With an agreement of keeping their relationship a secret, Jordyn and Caius continued their affair. At first, Jordyn felt scared that they might get caught but with Caius' cooperation and understanding, her inhibitions faded away.
Sa klase ay halos hindi siya nito tignan at tuwing mag babalik naman ito ng plates ay wala na itong sinasabi pa, iaabot lang sa kan'yang ang kan'yang plate tapos ay tatawag na ulit ng iba. Hindi n'ya tuloy maiwasang magtampo minsan.
But then, she won't complain. Alam niyang nag-iingat lang din itong huwag silang mahalata ng lahat.
"Saan ka na naman natulog kagabi?" Zia asked her. Muntik naman siyang mapatalon dahil sa gulat.
"Oh, god, Zia! Muntik na akong atakihin sa puso!" sabi naman n'ya.
But Zia remained standing in front of her, arching her brow and folding her hand to her chest. "Nakita ko kung sino ang kasama mo. He's one of your professor, right?" tanong naman nito. Hindi naman siya nakasagot sa kaya nag salita agad. "Are you having an affair with your professor, Addison?" dagdag pa nito.
Hindi n'ya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon n'ya pero tumango na lang siya.
"Are you out of your mind?!" galit na tanong nito.
Napailing-iling naman s'ya. "No. Makinig ka muna, Zia," pakiusap naman n'ya.
"Sige, ipaliwanag mo 'yang kagagahan mo. Siguraduhin mo lang na maayos 'yan explanation mo kundi ay iuumpog kita dyan sa pader hanggang sa matauhan ka," banta naman nito.
Hindi naman n'ya malaman kung paano siya nagsimula na kung hindi pa siya sisigawan ulit nito ay hindi pa siya magsasalita.
"S'ya 'yung kunu-kwento ko sa'yo..." ani n'ya.
"Iyong first love mo?" gulat na tanong nito.
She nodded. Tapos ay ikinuwento pa n'ya ang ilang detalye kung paano sila nag kaayos at napunta sa ganung sitwasyon.
"Ang gaga mo, Addison! Sana ay sinabi mo sa aking professor mo 'yan para na discourage kita!" sabi nito.
Umiling naman siya. "Kahit naman siguro i-discourage mo ako ay gagawin ko parin. Mahal ko siya, Zia," ani n'ya.
"At paano kung mabuntis ka?" tanong pa nito. Pinanlakihan naman n'ya ito ng mata. "Huwag mo akong matitig-titigan ng gan'yan, Addison. Umayos ka! Siguro naman ay alam n'yo ang posibilidad na iyan," sabi pa nito.
"We'll take responsible of it, Zia. Napag-usapan na naming ito," sagot naman n'ya ng makabawi sa gulat dahil sa mga pinagsasasabi ng kaibigan n'ya.
"Wow. Planado nyo na talaga, ano?" tanong naman nito.
Napanguso siya naman siya. "He said he'll resign," she answered.
"Then let him! Gaga ka! Inilagay n'yo lang ang sarili n'yo sa kumplikadong sitwasyon," sabi nito.
"Zia, we've been loving each other since high school! At limang taon siyang nag-intay para sa akin," sabi naman n'ya.
"At sa tingin mo ay tatanggapin iyan ng admin ng school? Mag-isip kang mabuti, Addison. Reputasyon n'yong dalawa ang nakasalalay dito," sabi pa nito. "Pag-isipan mong mabuti 'yang ginagawa mo," she added.
That's what running through her mind the whole day, ilang beses tuloy siyang natawag sa klase dahil palagi s'yang tulala. Nabahala na rin si Caius sa ikinikilos n'ya ngunit dahil hindi ito basta-basta makalapit sa kanya ay wala itong magawa.
"Ano na namang ganap mo d'yan, girl. Bakit tulala ka buong mag hapon, sabog ka ba?" Olive asked her.
"Wala. May iniisip lang ako," she answered, shaking her head.
Bigla namang tumunog ang cellphone n'ya at nang tingnan n'ya ay may isang mensahe siya galing kay Caius. Agad naman siyang umiwas para hindi iyon makita ni Olive o ni Shan.
Sinamaan naman s'ya agad ng tingin ni Olive, habang si Shan ay tahimik lang na nakamasid.
"What's bothering you, baby?" she asked in the text message.
"Nothing..." she replied.
"Doesn't seem like that to me. Want to talk about it later?" he asked again.
Napabuntong hininga naman siya bago sumagot. "Okay po," she replied.
"Okay. I love you," sagot nito.
"I love you too," she replied before putting her phone inside her bag.
"Huy, sino 'yung ka-text mo ah?" usisa pa ulit ni Olive.
"Wala..." sagot n'ya ulit.
"Panay ka namang naka-wala, e. Nang gigigil na ako sa'yo, ah!" sagot naman nito.
"May boyfriend ka na ba, Addison?' Shan butted in.
She was hesitant to answer but she decided to tell the truth. "Meron," she answered, they are her friends, anyway. And she can see how shocked the two were that it takes them a moment to recover.
"Joke 'yan?" Olive blurted, tatawa-tawa pa ito.
Sinamaan n'ya naman ito ng tingin. "Seryoso kasi," kumpirma n'ya pa.
"Oh, gosh! Gaga ka! Bakit hindi mo sa amin sinasabi, ha? Sino 'yan? Ipakilala mo sa amin ngayon na," utos pa nito.
Umiling naman agad s'ya. "Wala naman siya rito, e. Next time na lang," sagot n'ya.
But Olive, being Olive, didn't stop asking her about her boyfriend but she remained mum to it. Tama na siguro na alam ng mga ito na may boyfriend siya sa ngayon.
"Zia knows about us. She saw us. And Olive and Shan, I already told them that I have a boyfriend," she informed Caius. They were in his house again, laying on his bed while naked under his blanket.
"What's their reaction?" he asked, snuggling more in her neck.
"Shan and Olive are curious about you. Hindi ko naman kasi sinabi kung sino ka, but Zia. She was mad. She thinks I'm crazy for having an affair with my professor," she answered honestly.
"We're not having an affair, Jordyn. This is more than just an affair. We're in a serious relationship, please always remember that," sabi naman nito. Tumango lang siya. "What else did she say?"
Umiling naman s'ya, nahihiyang sabihin ang iba pang sinabi sa kan'yang ni Zia. Alam naman niyang napag-usapan na nila ni Caius iyon pero hindi parin n'ya maiwasang mahiyang sabihin iyon sa kan'ya.
"Come on, baby. I know she said something else. Tell me," uso pa nito. Hinawakan pa siya nito sa magkabilang pisngi dahil ayaw n'ya itong tingnan.
Ngumuso naman siya, nahihiya pa rin na sabihin ang nasa isip n'ya.
"Tell me..." Caius repeated, giving her small kisses all over her face.
Shyly, she snuggled on his neck and said, "She said, what if I got pregnant."
Caius move away and held her cheeks again. "Magpapakasal tayo, Jordyn." sagot nito.
BINABASA MO ANG
Fascinated by You (GM Series #1)
RomanceGood Men Series 1: The Professor (Formerly The Professor's Fascination) Jordyn Addison Luz Valle never thought she would meet her first love again after the painful event happened way back in her high school days. But she was wrong, because after fi...