Chapter 23

29 14 54
                                    

Mula sa isang pagsikat ng araw ay nagising ako sa aking pagtulog. Nilingon ko ang aking orasan at mag-aala 'una na ng hapon, medyo napuyat ako dahil sa aking pag-alala kay Clage kaya naman ay 'di ako magtataka kung bakit na-late ako ng gising.


Tss, 'di man lang ako nagawang gisingin ni Gairel gaya ng kung paano niya gisingin ang iba mula sa video call dati. Siguro naman ay maaari kong bisitahin si Clage dahil tutal ay magkatapat lang naman kami ng bahay at isa pa ay weekend naman ngayon.


Mabuti na lamang at walang pasok ngayon dahil kung hindi'y absent ang abot ko. As usual ay ginawa ko pa rin ang aking morning routine kahit hindi na umaga. Nagsuot ako ng isang white halter top with matching mini skirt. Actually, balak ko sanang tumambay pero, kailangan ko munang bisitahin si Clage.


"Hapon ka na nagising ah?" bungad ni Gwen pagkababa ko sa sala.


"Mhm, napuyat."


"Mukhang may lakad ka ah? Si Clage ba 'yong pupuntahan mo?"


Napa-ngisi ako sa kaniyang nakaka-insultong sagot, "Mhm. Nakausap ko kasi siya kahapon, masama raw pakiramdam niya kaya naman napag-isipan kong bisitahin siya."


"Gano'n ba?" Ngumuso siya, "Pakisabi na lang sa kaniya na mag-pagaling siya tsaka, heto oh..." Naglahad siya ng lunch box sa akin, "Bale niluto ko 'yan kanina, dalahan mo na lang siya ng tinola para kahit papaano'y may dala ka na ikabubusog niya."


Tinignan ko ang laman ng lunch box na ito. Naka-plastik ang tinolang sabaw na may manok sa loob nito habang ang kanin naman ay maayos na nakalagay sa tabi nito. Napangiti ako sa kawalan. Magaling talagang magluto si Gwen dahil amoy pa lamang ay masarap na at tiyak kong magugustuhan ito ni Clage.


"Thanks." Ngiti kong usal, "Sige, mauuna na ako. Ikaw na muna ang bahala rito."


Tumango na lamang siya. Lumabas ako ng bahay tsaka sinimulang ibinukas ang gate.


"Guard?" pagtawag ko, "Maaari bang dito ka lang mag-bantay?"


"Sure, ma'am."


"Make sure that Gwen is safe." pagdidikta ko at tipid na tumango ang guard.


Muli kong nilingon ang hawak kong lunch box. Sana'y magustuhan ni Clage ito.


Ano ba itong nararamdaman ko? Tsk! Dapat ay 'di ko 'to ginagawa pero, ano nga ba itong ginagawa ko? Umiling na lamang ako't dumiretso sa kaniyang pamamahay.


"Hey, I miss you. What brings you here?"


Sinalubong niya ako ng isang yakap habang ako'y naestatwa lamang sa kaniyang ginawa. Aside from my friends, I think this is the first time someone hugged me like this.


"I-"


"Namiss mo rin ako?"


I just chuckled the way he also chuckled because of it. Hindi niya man lang ako nagawang patapusin, tss.


Humalakhak ako habang ipinakita ang lunch box sa kaniya, "I-I'm here to visit you, Clage. Mukha kasing masama 'yong pakiramdam mo kahapon kaya naman napag-isipan kong bisitahin ka ngayon."


Tinaggap niya ang lunch box na ito't binuksan upang amuyin, "Mhm, you cooked this? Mukhang masarap."


Kinagat ko ang aking labi, "Gwen cooked that for you."


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon