28

17 7 0
                                    

real blast

"You have to push for a degree Catherine! It's a must-have, do you understand?" Mom ranted. Sinundan niya pa ako sa kuwarto. Hindi ko alam kung pang ilang episode na itong ngayon.

Kakatulog pa lang ni Dash matapos kaming manuod ng cookie monster ay heto't nagtatalak na siya. Si Taylor naman ay nasa kuwarto niya na rin at siguro ay nag-aaral. Biniro niya ako kanina at bumigay na ako, kaya balik na sa dati ang disposition namin sa isa't-isa.

"Mom ayos lang sabi e, malaki din naman ang kinikita ko sa career ko."

"Career?" bulalas niya kapagkuwan ay sinapo ang noo saka huminga ng malalim. "Catherine I want you have a degree," malungkot ang mga mata niya ngayon. "Anak naman... you could be better than what you are now, don't stop dreaming... just finish your college please."

Umiling ako, "please don't be disappointed mom, pero masaya na ako sa ganito... regular at maayos na trabaho, ano pa bang hahanapin ko?"

Bahagyang nanlaki ng mga mata niya, "naririnig mo ba ang sinasabi mo Catherine?" medyo tumaas ang boses niya, "anong wala ka nang hahanapin pa? Bakit? Sigurado ka bang hindi ka mapapagod at magsasawa d'yan sa trabaho mo? Alam kong sasagutin mo ako ng oo dahil bata ka pa talaga at hindi mo napag-iisipan ng mabuti ang future mo! Alright, maybe you've think about it but not that farthest."

"Mom naman!"

"Look, your one lucky child, you had a chance to finish your study on easy street, hindi lahat ng tao ay masuwerteng napagtatapos ng magulang nila Catherine! If you don't realize it yet, chances are rare don't let it slip away when it stares at you right under your nose," namaywang siya at maarteng inangat ang kamay, "dear, regret only comes after the ship had sailed! Aba kung ako ang nabigyan ng ganitong klaseng pagkakataon noong kabataan ko ay hindi na ako naglako pa ng daing sa mga kalye."

Natahimik ako. That's her way of making a point, kaya hindi niya ako maintindihan. She keep on harking back in her past, at ikinukumpara iyon sa kalagayan ko ngayon. Hindi niya sinusubukang intindihan ang mga rason ko.

Madalas itong mangyari sa amin ni mom simula noong huminto ako sa pag-aaral.

Alright. Mas maganda ang makapagtapos ng pag-aaral bago magtrabaho. So kung maiisipan ko man sa huli na mag-aral ay wala namang problema, hindi ako mawawalan ng opurtunidad gaya ng sinasabi niya dahil nagtatrabaho ako at nakakapag-ipon, so I wouldn't feel the pinch at all.

Huminga muna siya bago lumabas nang tawagin ni Uncle Bryce. Nag-usap sila at nadidinig ko iyon.

"Will you put lid on pressuring your daughter once and for all, Jade?" si Uncle Bryce kay Mommy sa maliit na tinig.

"Well I'm not pressuring her I'm just waking her mind cause she's blinded, she thought she's gotten a career but truth is she's got into bandwagon."

Ito ang isa rin sa dahilan kung bakit gusto kong bumukod mula sa pamilyang ito. Mom butt-in in my personal life so often kahit sa mga bagay na hindi na dapat. Like Taylor and all the typical yankee kids out there, gusto kong umupa ng apartment pero ayaw ni Mommy, at ganoon din si Uncle Bryce kay Taylor.

Well, alam ko naman kung bakit ayaw ni mom. She's overthinking that I might get too liberated once I'll live on my own, dahil sa impluwensiya ng mga yankee friends ko. She's a bit paranoid that I'll lose my Filipina decency. But I couldn't live forever in her palm right?

Si Taylor naman ay hindi pinapayagang magbukod dahil minsan na siyang naaresto noong umupa siya ng apartment, may nagdala kasi ng party drug sa isa sa mga kaibigan niyang latino sa apartment niya noon, meron daw nag-tip sa mga police. Napatunayan naman sa Korte na hindi niya alam na may dalang druga ang kaibigan, at siguro dahil na rin sa kunting paghimay-himay ni Uncle Bryce ay napalaya siya.

Healed in his arms (De Alleje 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon