"Sya? Sya ba 'yung crush mo?" Vanellope, her best friend asked, pointing at a certain person in front of them."Van! Baka makita ka!" Suway n'ya tapos ay hinatak na ito palayo sa lugar.
Kahit kailangan talaga, pahamak ang kaibigan niyang ito! Muntik na naman s'yang ilagay sa kahiya-hiyang sitwasyon.
"Ang OA mo naman. Ang layo-layo kaya natin, paano n'ya tayo mapapansin," sagot nito.
Umirap s'ya at humalukipkip sa harap nito. "Pero maraming tao run. Kilala mo naman sya. Alam mo namang sikat siya rito sa school. Paano kung marinig nila tayo tapos ay ipagsabi sa lahat? Edi, pagtatawanan na naman nila ako?" Pangongonsensya n'ya sa kaibigan.
"Ano bang pakialam nila kasi run," sagot naman nito.
"Of course, they would care, Vanelope! It will be a big deal for them because it was Caius!"
Caius Riley, the school council president, the campus best guy. Syempre, lahat ng bagay na dinidikitan ng pangalan nito ay big deal sa lahat. Lalo na kung siya, si Jordyn Addison, ang panggagalingan niyon.
Sino ba naman kasi s'ya? Wala. Iyong freshman student na gumawa na agad ng eksena noong unang araw palang ng pasukan two years ago. But in her defense, dare lang naman 'yun, walang personalan.
Pero syempre, hindi lahat ay tatanggapin ang dahilan n'ya lalo na kung kay Maverick n'ya iyon ginawa. Hanggang ngayon nga ay nahihiya parin siya tuwing naaalala n'ya ang kagaguhang ginawa n'ya.
"Sa dami naman kasi ng pwede mong magustuhan, iyang si Mr. President pa kasi. Alam naman natin na wala kang pagasa run," Vanellope told her honestly.
Napairap naman ulit siya rito. "Alam ko naman iyon no! Hindi mo na kailangang isampal pa sa mukha ko," ani n'ya.
Si Caius, parang malayong bituin na hinding-hindi n'ya maaabot.
"Bakit kasi hindi ka na lang kay Mave? Tutal naman ay kalat na dito sa campus na mag-jowa kayo. Nabuntis ka nga n'ya 'di ba?" Van teased her. Inirapan naman n'ya agad ito.
"Vanellope, ah! Ang bibig mo Dios ko, tigilan mo na ang kakasabi ng masasamang words," sagot n'ya.
Maverick Jaxon, iyong isa sa mga best friend ni Caius, ang naging subject ng dare sa kan'ya noong freshman s'ya. She was tasked to pretend that Maverick got her pregnant at siya naman, bilang isang uto-utong bata noong mga panahong iyon ay ginawa naman.
She confronted him in front of other students, saying he got her pregnant. Everyone was shocked by what she said but their shock turned into laughter the moment Maverick opened his mouth, asking her, "Do you even had your first menstruation?"
Oh, 'di ba? Bandang huli ay siya lang din ang napahiya. At kahit ilang beses niyang ipaliwanag na dare lang iyon, pinagtatawanan pa rin siya ng lahat. She even got a nickname from everyone, Ms. Delusional.
And Maverick, hindi n'ya alam kung malakas din ang sapak nun o talagang mahirap lang talagang kalimutan ang ginawa n'ya, dahil kahit na Grade 9 na siya, 2 years after, at nasa Grade 12 naman ang mga ito ay hindi parin nito limot ang nangyari noon. Hanggang ngayon ay may mapanuksong tingin pa rin ito sa kan'ya.
Vanellope tapped her shoulder. "Alam mo kasi, bes. Mas mukha pang may pag-asa ka pa kay Mave kaysa kay Caius. Tignan mo, ni hindi man lang nga lumilingon sa gawi natin e. Ni hindi man lang ata n'yan alam na nag i-exist ka," sabi pa nito.
"Mas gusto ko pang maging matandang dalaga kaysa d'yan sa sinasabi mo. Hinding-hindi ako papatol sa unggoy na iyon," sagot n'ya naman.
"Oh, my! Speaking of..." Vanelope said incompletely, looking behind her.
And for a moment there, she knew what is happening. Bigla n'ya na lang siyang nakaramdam ng kakaibang kilabot mula sa kanyang likuran. Dahan-dahan ay lumingon siya sa kanyang likuran, and there, with all his gracious, is Caius Riley Lazarus walking near them.
Agad nang laki ang mata n'ya at hindi alam kung paano kikilos. She wanted to run and hide but it was already too late. Malapit na ang mga ito sa kanila at ayaw niyang mag mukhang tanga na bigla na lang tumakbo dahil paparating ang crush n'ya.
"Oh, god," she muttered, calming herself.
Breathe in, breathe out.
Paanong nakaikot na agad ang mga ito at ngayon ay makakasalubong pa nila!
Come on, Jorge! Hindi naman n'ya alam na crush mo s'ya. Kalma lang. She mentally talked to herself.
"Ayan na sila," Van whispered on her side.
"I know, huwag ka nang maingay. Let's just act normal. Kungwari hindi natin sila kilala," ani naman n'ya.
"Ha?"
"Basta, Van! Huwag ka nang magsalita. Ayan na sila, act normal!" Bulong n'ya pa. She smiled at her friend and widened her eyes for her to understand what she meant. And when she did, Vanelope acted normal.
"Hi, mga kuya!" Vanelope greeted the guys.
Why did she ever forget that normal Vanelope is like this? And how could she forget her connection with these men?
"Uy, Van! Ms. De-" she cut Maverick off before he could finish his sentence.
"It's Jordyn, Maverick. Stop calling me names," she said stopping herself from sounding annoyed. Sinamaan n'ya na lang tuloy ito ng tingin bago nagbaling sa katabi nito.
Standing beside Maverick is her dream guy, Caius. Sa likod naman ng mga ito ay ang mga kaibigan nilang sina Connor, Easton, Aydan, Gavin at Grant. But her stares linger on Caius longer. She's always fascinated by his thick brows and long lashes.
Maverick suddenly laughed, napabaling tuloy agad siya rito. "Sungit mo talaga," sabi nito sa kan'ya.
She rolled her eyes at him. "At ang epal mo talaga," sagot naman n'ya, folding her arms to her chest.
Maverick laughter gets louder that it echoed around the hall. Napapatingin tuloy sa kanila ang ibang studyanteng malapit sa kanila.
"That's enough, Jax. Na-i-eskandalo na ang lahat sa lakas ng tawa mo," Caius spoke, getting her attention back to him. "Let's go," dagdag pa nito at nauna nang maglakad paalis.
Napanguso naman siya. Hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin. Kahit iyon lang sana a
y tiyak na mag-uumapaw na ang kanyang kasiyahan; baka nga mag pagulong-gulong pa siya sa sahig.
"Suplado," bulong n'ya ng malayo na ang grupo sa kanilang dalawa ni Vanellope.
Her everyday life was like that. She would always give time looking at Caius from afar, hoping he would notice her someday.
But maybe, there were really dreams that left as it is. Masakit mang tanggapin, pero kailangan. Siguro ay ganun nga lang talaga at hindi na siya mapagbibigyan sa kanyang kahilingan.
BINABASA MO ANG
Fascinated by You (GM Series #1)
RomanceGood Men Series 1: The Professor (Formerly The Professor's Fascination) Jordyn Addison Luz Valle never thought she would meet her first love again after the painful event happened way back in her high school days. But she was wrong, because after fi...