahit papaano pala ay sulit na sulit ang pagod ko dahil dito sa lugar na ito. Sana ay dumating 'yong araw na maka-punta ulit ako rito sa susunod." Ngiti kong usal sa kaniya.


"Bakit hindi mo na lang kaya sabihing sulit na sulit ang pagod mo dahil kasama mo rin ako?" Ngumisi siya at nilingon ako, "I'm sure na nag-enjoy ka kanina sa piggyride back."


Marahan akong pumikit dahil sa kaniyang sinabi, "A-Ano ka ba naman?! Kinakausap kita riyan ng maayos tapos 'yan ang sasabihin mo sa akin? Napaka-walang kwenta mo namang kausap, Clage!" inis kong usisa sa kaniya.


"Look, I'm just being honest here. Tignan mo ang sarili mo ngayon. It's hard to believe, Zara. Kusa mo na akong kinakausap ng maayos ngayon, hindi kagaya ng dati na halos ipagtabuyan mo pa ako. Nag-babaka sakali lang ako kaya naman ay nagawa kitang biruin ngayon." kalugod-lugod niyang tugon.


Kung kailan ang ganda-ganda na ng mood ko eh, nakuha niya pa talaga akong biruin ng ganyan ngayon. Mabuti sana kung maganda 'yong biro niya sa akin pero, hindi naman maganda!


"H-Hindi ko naman kasi hinihingi ang pagka-honest mo, Clage. Hindi ba kasi pwedeng naka-ngiti ako dahil gusto ko lang? Huwag kang mag-alala dahil ngayong araw lang ako magkaka-ganito sa'yo, mawawala rin lahat ng ito kapag nasa University na tayo." sagot ko naman sa kaniya ngunit, hindi na siya nag-salita pa kaya naman ay isang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.


Hindi ko alam kung bakit na lamang siya tumahimik bigla. May nasabi ba akong mali? Tsk! Mabuti na rin siguro 'yan para walang maingay kaso, bakit parang hindi ako makapag-pigil?


"O-Oh? Anong nangyari sa'yo riyan? T-Tayo na nga, total ay naka-pasiyal na rin naman tayo rito. Ayos na sa akin yung mga dinaanan nating mga halaman dahil m-maganda naman eh."


Tumayo ako sa isang bench na aming kinauupuan at gayundin ang kaniyang ginawa, "Awkward, huh?" he instantly replied.


Awkward talaga ang babalot sa atin magdamag kung wala sa isip mong putulin 'yon.


"O-Oo! Kaya nga tinatanong kita kung anong nangyari sa'yo diyan eh, kasi naman napaka-daldal mo kanina tapos bigla-bigla ka na lang nanahimik sa kawalan!" pagmamaktol ko, "Kulang na nga lang baka mapag-isipan kita ng baliw o weirdo diyan dahil sa inaasta mo sa akin ngayon eh." mahina kong usal.


"Alam mo ba 'yong sinabi mo kanina? 'Yong hindi mo hinihingi yung pagka-honest ko? Actually, hindi ko alam kung bakit parang nanlumo ako ng marinig ko 'yon mismo sa iyong bibig." sambit niya na mayroong pagkabigo mula sa kaniyang boses habang ako naman ay ngumiwi dahil sa kaniyang sinabi.


"W-What do you mean?" I frown.


"Noong bata pa lamang ako, may nakilala akong dalawang batang lalaki, ang pangalan nilang dalawa ay Clance at Clave. Ang sabi nila sa akin noong bata pa lamang kami ay wala silang pakialam sa akin at sa aking pagka-honest." Bumuntong-hininga siya, "Ang sama lang sa pakiramdam na pati ba naman ikaw ay magsasabi ng wala kang pakialam sa pagka-honest ko. Sige, aaminin ko sa'yo na napaka-simpleng salita para sa'yo pero, ako'y nasaktan mo ng hindi mo alam o nakikita."


Hindi ko alam na may napag-daanan pala siya ng ganiyan noong bata pa lamang siya. Ano ba naman kasi ang pinag-sasasabi mo, Zara? Bakit mo sinabing wala kang pakialam sa kaniyang pagka-honest? Buti nga ay honest siya sa'yo eh. Bakit ba hindi mo magawang pakalmahin siya, Zara? Bakit tanging hindi ka pa rin ma-kuntento sa kaniya?


"S-Sorry! Hindi ko sinasadiya, Clage. S-Sorry talaga." Napakamot ako sa aking batok, "Masiyado mo kasi pinapakulo ang dugo ko kaya ayan tuloy. Eh, sa hindi ko talaga mapigilan ang galit ko sa'yo! Ano namang magagawa ko, 'di ba? S-Sorry na, Clage." Humikayat ako.


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon