25

28 9 0
                                    

bleed

Nagising ako sa hindi pamilyar na kama, ngunit agad ding nagkaideya kung kanino nang makita ang isang picture frame sa ibabaw ng maliit na chest drawer, sa likod nu'n ay may lampshade.

Sa kabilang gilid ng kama ay may night table. May iilang libro doon at notes pero maayos naman ang pagkakalagay.

Kakaunti lang ang gamit sa kwarto niya. May nag-iisang wardrob sa harap ng kama.

Naupo ako sa gilid ng kama at tumitig sa picture frame. High school pa lang noon si Kel ay agaw pansin na ang katangkaran niya.

Bumangon ako at lumapit sa bintana, hinawi ko ang puting kurtina at natanaw ang facade ng La Verdandale University. Kung ganoon tama ang hinala ko nasa Pacific Residence ako, sa townhouse ni Kel.

Nakangiting tumalikod ako sa bintana. Naagaw ang pansin ko ng mantsang nasa sleeve ng damit ko.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa old CWTS building. Nag-init agad ang pisngi ko.

Noong paalis na kami roon ay bigla na lang akong bumagsak. Nanghina ako dahil sa pag-iyak at kakulangan na rin sa tulog. Mabuti na lang at maagap akong naalalayan ni Kel, napakapit rin ako sa kinakalawang na railing pero dahil sa panghihina ay padausdos akong napabitiw du'n. Kaya napakaraming mantsa ang natamo ko.

Hindi na ako nakipag-argumento nang buhatin niya ako papunta sa dating exit. Nasa dulo iyon ng butterfly dome. Binuksan niya iyon at sabihan akong maghintay sa kanya roon, pumayag ako. Muli niya akong siniil ng halik bago iwanan.

Tinakbo niya ang kotse sa parking lot at wala pang isang minuto ay natanaw ko na 'yun palabas ng main gate.

Muntik na akong makatulog sa passenger seat kanina, pero nahimasmasan nang mapansing Levi Mariano Avenue na pala ang binabagtas namin. Pagkatapos nu'n ay di ko na maalala ang sumunod na nangyari. Hindi ko matandaan na pumasok ako sa kwarto ni Kel.

Natuptop ko ang aking mga labi. I couldn't help but keep smiling.

Napapikit ako at natakam nang makaamoy ng nilulutong ulam. Marahan akong bumaba sa hagdan saka tinungo ang kusina.

There.

I spotted him topless and busy in the stove, his bare back turned to me.

I felt my lips stretched upward.

Hindi siya masyadong gumagalaw, hindi tensionado, para bang kabisado niya ang ginagawa.

Mas gusto kong panuurin na lang siya mula sa kinatatayuan kesa lapitan at kausapin siya. Mas naaaliw ako sa ganito... parang hinahaplos ang puso ko.

God.

I still couldn't believe I got him. I couldn't believe that we kissed. I couldn't believe he loves me, and I couldn't believe that I could be this really happy and content. I never felt this way before and it feel surreal!

Marahan akong umatras, tumalikod at pumanhik muli sa kwarto niya.

Kinabahan ako nang maisip kung anong oras na.

My God! Hindi ako pumasok ng school ngayong hapon!

At higit sa lahat hahanapin ako ng mga pinsan ko.

Pero ayos lang dahil si Ezekiel naman ang kasama ko. Tanner won't reprimand me.

Pero kailangan kong bumalik sa school! Hindi pwedeng umabsent ako sa lahat ng subject! I wasn't excused!

Kailangan ko rin palang magpalit ng damit dahil napakadugyot kong tingnan sa mantsadong suot.

Binuksan ko ang wardrob ni Kel at naghalungkat. Napasimangot ako nang makitang puro mamalaking damit ni Kel ang naroon. Magmumukhang kulambo tingnan sa akin ang mga ito. Natuwa ako nang mahagip ng tingin ang nag-iisang maliit na t-shirt sa pinakadulo ng wardrob. Kinuha ko 'yun at dinikit sa katawan, kasya sa akin pero may pagkaluma na.

Healed in his arms (De Alleje 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon