Chapter 6

223 138 48
                                    

Nang matapos kami ilibot ni Suini sa buong University ay nagyaya si Suini na mag-lunch na kami ngunit hindi ko ito narinig dahil may bumabagabag sa aking isipan ang aking mga sinabi kay Clage kanina, masyado ba akong harsh kanina? sinubukan ko namang kalmahin ang aking sarili kanina ngunit mukhang harsh parin ang mga nasabi ko kanina.

Natauhan na lamang ako kay Suini sa kanyang kaliwang palad na kumakaway mula sa aking mukha. Damn. Wala nanaman yata ako sa aking sarili.

"Zara? Kanina ka pa tahimik dyan. May problema ba? Tayo na mag-lunch na tayo kung wala." Anyaya niya sa akin habang pinalupot niya ang kanyang mga kamay sa aking braso.

Ang obvious ko talaga sa tuwing tahimik o naka-tulala ako. Karamihan kasi nahahalataan nila ako agad-agad. Siguro ay kailangan ko muna uminom ng dugo dahil pakiramdam ko nawawalan ako ng gana't humihina ang aking loob.

"Mauna na muna kayo ni Louis sa canteen may nakalimutan lang akong kunin sa loob ng ating classroom." Sinabi ko at mabilis-bilis naglakad ang aking mga paa palayo sa kanila hangga't sa makapunta ng aming classroom.

Ganito ako kasabik makainom ng dugo kung kinakailangan ko talaga ito. Nakalimutan ko kasi sa classroom ang aking pouch, nandoon kasi ang dugo na kinakailangan kong inumin. So, paano ko ito iinumin? Hindi naman sigurong inumin ko ito sa public area.

Nagmadali akong bumalik sa aming classroom tsaka nagpunta sa aking inupuan kanina upang kunin ang aking pouch sa aking lamesa. Buti nalang at walang kumuha nito, minsan kasi ay nawawalan ako ng tiwala sa mga tao, di na bale kung kaibigan ko sila. Isinama ko ang aking pouch upang hindi ko na ito buksan, kasabay na lamang pag-iinumin ko na ito tsaka ko nalang bubuksan upang walang makakita. Baka kasi kung anong sabihin nila na may tinatago ako roon, syempre baka ma-curious silang alamin at delikado na yun.

Naka-isip ako kung saan ko maaaring inumin ang dugong ito. Pupuntahan ko na sana ang rooftop dahil walang nagpupunta roon, nasabi sa akin ni Suini ito kanina kaso may yumakap sa akin at bigla kaming naglaho. Sino siya? Buti na lamang at nasa classroom kami dahil walang nakakita ng ginawa niya.

Nang matapos makapaglaho ay nasa tapat na ako ng aking bahay mag-isa? Nasaan siya? Bakit niya ako dinala dito? at iniwan? Isa din ba siyang bampira? dahil pakiramdam ko pareho kami ng lakas. Doon rin kaya siya nag-aaral sa University? Nais ko sana magpasalamat sa kanyang ginawa, kahit hindi na kailangan. Nais ko rin siyang makilala bilang kaibigan na rin.

Bago ko pa naman inumin ang dugo ko ay may naramdaman akong hindi tama sa akin. Sinubukan kong kunin ang aking phone mula sa aking bulsa ng aking palda at nang mag-salamin ako ay nakikita ko ang aking mga mata ay unti-unting nagiging kulay pula ito, ngunit bakit? Nangyayari lang naman ito kung may panganib na paparating. Damn it! Meron bang panganib?

Ininom ko ang aking dugong ninanais kong inumin at pagkatapos ay naglaho na lamang ako sa women's restroom nang walang ginagamit na kapangyarihan, buti at hindi sa cubicle dahil may mga makakakita sa akin pag-doon ako lumitaw. Hinintay ko na lamang umalis ang mga nasa cubicle na babae tsaka ako lumabas. Phew! Muntik na yun.

Pagkatapos ay bigla kong naalala na naghihintay sina Suini at Louis sa canteen. Ano na kayang sasabihin ko? May kinuha ako ngunit nagtagal ako e! Tinignan ko ang aking relo mula sa aking palapulsuhan at nanlaki ang aking dalawang mga mata dahil 12:10 pm palang ng lunch? Ano ito? Habang wala ako at naglaho ay huminto ang oras dito bago ako makabalik? Paano nangyari iyon? Halos pakiramdam ko ay inabot ako ng labing-limang minuto kakaisip sa tapat ng aking bahay kung paano kumulay pula ang aking mga mata, ngunit sa ngayon ay naglaho at bumalik sa normal ang aking mga mata na ngayon ay itim na siya.

Nagbalik ako ng canteen at nakita kong walang Suini at Louis na naroon. Sinubukan kong maglakad-lakad sa isang cafeteria katabi ito ng canteen upang makita sila ngunit wala rin sila roon. Dahil sa laki ng University ay dalawa ang kainan nito may canteen rito at katabi nito ay cafeteria bale may banyo naring malapit dito. Halos buong hallway inikot ko pero gym ang aking hindi napupuntahan kaya pumunta ako ng gym upang sila'y hanapin roon. Halos kung makaikot ako ay kabisadong-kabisado ko na agad ang University na ito at siyang kinamangha ko iyon.

My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon