stop
“Ravioli at spinach na lang ang kulang, we also need some langoustine and abalone—and oh, ricotta cheese also,” ungot ni Sandra after niyang silipin ang hawak na listahan.
We're here in Ayala mall and doing grocery, tomorrow next na kasi ang birthday ni Arda,
We change our route, lumiko kami pakaliwa at natanaw ang mga nakahilerang freezers na may karatula ng iba’t-ibang seafoods.
Milagrong si Amherstia ang nagtutulak ng cart ngayon. Kasama rin namin ang birthday girl na wala ng ibang ginawa kundi ang magtanong ng magtanong kung tama ba ang pinupulot naming prudokto.
Though I'm novice in cooking, sigurado naman akong angkop ’yung mga pinipili naming ingredients para sa recipe na lulutuin. Nagvolunteer si Sandra na siya na daw ang bahala sa mga dishes, walang problema kasi magaling naman siya sa pagluluto. I've heard pangarap niya daw maging chef, unfortunately ayaw ng mga parents niya.
Ang Clubhouse ng mga Reymundo ang napili naming venue. Coincidentally, mawawala roon ang mga magulang nila pagsapit ng birthday celebration, kaya ayos lang. Well, it's safe, hindi naman kasi lingid sa kina Tita Vera at Tito Christ ang pagiging party-thrower ng panganay nilang anak, and they don't seem to worry about that matter. Pansin ko nga e, isa sa mga luho ni Caesar ang party-throwing. Ang tanging ‘something in common’ na meron sila ni Ahms.
Nasa gilid ko si Nicky, as usual, walang kibo. Biglang huminto si Ahms at weirdong napatitig sa hanay ng mga dairy products. Umismid siya saka pumulot ng isang pack ng pistachio nuts at kinulam ng tingin.
“Pistachio nuts? Para saan?” usisa ko. Nag-angat siya ngtingin sa akin.
“Umm… wala lang, gusto ko lang bilhin,”
“Kailangan ng mocha syrup, Amhs,” si Coreen. Kanina pa ito walang imik.
Amherstia raise a brow, “what?” may himig ng pagtataray ang boses niya.
“Believe me Amhs, he would love it much!”
Amherstia groaned, sounded bored, “you sure?”
Di ko alam kung anong pinag-uusapan nila.
“You got to trust a sneaky sister,” Coreen winked, “pistachio nuts, mocha syrup, plus choco shavings, is the way he like it.”
Di ko na talaga maiwasang ma-curious sa pinag-uusapan nila.
Nagmeryenda kami pagkatapos ng pagr-grocery, pero bago ’yun ay hinatid muna namin ang mga pinamili sa Montero na dala ni Sandra before kami dumiretso sa café. Diet coke at Bavarian lang ang inorder ko since hindi naman ako masyadong nagutom.
Nang matapos kaming kumain ay pagsho-shopping naman ang inatupag namin.
“Sa mga make up muna kami ni Amhs, guys,” sabay ayos ni Keanna sa sling bag niya.
“Okay,” si Zina na abala ang mga mata sa mga dress display.
Nagawi kami sa mga sikat na clothing brand section. At gaya ng madalas mangyari, umabot ako sa puntong nalilito kung ano ang pipiliin. I'm never an impulsive buyer, I always choose cautiously the best.
“Alin ba ang mas maganda Cath,” pati si Zi nalilito rin kung ano ang pipiliin. “Ito ba’ng lacey red or itong strappy royal blue?” sabay pakita sa akin ng dalawang damit.
Umismid ako, “bagay naman sa'yo lahat,” tugon ko.
Nagpabalik-balik ako sa dressing room para i-try ang mga gusto kong damit.
First, ’yung ‘Heese’ na white sleeveless turtleneck na hanggang tuhod. Second, ‘grove’ na color mauve, may single sleeve, above the knees at hapit na hapit.
BINABASA MO ANG
Healed in his arms (De Alleje 1)
RomanceShe was engaged to a man of her dreams. Everything's wonderful not until she fell in love with her confidante, a guy who turned her world around and was suppose to be the best man in her wedding. THIS IS THE BOOK ONE OF DE ALLEJE SERIES, NEXT ARE;...