7

35 12 3
                                    

Quit

“I don't think she'd nail it…” bulong ng babaeng sophomore  sa kasama niya, nakatingin sila sa akin. Papunta ako ngayon sa theater hall dahil may practice kami ngayon.

“Si Martinez ang pares niya in fairness bagay nu'n ang role, siguro naman gagalingan nu'n para sa college week… well sana galingan din ng iba diba?”

Narinig ko silang tumawa.

“Probably hindi magaling pumili ang matandang Salcedo.”

I shake-off inward, at nagpatuloy sa paglalakad. Yes, they're provoking, but it takes more than that to beat me.

Mga bihasang chismosa, inggitera at insekyura!

Nadatnan ko ang ilang kasamahan ko sa theater hall. May mga nagsasaulo ng kanilang script.'Yung iba naman nag-uusap lang at meron ding nagce-cellphone, wala pa kasi si Mrs Salcedo.

“Alright, evebody listen!” Mrs Salcedo entered the hall, clapping, it gains our attention. May mga student na nakabuntot sa kanya na co facilitator niya sa play.

Mabilis na nag-recompose ang lahat. Pumunta na ako sa stage tapos nag-yoga sit kami.

“Ngayon ka lang ah?” Puna ni Kai sa akin. Ngayon ko lang napansin na siya pala ang katabi ko. Nginitian niya ako, ngumiti rin ako.

“Kakatapos lang ng klase namin kay Mrs Salcedo," I said casually at nilipat ang tingin sa nagsasalitang propesora na nasa harap namin. Pero hindi nakaligtas sa peripheral view ko ang paninitig niya sa akin.

Himala! Hindi na ako nagha-hyperventilate na katabi siya. Hindi gaya dati na talagang hindi ako mapakali pag nasa tabi ko siya o na sa malapit lang.

“I've seen you in the Island Conquest, yesterday,” he continued.

Napatingin uli ako sa kanya,“really? Nandu'n ka din?”

Oh I forgot nakita nga pala siya ni Kel du'n diba?

“Uh-huh,” he answered. “You we're with the De Allejes— three De Allejes.”

“Oo. Sinama ako ni Kel du'n and it was fun.”

“Gusto ko sanang lumapit sa'yo but—”

“Everybody! Let's start now! Shall we?” anunsyo ni Mrs Salcedo na pumutol sa sasabihin ni Kai.

“Yes ma'am!” Everyone answered altogether. Tumayo na kaming lahat at naging abala para sa pagsasagawa ng unang set.

“I bought the red ranger, the one Ezekiel tested,” he murmured.

I felt my eyes widened. “Wow! Kai ang ganda nu'n!”

He nooded. Di ko maiwasang makadama ng inggit,

“Lunch?” he offer, “not in the school's cafeteria,I'll teach you drive,” his voice is teasing.

Manhattan boy is an RK!

Naengganyo ako sa sinabi niya, pero medyo nag-aalangan ako. Isa pa I'm not sure if it's okay with Mr Banker.

“I'll text Tanner if… you know,” nahihiya kong sabi.

“No problem. He'll worry, so I understand.” He smiled.

Kaya pagkatapos ng practice namin tinext ko agad si Tan. May nakita akong message mula kay Kel.

Kel:
Lunch? Zi planned something.

May isa ring galing kay Rouen.

Healed in his arms (De Alleje 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon