02

1.4K 44 8
                                    


"Oh, gosh ang ganda mo, Jorge!" Van exclaimed the moment she see her climbing down the stairs.

Umikot-ikot naman siya sa harap ng kaibigan para ipakita ang kabuuan ng kanyang ayos. "Siyempre, ako pa ba?" she then asked.

Tonight is their Junior and Senior Promenade and she really prepared for this special event. It will be her first promenade and her excitement surpassed the skies knowing the fact that Caius will be there as the council president. Hindi n'ya tuloy mapigilang mangarap na makasayaw nito sa gabing iyon. Paniguradong buong gabi siyang hindi makakatulog kung mangyayari n'ya iyon.

"Tingin mo, sasayaw kaya sila Caius?" tanong n'ya sa kaibigan habang nasa sasakyan na sila at patungo na sa venue ng kanilang JS Prom.

"Pwede naman, since part naman sila ng event. Pero kung ang gusto mo talagang itanong ay kung sakaling isasayaw ka n'ya, I'm sorry bes, pero parang ang imposible nun," sagot nito.

Napairap naman siya sa sagot ng kaibigan. Minsan ay napapaisip na siya kung totoo n'ya ba itong kaibigan dahil panay na masasakit na katotohanan ang isinasagot nito sa kan'ya tuwing mangangarap siya ng tungkol sa kanila ni Caius. Hindi man lang siya suportahan.

"Ang sama ng ugali mo," sabi na lang n'ya.

Van laughed at her. "Sinasabi ko lang sa'yo ang totoo para hindi ka na masaktan. Kasi naman, si Kuya Caius iyon. At ikaw, si Jordyn, iyong na-buntis kuno ng bestfriend n'ya. Tingin mo ba ay mapapansin ka n'ya nang hindi niya naisip 'yon?"

"Ang sakit mong magsalita, alam mo ba?" sagot n'ya.

Van laughed more, napatingin pa sa kanila ang driver nito dahil sa lakas ng tawa ng kaibigan n'ya. "Alam mo, mas malaki pa ang chance na si Mave ang mag-aaya sa iyong mag sayaw," sabi nito.

"Yuck! Kadiri. Pwede ba? Kahit sino na lang, huwag lang ang unggoy na iyon," sagot n'ya. "At saka, paanong makakapasok iyon sa venue. Eh, hindi naman kasali ang mga senior high," dagdag n'ya pa.

"Siyempre dahil kay Caius. Nag-volunteer silang maging ushers," sagot nito.

She snorted. Kahit kailan talaga ay hindi mawala sa landas n'ya ang unggoy na iyon. Kung nasaan sila ni Caius ay nandun din ang lalaking yun; laging nakasagabal.

They reached the events' venue. Excited pa silang pumila sa linya ng receptionist, but her smile faded the moment her eyes met the pair of olive eyes she wished she never knew. She saw Maverick on the receptionist's table. Malawak ang mapang-asar na ngisi sa kan'ya.

"Akala ko ba usher 'yan? Bakit nandyan?" she asked Van.

Van shrugged. "Aba, malay ko ah!" sagot nito.

"You should change your sources of information, Van. Hindi naman accurate," sabi na lang n'ya, arms folded to her chest.

"Name?" the receptionist asked Van.

Ngiting-ngiti namang sumagot ang kaibigan n'ya. "Vanellope Samantha Hernandez."

"This way," the girl said after seeing her name on the list. "Next..."

"Jordyn Addison Luz Valle," sabi n'ya.

The girl looked at her then to Maverick who's suppressing his laugh on the side. Napairap naman s'ya.

"Oo, miss. Ako nga 'yon," she wanted to tell the girl but she stopped herself.

"This way," the girl said eventually after highlighting her name on the list.

Lalakad na sana s'ya papunta kay Van na nag iintay sa kan'ya sa entrance ng venue nang biglang humakbang sa harap n'ya si Maverick at nakalahad ang braso sa kan'ya. Bigla tuloy umalis si Van at nauna nang pumasok, kumaway-kaway pa ito sa kan'ya habang naka-ngisi.

She rolled her eyes at him and pushed him on the side. "You're blocking my way," ani n'ya at nalampasan ito.

But as stubborn as he has always been, Maverick suddenly stood beside her and slid his arms around her waist. "Ang ganda mo," bulong nito sa kan'ya.

"Don't touch me," she pushed him again but Maverick stood like a statue beside her. Ni hindi man lang ito natinag sa pagtulak n'ya.

"Ang sungit mo lagi," natatawang sagot pa nito. "Pero palagi ka naman maganda."

"Bibitawan mo ako o mag i-eskandalo ako rito?" she threatened.

Maverick raised his brow. "Ano namang sasabihin mo? Na minamanyak kita?"

"Oo! Na gusto mo akong i-rape," sagot n'ya, raising her chin.

Maverick laughed more. Naaagaw na tuloy nila ang atensyon ng lahat. "Puro talaga kahalayan ang nasa isip mo. Dati sabi mo na-buntis kita, ngayon naman i-re-rape?" sabi nito. "Rape isn't a good joke, you know," dagdag pa nito.

Napaisip naman siya sa sinabi nito. Totoo naman. Siguro noon ay pinalampas ang iskandalong ginawa n'ya, pero kung uulitin n'ya iyon ngayon, paniguradong iba na ang mangyayari. Lalo na't minor pa siya habang nasa legal age naman na si Maverick. Sa huli tuloy ay inirapan na lang n'ya ito at tinalikuran.

"Don't ruin my night, please lang. This is my first prom and I wanted it memorable," sabi n'ya pa bago ito iwanan ng tuluyan.

She went inside the venue and immediately search for Van. Pero ang bruha, hindi na n'ya mahagilap sa dami ng tao. Kinailangan pa tuloy niyang mag ikot-ikot sa buong lugar para makita ito. And when she finally saw her and was about to talk towards her, Caius walked in front of her. Making her stunned on her spot.

Caius, was holding a phone while talking with someone. Saglit itong nag baling ng tingin sa kan'ya at halos makitilan siya ng hininga ng humagod ang tingin nito mula sa kanyang mukha pababa sa kan'yang mga paa.

Na-conscious tuloy siya bigla.

She was wearing a baby pink spaghetti straps long dress. It has a sweetheart shaped neckline and it was backless. May slit din iyon na aabot sa kalahati ng hita n'ya ang hati. Her make-up was light and her hair was curled in the edge to make it look dramatic. Nilagyan pa iyan ni Van kanina ng pearl hair clip para naman makita ang kanyang kanang tenga.

Van and Maverick have complimented her look but she can't help but still question it again herself.

Paano pala kung iba ang standard ng ganda para kay Caius at hindi siya pasok doon?

She suddenly felt gloomy lalo na noong hindi na ulit na sila nilingon ni Caius kahit ilang beses pa ulit silang nag kasalubong. Kahit noong pinilit siyang isayaw ni Maverick— na pinaunlakan n'ya lamang dahil sa tukso at kantyaw ng mga nasa paligid nila. Caius then went to them to tell Maverick that he was needed at the back stage.

She was even crowned as the Prom Queen, isa pa ito sa mga nag award sa kanila ng Prom King pero hindi man lang siya nito nilingon. She was really down that she stayed seated until the program ended.

Fascinated by You (GM Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon