45

769 22 3
                                    


"I won't agree on that, Jordyn," he brother said. Kumalma na ang galit nito ngunit matigas parin ang desisyon nito sa kanilang dalawa.

It was already the next day and they are still trying to talk to her brother about their relationship.

"Kuya, matanda na ako! Huwag mo naman kaming pahirapan ng ganito," alma n'ya.

"Matanda ka na kaya ba gumawa ka na lang ng kanyang desisyon ng hindi man lang pinag-iisipan?"

"Pinag-isipan ko, Kuya!" sagot naman n'ya.

"Pinag-isipan mo kaya pinili mo paring makipag relasyon sa professor mo?" tanong pa nito.

"Kuya naman!"

"Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Jordyn! Hindi nakakapagod 'yang ginawa mo," ani nito.

Napabaling naman siya kay Caius na tahimik lang na pinapanood ang sagutan nilang magkapatid at napanguso rito. Caius then held her hand.

"I'm willing to do everything, Sir, payagan mo lang kami ni Jordyn," sabi naman nito.

Her brother's brow arched. "Handa ka talagang gawin ang lahat para sa kapatid ko?" tanong nito kay Caius. "Sigurado ka?" pahabol pa nito, nang-aasar ang tono.

"Kuya!" singhal naman n'ya agad.

"Ano, Jordyn? Naninigurado lang ako na handa talaga itong lalaking ito na gawin ang lahat para sa iyo," sagot naman ng kapatid n'ya.

"I'm more than willing," maagap naman na sagot ni Caius sa kapatid n'ya.

"Kung ganun, hiwalayan mo ang kapatid ko. Iyon lamang ang ipapagawa ko sa'yo," sagot naman ng kapatid n'ya.

"Kuya! Ano bang feeling mo, nasa teledrama tayo?" angal n'ya.

"Tinatanong n'yo ako kung anong kondisyon ko, tapos ngayong sinabi ko ay aangal ka?" tanong naman nito.

"You're asking us to break up, Kuya!" she can't help but yelled.

"Huwag mo akong sigawan, Jordyn Addison. Nagiging bastos ka na," sabi naman nito, kalmado ngunit puno ng diin ang pagkakasabi. Tapos ay bumaling it okay Caius. "So?"

Caius shook his head. "That will never be the option. I'm sorry but I won't leave her. I can't do that," he answered.

"Well then, you won't have my blessing," her brother said.

"Kuya naman!" Angal n'ya ulit, naiiyak na sa katigasan ng ulo ng kapatid.

"That's what I want, Jordyn. Kung sana ay naghintay pa kayo ng isa pang taon hanggang sa makatapos ka, edi sana ay hindi kayo nakikiusap sa akin ng ganito ngayon," sabi nito.

"Nangyari na nga ang nangyari, Kuya! Bakit ang tigas ng ulo mo," sagot n'ya.

"At ako pa ang matigas ang ulo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" asar nitong tanong sa kan'ya.

"Bakit kasi kailangan mong maging kontrabida sa buhay ko? Hindi ka naman dati ganyan!"

"Dahil hindi ka gumawa ng escandalo noon, Jordyn! Hindi kita pagbabawalan kung sana ay naisip mo munang unahin ang pag aaral kaysa sa makipag relasyon sa professor mo!"

"Alam naman naming ang mali naman, bakit kailangan mo pa kaming pahirapan," tanong n'ya. Naiiyak na sa pinag sasasabi ng kapatid n'ya. "Kuya naman, hayaan mo naman akong maging masaya," makaawa n'ya.

Her brother's expression soften while he's shaking his head. "Mag tapos ka muna, Jordyn. Pag nagawa mo 'yun, hindi na kita pipigilan," sabi nito bago sila nito iniwanan.

Mangiyak-ngiyak naman siyang bumaling kay Caius na may maliit na ngiti ngunit halatang malungkot din dahil sa narinig.

"I'm sorry. Hindi ko siya mapapayag," ani n'ya.

Caius reach for his head and brushed her head. "It's fine, baby. Mas maganda kung susundin na lang natin muna ang Kuya mo. Hindi naman na problema sa akin ang mag-intay pa," sagot nito.

"That's at least a year! Next year pa!" angal n'ya.

"I know," he nodded and held her chin. "I waited for you for five years to see you again, it will never be a big deal to wait for another one for me," sagot nito.

"But I can't wait," sabi naman n'ya ng nakanguso, natawa naman ito.

"Kasal lang naman ang patatagalin natin, pero tayo, hindi tayo maghihiwalay. Maghihintay ako, okay? Sa ngayon, sundin na muna natin ang gusto ng Kuya mo. Finish your studies and get that degree. And as you reach for your dreams, I'll work on my self-betterment," he said.

"You're already perfect, Caius. You're enough," she answered.

Caius shook his head. "I'm not perfect, Jordyn. I will never be. I still have to work on myself to be more deserving of you," he said.

"You're making me happy, Caius. Really happy," she said, leaning on and kissing him.

Caius is too mature, she had realized that ever since. Noon pa man ay ganun na ito mag-isip, isa sa mga dahilan kung bakit n'ya ito nagustuhan. Wala itong panahon sa paglalaro ng oras at gustong nasa ayos ang lahat.

And that's what they did. They followed his brother's wishes. They postponed their plan of getting married and instead, she will continue her studies. She will transfer to a new University, nanghihinayang man sa kan'yang honors ay hinayaan na lang din niya. Wala naman na siyang magagawa pa para roon at tanggap na n'ya na iyon ang kabayaran sa naging kapusukan nilang dalawa ni Caius.

"Gaga ka! Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang kayo na ni Kuya!" Van squalled.

Lumipas pa ang ilang linggo bago n'ya ito kitain. Pinahupa muna kasi nila ang mga sugat at pasa ni Caius para hindi na ma-eskandalo masyado ang pamilya nito. Isa pa, nahihiya rin siyang humarap sa magulang nito na ganun ang itsura nito ng dahil sa kapatid n'ya.

And when they finally met them, halos mag tatalon sa tuwa si Van. Naiyak pa ito dahil matagal na silang hindi nagkikita at miss na miss na s'ya nito.

"Ako rin. Akala ko noon ay imposibleng magustuhan n'ya ako. Yun pala, gusto n'ya rin ako, pakipot pa," sagot n'ya naman dito.

"Kilala naman natin 'yang si Kuya, ayaw n'ya ng mga bagay na minamadali," tanggol naman ni Van sa kapatid. "Kaya nga nagulat ako nung sinabi n'ya kay Mommy at sa Daddy niya na gusto n'ya nang magpakasal."

Napangiti naman siya sa sinabi nito. She still remember that scenario, galak na galak ang Mommy ni Van at Daddy ni Caius dahil sawakas raw ay may plano na itong mag-asawa na matagal na palang pangarap ng magulang nito. But Easton, on the other hand felt betrayed. Gusto kasing iurong ni Van ang kasal nila at hintayin silang mauna, pangarap kasi nito ang maging maid of honor sa kasal nila ng kapatid nito.

"I'm really happy right now, Van. Marami man ang nangyari noon, nasaktan man ako ng sobra, masaya naman ako ngayon," ani n'ya.

Van smiled and held her hand. "I'm really happy for you too, Jorge. But I was thinking if you have already spoken with Maverick. Kasi alam mo na, bestfriend parin naman sila ni Kuya before all these happened. And I also think that you should clear everything with him for you to live without what ifs towards him," sabi nito.

Tumango-tango naman siya. "I already thought of that, I was just waiting for the right time. Maybe when Caius leaves?" she answered.

Caius is now working for their firm and he was bond to live for Singapore in few days. Utos iyon ng Kuya n'ya, kondisyon para mapapayag nila ito, and Caius gladly obeyed. At kahit naiinis man siya ay hindi na siya tumutol dahil sa kahilingan din ni Caius. He really wants to please her brother and she couldn't disagree with his decisions.

"Sasabihin mo ba kay Kuya?" Van asked.

She nodded. "I already told him and he thinks that we really should talk to Maverick," she answered.

Because they both know that they owe him an explanation. Caius needs to talk to him to save their friendship and she has to talk to him for their closure; because the pages of their life that are dedicated for the both of them have ended and they should start living their lives with the person they are really meant for.

Siya para kay Caius at ito para sa babaeng hindi pa nito nakikilala ngunit siguradong darating din sa tamang panahon.

Fascinated by You (GM Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon