53

915 20 0
                                    

Epilogue
(2 of 3)

Maybe, he over-analyzed it wrong. Or, he was simply a coward. Until now, Caius cannot believe what happened in a span of five months. Parang kahapon lang ay siya pa itong gusto ni Jordyn, pero ngayon, girlfriend na ito ng kaibigan n'ya.

Gusto sana niyang mainis, magalit. Pero kanio? Kay Jordyn dahil hindi nito pinanindigan ang sinasabi nitong pag mamahal para sa kan'ya? O sa sarili n'ya dahil umasa siyang hindi mag babago ang nararamdaman nito para sa kan'ya kahit anong mangyari.

Sino bang may mali? Ang umasa o ang nag paasa.

He always sighs on that thought.

Hindi n'ya rin kasi alam kung sino ang mali sa kanilang dalawa.

But nonetheless, he won't complain; he can't even get mad of Maverick, Jordyn even. Martyr na kung martyr, pero hindi siya lalagpas sa linyang hangganan n'ya. He witnessed how happy Maverick is with Jordyn and so as her. Masakit man aminin sa sarili n'ya, kitang-kita n'ya kung gaano kasaya ang dalawa sa isa't-isa. For that, he was also happy for them. Bahala na ang nararamdaman n'ya, makukuntento na lamang s'ya sa pag tanaw kay Jordyn mula sa malayo hanggang sa matanggap niyang hindi ito para sa kanya at mawala nang tuluyan ang nararamdaman n'ya para rito.

"Tangina nitong si Jaxon, nag ka-girlfriend lang 'di na mahagilap," Easton said. Nasa tabi n'ya ito habang hawak ang cellphone, ka-text siguro si Maverick.

Sinamaan n'ya naman ito ng tingin, hindi dahil sa sinabi nito sa kaibigan kundi dahil sa nalaman niyang tungkol dito. Easton saw that, kaya agad itong nag-iwas ng tingin at umalis.

"Hayaan niyo na 'yung isang 'yun. Matagal n'ya nang pangarap 'yun." Grant said as well.

"Makinig tayo sa taong nakaka-relate sa sitwasyon ng tropa natin," Connor teased. Inirapan naman ito ni Grant.

"Pero paano na 'tong plano natin? Drawing na naman?" Gavin asked.

He sighed. "Let's schedule it again when everyone is available," sabi na lang n'ya.

"Sus. Pag kay Jaxon, re-schedule agad, pag ako, sang katutak na mura aabutin ko sa inyo," angal naman ni Aydan.

"Napaka-seloso mo naman pala?" Connor teased again.

"Tangina. Unfair nun, ah. Pag kayo, may consideration, pag ako, galit agad kayo?" dagdag pa nito tapos ay inilabas ang cellphone at nag tipa ng kung ano roon. "Humanda sa akin 'yang Jaxon na 'yan. Mag mi-meryenda s'ya ng mura sa akin." Ani pa nito.

"Oh, bakit ka galit?" Connor teased once more.

Umamba namang susuntukin ito ni Aydan pero tinawanan lang ito ni Connor habang naka-taas ang kamay. Napili-iling na lamang siya sa mga kaibigan at hindi na pinansin ang mga ito.

Maverick is out for a date with Jordyn again. Halos araw-araw ata nag d-date ang dalawa.

He took out his phone from his side pocket and started typing a text for Maverick.

When will you be available for our meeting? His message.

[Meeting?] Maverick replied.

Engineer Lopez's project. He texted back.

Fascinated by You (GM Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon