21

17 9 0
                                    

Truth

Nadatnan namin sina Danver, Arshad at Hugh sa counter na nagtatawanan habang may pinanunuod sa laptop. May naririnig akong hiyawan at andar ng mga motor mula sa pinapanuod nilang video. I'm pretty sure it's all about motocross. Hindi ko lang alam kung anong nakakatawa du'n.

Si Ate Mara naman ay pinapalitan ng bagong table clothe ang dining table.

"Anong oras kayo nakauwi?" dinaluhan sila ni Tanner at nakinuod din ito.

"Pass two,"pakli ni Danver.

Ako naman ay pumanhik pagkahubad ko ng sneakers ko.

Nagpalit ako ng isang maluwang na pullover at pj bottom.

I breathed harshly as I drop my back in the solacing bed of mine. It feels good. I closed my eyes trying to free my mind from thoughts. Ang weird kasi feeling ko ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. I don't know why it feels like suffocating kanina sa campus.

Gusto kong maidlip ngunit ayaw ng mga mata ko. Sa isipan ko'y sinusundan ko ng tingin ang ugoy ng pendulum. Pero hindi rin epektibo. Naiinis na isinubsob ko sa unan ang mukha ko.

Kapagkuwan ay tumuwid ako at nagmulat. Bumungad sa akin ang puting kisame. Suddenly I got lost in my own thought. Unti-unting nanariwa sa aking isipan ang mga nangyari kagabi sa party.

One thing I'm sure about—I got totally blitzed that night.

Pero may mga mas mahalagang detalye pa pala!

Pagbalik namin sa loob ni Kel hinatak siya ng mga pinsan niyang lalaki. Tumatawa sila. Nagbiruan sila at nagpa-alam ako kay Kel na pupuntahan ko sina Zina. Tinitigan niya ako bago ako tumulak paalis.

Tanging sina Zi at Amhs lang ang nadatnan ko sa couch.

"Ang tagal naman, kanina pa 'yun ah," si Zi.

"Oh Cath," si Amhs nang makita ako. Umupo ako sa tabi niya. "Nakausap mo na ba si Kel?"

Nakita ko ang pagkasurpresa sa mga mata ni Zi, nilapit niya ang mukha sa akin, "ano totoo raw na sila?"

Hindi ko tiyak kung ano ang isasagot ko. Hindi totoong sina Ezekiel at Bloom, nagpapanggap lang sila para lubayan ng ex-gf nito si Bloom. Kailangan mapaniwala ang ex ni Bloom, at ibigsabihin nu'n ay dapat mapaniwala ang lahat. Ibig sabihin kailangan kong magsinungaling… kahit sa mga kaibigan ko, sa mga mismong pinsan ni Kel.

I smiled like an idiot, "oo totoo, sila na nga!"

Amherstia's eyes squinted on me, she muttered voicelessly. Nabasa ko 'yun base sa pagbukas at pagbigkas ng bibig niya. It was; is that a joke?

Inilingan ko siya at binalingan si Zi na manghangmangha at walang maiusal.

"Kaya nga hindi niya ako sinipot dahil balak niya palang isama ang gf niya, ang awkward naman kung makakasama nila ako sa sasakyan niya."

Zi sighed, si Amhs naman ay napailing.

"Gusto kong maging masaya para sa kanilang dalawa but Kee will be devastated," si Zi

Napipi ako nu'n. Bakit hindi ko man lang naisip ang magiging reaction ni Keanna. Naalala ko tuloy ang pag-uusap naming dalawa noon sa cafeteria. She's obviously not over him.

"Nasaan siya?"

"Kanina pa nga sa banyo," pinaglalaruan ni Amhs ang cellphone niya at hindi ako tinitingnan.

"Mabuti pa kaya puntahan ko na," si Zi.

Hindi na kinailangan sundan ni Zi si Keanna dahil bumalik ito kasama sina Rouen at ang iba pa. Nagtatawanan sila. Hindi naman mukhang devastated si Kee dahil ang totoo'y ang sigla-sigla niya.

Healed in his arms (De Alleje 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon