complicated
It's another sleepless night. Ezekiel had become so cold of me! Kanina sa kotse niya ay hindi na niya ako kinausap matapos tanungin kung masaya ba akong maghihiwalay na sila ni Bloom. He's being sarcastic that time.
Nag-iba na talaga siya. He's no longer the sweet childhood friend of mine. And that's a dagger in chest! Bakit niya ako sinasaktan?
Habang nagbabasa ako ng novel ay bigla na lang akong naiyak. Not because of the story, my mind just went speculating for possible reason of Kel's frigidness.
Hindi ba't gusto niya ako? Mahal niya ako? At hindi lang bilang kaibigan... dahil higit pa roon ang gusto niya. Pero bakit nawalan na siya ng amor sa akin?
My cry intensed. Baka nagsawa na siya sa akin dahil natanto niyang wala ring pag-asa dahil engaged kami ng kuya niya. O dikaya'y nawalan na siya ng interest sa akin dahil nadedevelop na siya kay Bloom.
Whichever is true, it's all heartbreaking. Tiniklop ko na lang ang binabasa nang tumodo ang iyak ko.
I will sleep again with wet face.
"Ang bilis naman ata nilang magkalabuan," si Sandra. Nasa kiosk kami ngayon, hinihintay sina Arda at Keanna para sabay-sabay kaming maglunch.
"Hindi kaya nambababae ulit si Ezekiel?" Nicky queried.
"Ang usap-usapan tutol daw ang dad ni Bloom kay Kel, ayaw pa naman daw suwayin ni Bloom ang ama dahil kaka-reunite pa lang nilang dalawa," si Zina.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Kel sa'kin kahapon na nag-iisip na sila ng magandang drama for break-up. Ito na ba 'yun? Bakit kailangan si Kel ang palabasin na dehado?
Umuugong ngayon sa campus ang usapang nagkakalabuan na sina Kel at Bloom. Marami ang nahihinayangan sa dalawa.
"Ano ba 'yan, bakit naman tutol ang dad niya? "
Maging sa cafeteria ay may nag-uusap patungkol du'n.
"Siguro nadiscover ng daddy ni Bloom na playboy si Ezekiel kaya ganu'n."
Dahil nasa auto shop ang kotse ni Tan ay hindi niya ako masusundo sa sabado kaya pumayag siyang kina Coreen na ako sasakay pauwi. Pero ang dami niyang binilin sa akin, like sa mall lang dapat kami pupunta at pagkatapos ng sine ay uuwi agad.
Kahit late na akong nakatulog ay maaga pa rin akong nagising pagsapit ng sabado.
Nadatnan ko sina Tita Glovel, Lolo at mga pinsan ko sa hapag.
"Good morning lo," humalik ako sa pisngi ni Lolo.
"Good morning din Cath, maaga ka yata?" Nakangiti niyang tanong. Usually kasi pag sabado ay tinatanghali na ako ng gising.
"Mag-aaral po kasi ako ng mga lessons ngayon tapos magsisine kami ni Coreen mamaya," naupo ako sa tabi niya at nagsalin ng juice sa basong katapat ko.
Namataan ko ang pagbuntong hininga ni Tita.
"Si Caesar ang hahatid at susundo sa kanila," si Tanner.
"Kailan ba daw matatapos ang pag-aayos sa alternator ng kotse mo?" Tanong ni Danver sa kanya.
"Ngayong araw siguro, pero baka hindi ko na masundo si Cath."
"Ayos lang 'yun Tan," sabi ko at nagsimula nang kumain.
"Uuwi ang mommy mo ngayong holliday Cath," si Tita.
Natigil ako sa pagsubo, "talaga po?" I couldn't help but giggled.
"Oo pero hindi raw makakasama ang asawa niya."
BINABASA MO ANG
Healed in his arms (De Alleje 1)
RomanceShe was engaged to a man of her dreams. Everything's wonderful not until she fell in love with her confidante, a guy who turned her world around and was suppose to be the best man in her wedding. THIS IS THE BOOK ONE OF DE ALLEJE SERIES, NEXT ARE;...