22

13 8 0
                                    

movie

Malungkot akong pumasok sa eskwela kinaumagahan. Hindi pa rin ako tinitext ni Ezekiel, at di rin siya nagpapakita sa akin. Naisip ko tuloy na baka dinamdam niya ang mga sinabi ko noong lasing ako.

Hindi ko na rin madalas makita si Bloom sa campus simula noon di na nagpakita sa akin si Kel. Nalaman ko kay Zi na sa bahay na nga ng mama niya tumutuloy si Kel.

Lutang ako sa buong duration ng klase. Hindi na nakatiis si Coreen at tinatong ako.

"Namimiss ko lang si mom wala ata siyang balak umuwi ngayon holiday season," palusot ko.

Sumasama pa rin ako sa mga kaibigan ko at pinipilit sumabay sa usapan. Noon ay hindi ako sigurado kung iniiwasan ako ni Keanna, pero ngayon ay positibo akong iniiwasan niya nga ako.

Maagang natapos ang klase nina Tanner at Dan. Nakapagtataka na sa labas mismo ng silid ng huli kong klase sila nag-antay para sa akin. Idagdag pa na pagkatapos ng klase ko ay diretso kaming umuwi. Hindi nag-motor si Dan kaya sa backseat ako naupo. Seryosong-seryoso ang mga mukha nila habang naghihintay kanina.

Pagdating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinawagan ako ni Amhs at tinanong kung bakit di na ako nakasama sa kanila pagkatapos ng klase. Hindi yata nasabi ni Oreen sa kanila ang dahilan. Nagpaliwanag ako sa kanya at tinawanan niya ako. Nagpapasalamat daw siya dahil hindi niya kasama sa iisang bubong ang mga pinsan kundi nagaya na raw siya sa akin.

Matapos kaming nag-usap ay nag-facebook ako. Hindi na ako nagulat nang makita ang post ni Bloom na tinag pa si Kel.

I'm excited ;)

Mabilis akong nag-scroll pataas.

Hanggang kailan sila magpapanggap na mag-on? Kung talagang nagpaanggap lang sila.

Gaya ng mga nagdaang gabi ayaw akong dalawin ng antok, so I threw myself in reading novel, the one I bought with Kel.

Damn.

Paano ako makakatulog kung naiisip ko siya?

Sa mga sumunod na araw ay ganoon ang ginagawa ng mga pinsan ko. Hinihintay nila ako sa labas ng room o sa pavilion. Ang weird...

Hindi na rin nagmomotor si Dan. Kaya papuntang MHPhilU at pauwi ay sabay kaming tatlo sa raptor ni Tan.

Bumalik na rin sa pagiging mahigpit nito sa akin si Tan. Kung ako ang unang natatapos ang klase ay tinitext niya ako kung saan ako maghihintay sa kanya. Noong isang araw ay napagalitan niya ako nang hintayin ko sila sa cafeteria, huli ko na kasi nabasa ang text niya na sa parking lot ako dapat maghintay.

"Sa Christmas break ay pupunta kami ng Cebu, pero magpapaiwan daw si kuya."

Napaaga ang pagtambay namin ni Oreen sa cafeteria dahil wala ang professor namin sa panghuling klase sa umaga.

"Hindi ba siya kinulit ni Tita Ver na sumama?"

Laging nagbabakasyon sa iba't-ibang lugar ang pamilya ni Coreen tuwing christmas holiday. Hindi kailanman nagpaiwan noon si Caesar. Baka ayaw niya magbakasyon at mas gustong makasama ang mga pinsan niya.

"Kinulit naman pero ayaw niya talaga kaya hinayaan na lang ni mom, kayo, anong plano n'yo ng mga pinsan mo?"

Marahan kong nilapag ang nangangalahating baso ng juice sa harap ko, "hindi pa namain napag-uusapan e, siguro sa bahay lang kami, mags-stroll minsan, kakain sa labas at manunuod ng sine?"

Mabagal siyang tumango, "not bad, maganda ang mga palabas ngayong christmas season sa mga sine."

"Siguro?" ungot ko, "pero mas gusto ko ang manatili na lang sa bahay at magbasa."

Healed in his arms (De Alleje 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon