Possessiveness
“Anong gusto mong kainin?” tanong ni Ezekiel sa akin habang nagmamaneho.
Pauwi na kami sa McKinley hill pero hindi pa nakapag-break fast, pumalpak kasi 'yung niluluto or shall I say ini-experiment naming Salmon Tapa kina Coreen. kaya hindi kami nakakain. And that's why naghahanap kami ngayon ng fast food sa dinaraanan.
Nagmenor si Kel para silipin ang mga stand na nadaraanan namin.
“Gusto ko ng burger, 'yung maraming onions at mustard,” ungot ko.
Bahagya niya akong nilingon at nginisihan.
“Ay! Wag na lang 'yun.” Bawi ko.
Nangunot ang noo niya. “Oh, bakit naman?
Umismid ako,“wala akong dalang mouth wash, baka mamaya hindi mo na ako kausapin.”
Saglit niya akong tinitigan at bumunghalit ng tawa. I glared on him at tumigil naman siya.
“Okay lang 'yun Cath, kahit hindi ka pa magtooth brush for whole month kakausapin pa rin kita. Gusto mo halikan pa kita eh?”
Nag-iwas ako ng tingin feeling ko kasi kung hindi ako nagblu-blush, namumutla ako.
“Alright 'yun na lang din ang ooderin ko, para hindi ka na mahiya sa'kin.”
“That's a good idea.”
He turned the radio on, a song from eighties 'yung naka-play,
He started bopping his head, habang tina-tap ang sentro ng manibela at sinasabayan ang kanta.
“Got my first real six string…bought it at the five and dime…played it 'til my fingers bled, 'twas summer of sixty nine…”
Parang familiar sa'kin ang kanta, narinig kong kinakanta ni Tanner noon.
Me and some guys from school
had a band and we tried real hard
Jimmy quit, and Judy got married
I should've known we never get far
Oh when I look back now, That summer seemed to last forever
And if I had a choice, yeah I'd always wanna be there
those were the best days of my lifeKahit old na 'yun kanta hindi pa rin nakakabadoy kay Kel, in fact bumagay sa timbre ng boses niya. He's a very good singer anyway.
“Good morning po lo,” nagmano ako kay Lolo, ganoon din si Kel nang maabutan namin siya sa may fountain na nagpapahangin.
He smile. “Good morning din sa inyo,” tugon niya at tiningnan si Kel. “Hindi ba kayo papasok sa school?”
“Lo, eh sabado ngayon,” natatawa kong sabi, halos mamutla naman si Lolo.
“Ano ka ba Cath, eh nagjo-joke lang si Lolo, diba lo?” natatawa rin si Kel.
“Tama nagbibiro lang ako, hindi ko 'yun nakalimutan,” Lolo laughed. Nakitawa rin kami ni Kel.
“Siya nga pala hijo, salamat sa paghatid kay Catherine dito. Sana hindi ka niya kinulit, naku makulit na dalaga itong si Catherine!” turan ni Lolo. Kailan pa siya naging chismoso?
“Lolo!” angal ko. Nagtawanan lang sila ni Kel,
“Oo nga ho, makulit talaga si Cath. Pero ayos lang po,” nakangising tugon ni Kel.
The nerve of him!
“Lo, papasok na po ako sa loob,” nakabusangot kong sabi.
“Sige pumasok ka na hija.”
BINABASA MO ANG
Healed in his arms (De Alleje 1)
Storie d'amoreShe was engaged to a man of her dreams. Everything's wonderful not until she fell in love with her confidante, a guy who turned her world around and was suppose to be the best man in her wedding. THIS IS THE BOOK ONE OF DE ALLEJE SERIES, NEXT ARE;...