Chapter 11

160 114 40
                                    

A few minutes later at umalis na si mom at dad sa bahay dahil alam nilang hindi daw matutuloy si Clage kaya iniwan ulit nila ako, tsaka isa pa nandito din ang mga kaibigan ko kaya yun. Minsan kasi nakakapagod mag-paliwanag sa mga taong hindi nakakaintindi tulad nalang ni mom at dad puro sila tanong, puro inaasa kay Clage at higit sa lahat hindi ako makapaniwala na may mas umaasa sila kay Clage kaysa sa sarili nilang anak. Mom, Dad kung alam niyo lang ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko at kay kuya maaring hindi nanaman kayo maniniwala mas mabuting wag na nga masabi kasi walang silbi rin iyon.

Matamlay kong hinintay sila Gwen. Napag-isipan kong huwag mag-reply sa text para magpanic sila para makauwi agad dito. Kahit papano may naiisip na tama itong utak ko bali nalang kung gagana.

Pumunta muna ako sa kusina upang uminom ng dugo kasi these days tumatamlay na ako, siguro ay kulang na kulang na ako sa dugo. Tsaka nag shower na rin ako ng mabilisan lang habang hinihintay sila para okay na din itong sarili ko.

Pagkatapos ay lumabas muna ako sa bahay para tumambay habang hinihintay sila. Pero may napansin ang mga mata ko sa gilid ng bahay. Nakita ko ang mga mata ko na si Risha ang nahagilap ng mga mata ko at may kasama siyang lalaki mukhang maghahalikan sila? But. Kailangan ko ba silang pigilan? Maaaring huwag na. Risha know what's on her mind and absolutely that she slap the boy on his face leaving a red mark. Tama nga ako. Alam niya ang ginagawa niya. I should be leaving them alone. Kailangan ko nalang hanapin yung iba. Saan ba sila pumunta? Bakit naiwan si Risha?

Nagpunta ako sa kabilang section ng apartment medyo malapit lang naman kumpara sa apartment ko. Medyo maingay-ingay nga lang at iyon ang kinagagalit ng sistema ko dahil napakadaming tsismosa sa paligid at syempre mga hayop sila dahil kung makapaglait sila parang perpekto sila sa gawain nila.

May narinig na lamang ako na sabi ng matandang nakaupo na may kausap na isa pang matanda. Kita mo ba naman kahit matanda na tsismosa pa din. Walang galang na pero mali yung ginagawa nila. Lalo na yung sinabi nila mula sa akin, lalong nagalit yung mga dugo ko kumpara sa galit ko kay Clage pero mas galit ngayon parang gusto ko makapatay ng tao pero hindi ko maaring gawin iyon.

"Walang galang na ho, Ako ho ba ang pinagsasabihan niyo ng malandi at walang alam sa buhay kundi habulin si Clage? Pasensya na ho baka nagkamali ho kayo ng balita dyan dahil hindi naman ho ako naghahabol kay Clage kundi siya mismo ho." Makalma kong tono.

Nakita ko na biglang sumimangot ang itsura ng matanda sa akin parang ang ibig niyang sabihin na ako pa yung mali sa sinabi ko. Yung isa namang matanda ay binigyan ng sign na pumasok muna ang matanda sa bahay niya. Ano naman kaya iyon?

"Kung wala na ho kayong sasabihin mauuna na ako." Sabay lakad ko ng isang beses pero napatigil ako sa sinabi ng matanda.

"Hija. Alam kong isa kang bampira." Ani niya.

Namilog mata ko sa sinabi niya. Ano't alam niya ang tungkol sa pagkatao ko? Isa din ba siyang bampira? O si Clage nanaman ang dahilan? Syempre ano pa nga ba kundi baka sinabi nga niya sa apartment na ito na bampira ako. Yun na ba ang pangganti niya sa akin?

"Alam kong nagtataka ka, hija. Ngunit kung ayaw mo maniwala edi huwag. Ikaw ang bahala sa sarili mo, hija. Isa pa at mag-iingat ka palagi dahil may naghihintay na laban para sa iyo at wala kang magagawa kundi harapin iyon. Sa mga araw na ito kung ako sayo ay magtitipid na ako ng dugong kinakailangan mo ngayon." Ani ng matanda at tinignan ako "Hanggang sa muli, hija. Alam kong magkikita pa tayo muli." Ani niya't pumasok na sa kaniyang tirahan.

Ano ba siya? Manhuhula ba? Pero bakit tila may gumapang na kaba mula sa puso ko. Mabilis siya na parang halos tinatakot ako. Kuya, ano ba ang ibig niyang sabihin? Tila may kakaiba talaga. Siguro ay binigyan mo ako ng sign, right, kuya? Naaalala ko lahat ng sinabi mo na huwag ko pangunahan ang pagiging overthinking ko at magtiwala lang ako sa iyo. Siguro at ito nga ang ibig mong sabihin. Salamat, kuya dahil pinaalam mo parin sa akin kung ano ang dapat mangyari at kung ano ang dapat nating gawin. Ngayon ay tila nawala ang kaba na nararamdaman ko mula sa puso ko kusa lang siyang naglaho ng wala sa oras. Salamat sa gabay mo kuya. Naappreciate ko kahit hindi tayo nagkikita. Ngunit kuya nais ko sana isunod mo kung ano ang mangyayari kung mamamatay ba ako, makakaligtas, may makakasama sa laban na kailangang harapin, parang ganun kuya. Hihintayin ko nalang yung panahon na iyon dahil alam kong may oras ka pa upang ibigay iyon sa akin dahil may tiwala ako sayo.

My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon