Naghintay ako sa kotse ni Clage ng tahimik lamang at halos 30 minutes na ang nakalipas ngunit, tanging hindi pa rin siya bumabalik dito. Ni hindi nga siya nagtext sa akin kung bakit wala pa rin siya rito, baka nakakalimutan niyang may naghihintay dito sa kotse niya? Aba, nasaan na kaya 'yong lalaking 'yon?
Balak ko na sana siyang tawagan pero, naalala kong wala pala akong phone number niya. Tsk! Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi naman pwedeng tawagan ko sina mommy at daddy para lang makuha 'yong number niya dahil ang alam nila ay kasama ko siya. Isa pa ay ang weird naman no'n dahil bakit kailangan ko pa silang tawagan e ang nasa isip nila ay kasama ko siya, 'di ba?
Siguro nakikipag-landian muna 'yong lalaking 'yon bago pumunta rito. Tsk! Nasasayang lang oras ko dahil sa kaniya e, dinadamay pa niya ako sa kagaguhan niya! Baka mamaya isipin pa ng mga babae niya, ako 'yong girlfriend!
Yuck, kadiri!
Tanging gusto ko lang naman e umuwi sa bahay ng makapag-pahinga na. Tsk! Kung hanapin ko na lang kaya siya e, 'no? Kaysa sa wala akong ginagawa rito. Baka nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi! Bubuksan ko na sana 'yong shotgun seat pero, biglang may humarang bago ko 'yon maibukas. Sa ngayon ay bigo akong makalabas ngayon ng dahil doon.
"Isa ka pang makulit, 'no? 'Di ba sabi ko sa'yo na hintayin mo lang ako rito sa kotse ko?" sambit ng isang pamilyar na boses, kung titignan ko siya ngayon ay naba-badtrip siyang bumungad sa akin.
Medyo na-distract ako sa part na may sugat siya sa kaniyang mukha. Bakit ba siya may sugat sa mukha? Nakipag-away ba siya? Nakipag-suntukan? Wala pala e, basagulero pala itong nilalang na ito. Naku, bawas pogi points 'yan. Woah! Kinarma na yata ito ah?
And what did he just say? Makulit?! Isa pa akong makulit? Ako pa talaga ang makulit ah? Kung wala lang siyang sugat ngayon baka naupakan ko na siya, mas dadaigin ko pa 'yong taong sumuntok sa pagmumukha kaniya.
"Ano nangyari riyan sa mukha mo? Bakit may sugat ka riyan?" tanong ko't ngumisi lamang ito na parang wala lang sa kaniya.
"W-Wala! Nagasgas lang." tipid niyang sagot.
I don't believe him though. Alam kong napaaway siya, tss. Why don't he just admit it, right?
Basagulero na nga sinungaling pa!
"Ang galing mo rin pala gumawa ng excuse 'gaya ng ibang mga lalaki, 'no? Pero, 'wag ka sa akin! Hindi mo ako maloloko at madadaan sa pag-ganiyan mo kaya sabihin mo sa akin, sino ba ang mga nakaaway m--"
Bigla niyang tinakpan ang aking bibig at napayuko ako dahil sa kaniyang ginawa. Ano nanaman ba ito? Gusto mo nanaman ba akong manahimik?
Aba, kanina pa siya ah!
Bigla na lang dumapo ang aking mga mata sa kaniyang mukha. Hindi ko alam pero, 'yong sugat talaga niya ang dahilan kung bakit nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kung mapapansin ay nagdudugo ang kaniyang sugat sa may bandang panga niya kaya naman hindi ko maiwasang gumitla dahil doon.
Shit! I have to control yourself. Hindi ako maaaring maakit sa dugong 'yan dahil mukhang delikado!
Wala akong nagawa kung hindi mag-iwas ng tingin sa kaniyang sugat upang maiwasan ko 'yon. Muli ko siyang nilingon at nakita ko ang mga mata niya na tusong nagdidilim sa direksyon ng University. Sinundan ko 'yong paninitig niya roon at lumaki ang mga mata ko dahil sumigaw ang isang lalaki roon.
"Habulin niyo si Aldrei! Nandoon siya sa kotse! Dali!" sigaw ng isang lalaki kasama ang kaniyang mga alipores na lalaki.
Bigla ko na lang narinig ang malutong niyang mura. Hindi ko batid ang nangyari pero, nakikita kong hindi siya mapakali sa kaniyang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
My Secret Credibility
RomanceSovereign Ladies Series #1: UNDER EDITING She doesn't desirous her secrecy to unite with anyone. She contain a credence, but her intellect was precisely dominated by ardent trepidation. She wondered if it would be appropriate for her to leave alth...