Chapter 30

27 12 0
                                    

"Surprise!!!"


Napalingon kaming dalawa ni Danilen sa isang sigaw. Namilog ang mga mata ko ng makita siya.


She's wearing a white tank top, black cycling shorts and white sporty shoes.


I thought she can't attend but, why the hell is she here?


"Suini?!" hindi makapaniwalang sagot ni Danilen, "Niloloko mo ba kami?! Akala namin hindi ka matutuloy? Anong nangyari sa'yong gaga ka?!"


"It's a prank! Sino namang hindi aattend e kasama nga ako sa basketball girls e!" sabi niya mula sa isang excited na tono.


Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi, "What the hell... did you just say?"


Wala siyang sinabi na sasama siya sa basketball! Hindi rin namin siya nakitang nag-practice!


Yes, it could be a prank earlier but, this could be a prank too. Halatadong-halatado dahil hindi siya mukhang seryoso.


"Ito o," she showed her red jersey in her mallet bag, "It that enough for the proof?"


Napaawang ang labi ko dahil sa pinakita ni Suini. Nakita ko kung papaano bumilog ang mata ni Danilen sa kawalan, hinatak ni Danilen ang maleta ni Suini upang tignan ang mga naroon.


"Ni wala ka namang sinabi sa amin na sasama ka sa basketball girls." aniya habang abala pa rin sa gamit ni Suini, "You don't treat us as a friends anymore, huh? Does Louis knew about this?"


Nag-iba ang awra ko ng banggitin niya ang pangalan ni Louis. Anong ibig niyang sabihin kung sakaling binangit niya 'to kay Louis?


She'll be jealous, for sure.


"Nope, walang nakakaalam kung hindi ako lang." Uminom siya ng bottled water, "Cheer niyo 'kong dalawa, ah? I'm really expecting you guys to cheer me."


Pagkatapos kaming gulatin ni Suini ng dahil sa sorpresa niya ay nag-kwentuhan pa kami. Hindi masiyadong nadamay si Louis sa usapan dahil mukhang ang topic namin ay tungkol sa pagsali niya ng basketball. She's finding a right time to practice every weekend, hindi niya 'yon sinabi dahil trip niya lang daw.


Ewan ko ba sa babaeng ito kung bakit pa tinago sa amin kung ga'yong sarili niya lang papahirapan niya. Wala man lang siyang nakasama in her training weekends.


"Siya nga pala ay noong pumasok ako ng University, narinig ko 'yong chismis na wala 'yong representative natin for the pageant. Why? What happened?" medyo curious na tanong ni Suini.


Bigla na lang akong kinabahan sa sinabi ni Geoneo kanina. He'll be giving me some time until 4 pm, he knows that he's not stupid so he will catch me after.


Nilingon ko ang relo ko at 1 pm na, tapos na ang lunch time tapos hindi pa rin ako nakakapag-desisyon. Hindi ko talaga alam kung sasali ako para lang kay Ianne o 'di kaya ay para sa aming puntos.


I bite my lower lip as I remember my friends what they've told me earlier when it's lunch time.


[Flashback]


"Girl, ano ka ba? Sumali ka na!" pamimilit ni Victoria sa akin.


Alam ko kung bakit niya ako pinipilit na sumali sa pageant hindi dahil sa hindi niya ako suportado kung hindi para lumawak ang pagiging fame ko sa ibang mga tao.


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon