25

784 22 0
                                    

"Luz Valle," Caius called her. Agad siyang tumayo at lumapit dito para kuhanin ang plate n'yang tapos na nitong grade-an.

"Thank you, Sir," she said after getting her plate. Ilang pulang linya ang nakita niya roon pero hinayaan niya na lang at muling bumalik sa kanyang upuan.

Pagdating sa kanyang upuan ay doon n'ya palang sinilip iyon. "What the hell..." she said, almost a whispered, angry for what she's seeing. Shan heard her at agad itong lumapit para silipin ang kanyang plate.

"Oh? Pulang-pula, ah?" komento nito.

Gusto niyang bumalik sa harap at mag protesta sa ginawa nito sa kanyang plate. Na para bang isa itong bata na ginawang coloring book ang kanyang plates ngunit hindi niya ginawa. Imbes, nag pinag pasensyahan na lamang n'ya iyon at pinag-aralan ang kan'yang gawa, baka totoong may mali siya.

Pero kahit anong tingin niya ay wala naman, kaya mas nainis lamang s'ya. Buong oras tuloy ng klase nila ay masama ang loob niya. Sa apat na taon niya sa engineering at sa lahat ng plates na nagawa niya, ngayon lang siya nakatanggap ng ganung grade.

"Seryoso ba 'to? Nilagyan talaga ng ganito?" Olive asked. Hawak nito ang plate n'ya at tinitignan ang mga nakasulat doon. "Tiktok room... what the fuck?" she added.

Sa kan'yang plate kasi ay may inilagay siyang bakanteng kwarto, may label naman na storage room, but Caius has to comment and ask if that room was allocated as "Tiktok room'.

Ano bang tingin nito sa kan'ya? Naglalaro lang sa paggawa ng kanyang plates? Hindi man lang ba naisip nito ang pagod at puyat n'ya habang pilit na tinatapos ang plate na iyon bago ang pasahan?

Ugh! Gusto n'ya itong sugurin ngunit takot naman siyang makausap ito. Takot siya dahil ayaw niya na sanang magkaroon ng koneksyon dito at sa taong malalapit dito.

"Hayaan n'yo na. Aayusin ko na lang sa susunod," sabi niya.

"Ugh... Tama ba 'yung narinig ko? Pakisilip nga kung may nakabarang tutuli sa tainga ko, Shan," Olive said, lumapit pa ito sa lalaki para ipasilip ang kanyang tainga.

Shan pushed her away though. "Kadiri ka, Olive. Lumayo ka nga," maarteng sagot naman ng huli.

"Tangina... Epekto ba 'yan ng climate change sa'yo, Addison? Sure ka talagang hindi mo hahabulin ang grades mo?" Olive asked her.

Napa-iling na lang naman siya at hindi sumagot.

"Gago! Changed person na ang prenny natin, Shan! Isa na siyang normal na nilalang!" dagdag pa nito.

Shan groaned. "Tumigil ka nga, Olive. Para ka na namang tanga," sita nito.

"Ikaw, para ka ring ewan d'yan!" ganti naman nito tapos ay muling bumaling sa kan'ya. "Pero seryoso nga, hindi mo susugurin si Sir Riley para sa ginawa niya?" tanong pa nito.

Tumango naman siya. "May gagawin pa akong mas importante. Ayaw kong pag aksayahan ng oras ang pakikipag-away sa taong siguradong hindi naman pakikinggan ang katwiran ko," sagot niya.

Olive made a face. Tila ba hindi parin ito kumbinsido sa mga sinabi n'ya. Hindi naman na n'ya iyon pinansin.

She have known Caius. She knew how perfectionist he is at kung sa tingin nito ay hindi papasa ang gawa niyang iyon ay bahala s'ya. Iisipin n'ya na lang na hindi lang siya ang nakakuha ng ganung marka na sa kung tutuusin, mas malala pa ang kala Shan at Olive.

Olive won't bother though, sanay na ito sa pasang-awang mga marka, basta makapasa ay ayos na para rito. And as per Shan, aminado naman itong minadali nito ang pag gawa sa plate n'ya kaya wala ring amor mag reklamo sa grade na nakuha niya.

"Mag entertainment booth daw tayo ngayon," Jerome announced to them, their class beadle.

"Sino namang magaling ang nakaisip niyan? Mabigyan ng award," Darius asked.

"Council malamang," sagot naman ni Jerome.

"Ang brainy talaga ng mga 'yun," Jeff commented, one of her classmates.

"Maka-reklamo akala mo laki ng ambag sa department," Sandra spat, iyong barkada ni Jeff at member ng council.

Jeff acted like he was choking Sandra. "Ang gagaling n'yo kasing mag-isip. Ang sarap n'yong pag sasakalin."

"Stop it, Jeff." Marie Sol said, iyong top one ng klase nila. Jeff followed immediately.

Napailing na lamang siya habang pinapanood ang pagkukulitan ng mga ito.

"Ano na naman kaya ang ipapagawa nila sa atin ngayon?" Shan asked from her side.

"Sana horror booth!" Olive squalled. Ang natatanging excited sa kanilang lahat.

"Daming budget..." Luna commented.

"Ay, wow! May sumasabat, 'di naman kausap," Olive mocked. Inirapan naman ito ni Luna tapos ay lumipat ito ng upuan, malayo sa kanila.

"Bruha mo, no?" Shan commented on Olive.

"Parehas lang kami kaya it's a tie," sagot naman ng isa.

She didn't say anything. Hinayaan niya lang na magtalo-talo ang mga nasa paligid niya habang siya, nakatitig lang sa kanyang cellphone. Contemplating if she will send a reply to her sister-in-laws' messages.

'Marcus and I will set a dinner for your Kuya Jordan. You should come, Jordyn,' her Ate Michelle text message.

She sighed and replied. "I'll try, Ate. Pag maaga kaming natapos sa mga gawain dito sa school."

'Don't just try, Jordyn. Alam kong may tampuhan kayo ng Kuya mo pero alam kong miss na miss na n'ya. Please, Jorge, spare some time for you Kuya.' Her sister-in-law added.

She didn't reply. Hindi rin naman niya alam kung ano ang isasagot n'ya. It's true that she misses her Kuya, she won't lie on that. But it was her who's the problem. She can't forgive herself for what happened to their father.

She's beyond guilty dahil totoong kasalanan n'ya. Kung hindi lamang siya naging selfish at inisip ang nararamdaman ng kanilang daddy ay kasama pa sana nila ito ngayon. Isa pa, takot din siyang bumalik sa lugar nila.

Sa loob ng limang taon ay tuwing birthday ng kanilang daddy, undas, pasko, at bagong taon lamang siya umuuwi. At pag naroon siya, hindi naman siya lumalabas. Hihintayin n'ya lang matapos ang araw na iyon tapos ay uuwi na pagdating ng dilim, para siguradong walang makakapansin sa kanya.

But reading her sister-in-laws' messages, na tila ba lalo siyang pinapa-guilty dahil sa paglayo niya sa natitira niyang pamilya ay nagdadalawang isip siya. At bago pa man siya tuluyang pang hinaan ng loob, ay nag ligpit na siya ng gamit at tumayo. Nagsabi lang siyang aalis na kala Olive at Shan tapos ay walang linggong umalis na.

Fascinated by You (GM Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon