Chapter 36

21 10 0
                                    

"Come here..."


Sinundan ko siya sa tapat ng restroom kung saan ay women's restroom. Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang pumasok dito sa loob. May mga ibang babae naroon sa cubicle pero, mukhang wala siyang pakialam.


Tumigil siya roon sa may pinto ng restroom which is pinakahuli kaya naman doon ko napag-isipang magbihis. Sinara ko 'yong pinto roon upang magbihis. Mabuti na lang ay dumating agad si Suini upang pahiramin ako ng uniform.


Well, malaking tulong na 'yon sa akin.


A few seconds later I was done. Hindi gano'n kahirap isuot ang uniform dahil ito'y malambot lang at sakto para sa aking size.


"Thank you, iwan ko muna siya sa'yo." tipid na sagot ni Clage.


"No problem, she's my friend after all." Tumango si Suini


I didn't know that Suini still choosed me over Danilen. I mean, they both are friends for a long time. How can she choose me?


She sigh heavily, "Ako na ang humihingi ng tawad para sa kaniya, Zara. I'm sorry, really sorry. Pag-pasensiyahan mo na, hindi ko rin inakalang gano'n siya ka-desperada kay Louis."


"Well, nagmahal lang naman si Danilen, Suini. Naiintindihan ko pero, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan niya pa akong ipahiya ng gano'n? Sobra naman yata 'yon, 'di ba? Ni hindi nga niya alam kung nakakasiguro ba siya sa pinaghihinalaan niya sa akin e." I tried to fix my tie and hair, "Mas pinili niya pa akong ipahiya kaysa sa hayaan akong magpaliwanag..." bulong ko.


After having a small talk with Suini, umalis na kami agad dahil baka ma-late kami sa klase. I was just holding Clage's top uniform when I suddenly saw him in front of my classroom.


"Mauna na muna ako sa klase ah? Baka pagalitan nanaman ako ng proffesor namin. These days kasi parang always na akong late e... pasensiya na nga pala kung late nanaman ako ngayon. Hindi man lang kita nagawang ipagtanggol kanina."


She started to left then, Clage approached me. He took his top uniform that I was holding so, I was startle for what he just did. Nahagip ng mga mata ko ang classroom na aking papasukan, mayroon itong trash bin sa itaas at the same time mayroon din silang hawak na basura para itapon sa akin 'yon. I suddenly feel like they were bullying me.


Para tuloy ayaw kong pumasok muna sa classroom na 'yon.


I hold Clage's hand to get out of the University, our hands interwined at the same time. Ang paghawak ko ng kamay sa kaniya ay naging holding hands dahil sinuklian niya ito ng ganti para hawakan din ang kamay ko.


"Let's cut for now, I feel like my two feets couldn't go there. Magkakaroon lang ng gulo tapos baka pagalitan lang tayo ng proffesor."


Sinubukan kong pigilan ang tulong nagbabandiya sa aking mga mata pero, wala akong magawa kung hindi pakawalan ang mga luhang 'yon. Shit! Bakit ba ako umiiyak? Maliit na bagay lang yan e! Kung si Risha nga e ang lakas-lakas sa mga ganiyan pero, bakit ako hindi?


"It was same, Zara. Mag-cucutting tayo siyempre hindi lang tayo papagalitan, detention din ang abot nating dalawa."


"I know but, mas mabuting ako na lang ang ma-detention o 'di kaya ay mapagalitan para 'di na sila madamay." I winced and let go of his hand this time, "You can go if ayaw mong madamay sa detention..."


"I wouldn't even dare to do that!" he shook his head, "Okay, fine. Let's cut, tutal hindi maganda ang pakiramdam mo rito. Hayaan mong pagandahin ko 'yong pakiramdam mo."


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon