Prank
“Tayo na Cath,” ani Oreen. Pinulot niya ang kanyang satchel at isinabit sa balikat. Tumayo na rin ako at isinuot ang aking backpack. Kakatapos lang din ng Philosophy class namin at break na.
“Sa bench muna tayo… andu'n siguro si Zi,” sabi ko. Umismid siya. “Okay tara.”
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang palabas kami. Dumiretso kami sa bench. At tama nga ako. Andu’n si Zi, natanaw ko siyang kasama si Danver.
Nasorpresa kami ni Coreen sa nakita naming senaryo, habang papalapit kami sa kanila. Ginagamot ni Zina ang sugatang labi ng pinsan ko.
May mga galos sa mukha niya si Danver. Hindi imposibleng napaaway ang mokong na'to.
“That's so sweet,” Coreen whisper.
“Ouch! Dahan-dahan naman kasi Zina… mahapdi!” Danver hissed, habang nakangiwi.
Mas lalong diniin ni Zi ang cotton sa labi niya. “Yan kasi, kung hindi ka lang nakipagbasag-ulo… edi sana mukha ka pa ring tao!”
Danver chuckle, “ang sabihin mo, nasasayangan ka sa kagwapuhan ko.”
If I were Zi, dadagdagan ko pa ang galos niya, o baka matindi pa ang gagawin ko sa kanya.
Tumigil si Zi at sinampal si Danver, napa-aww naman ito.
Good, Zi.
“Hoy ang kapal ng bungo at ng nguso mo para sabihin yan!”
Tumikhim ako,“ano na namang kaguluhan ang pinasok mo this time Dan?” galit akong humalukipkip sa harapan nila. They both turn their heads to me.
“Oh,” sambit ni Dan.
“Thanks God, you're here!” Si Zi, halatang nagulat. Tinigil niya ang paggagamot at tumayo. Hindi pa ako nasasagot ni Danver ay sumulpot na ang mga kumag na sina Fabio at Axda. Nagtatawanan ang mga ito.
“Man! You look like a dehydrated penis!” Axda humoured.
“Shut up motherfuckers!” Inis na sumbat naman ng pinsan ko. Mas lalong tumawa ang dalawa.
Bumaling sa akin si Fabio at ngumisi. “Ate Catherine, may umaway po sa akin kanina…” umarte siyang batang umiiyak.
Grabe! Pakiramdaman ko, lahat ng dugo ko umakyat sa ulo. Umiling si Zi. “Triplet assholes,” bulong ni Coreen.
Padabog akong umupo sa tabi ni Danver. Nginitian niya ako, “how's your day?” tanong niya.
Hindi ko siya sinagot, I keep glaring on him. I want to show him na kaya kong maging ate para sa kanya, that I can take in charge of things.
Ako naman kasi talaga ang mas nakakatanda sa aming dalawa. Kaya tama lang na sitahin ko siya o pagalitan. Hindi 'yung siya ang nagmamagaling at nasusunod lagi.
“Danver ano ba'ng ginawa mo? Ba't nagkasugat ka?”
Yumuko at napakamot siya sa ulo, “malayo 'to sa bituka, ikaw ang mag-ingat,” malamig niyang sabi.
Aba't! Binabaliktad niya kaming dalawa! Sumusobra na talaga siya.
“Danver! Sagutin mo ang tanong ko!”
“Bleeh… ”
Nagulat ako nang bumelat siya, “di mo rin nga ako sinagot nu'ng tanungin kita tungkol sa inyo ni Ezekiel, kaya ba't kita sasagutin?”
Mas lalo akong nainis sa ngisi niya. Urghh! Hindi niya ako siniseryoso! Kinutungan ko siya at napa-aray siya.
Nagtawan sina Fabio at Axda. Baka gusto nilang idamay ko sila.
BINABASA MO ANG
Healed in his arms (De Alleje 1)
RomanceShe was engaged to a man of her dreams. Everything's wonderful not until she fell in love with her confidante, a guy who turned her world around and was suppose to be the best man in her wedding. THIS IS THE BOOK ONE OF DE ALLEJE SERIES, NEXT ARE;...