16

32 10 0
                                    

fishy

Sobrang saya ko dahil bumalik na ang lahat sa dati, matapos ang mga nangyari.

Ang gaan sa pakiramdam. Nakakaganang bumaong araw-araw.

'Yung feeling na napakasarap huminga? Kasi wala ng pinangangambahan, at finally, nakapag-move on.

Ito ang natutunan ko sa mga nangyari. Ang laging 'magsimula muli' pagkatapos kahit ng anumang pagsubok. Gaya ng sinabi ni Kel.

At sa wakas, para akong nilayasan ng malas dahil nagkaayos na muli kami.

Life. After obstacle, comes another. This is life.

Weeks after the awful incident, nakarekubre na rin ang lahat. Naipakulong sina Randy, Kevin at Jordan. At first, gusto ko silang bisitahin lalo na 'yung dalawa para sumbatan or kung pwede lang sabunutan.

Pero nagpigil ako at naliwanagan sa huli. What's the point upang gawin ko pa 'yun, right? May magbabago ba? Nothing. So I'll just better leave it to the law. That's the point kaya tayo may batas hindi ba? I want to be licit though.

I want to close that 'chapter' and continue moving forward. Hindi ako dapat ma-trap sa masalimuot na parte ng buhay kong iyon. 'Moving on and moving forward' dapat lagi.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng mga pulis na drop-out na pala 'yung dalawang scumbag. Pero madalas na pumapasok sila sa school kaya ang akala ng iilan ay nag-aaral pa sila. While the truth is, gumagawa sila ng mga video'ng pam-black mail sa mga students na pinag-iinitan nila.

Ang dami pala nilang nablack-mail. Malamang, kasi kaibigan nila ang numero unong bully sa MHPhilU. At buti na lang, bumagsak na sila sa kulungan. Nabigyan na rin ng justice 'yung mga inabuso at binully nila noon.

Nu'ng malaman ni mommy ang nangyari ay halos mag-rush flight siya papilipinas. Pero sinabi ko sa kanya na wag na, ligtas na rin naman ako e. Isa pa ayos lang naman kasi kasama ko sina Tan at Dan. Wala ring kuskus-balungos na naipakulong sina Randy.

"Buti nga du'n sa tatlong 'yun, sa kulungan talaga sila nararapat!" Hindi makapaniwala sa sinapit ko ang halos lahat ng mga kakilala ko.

"Oo nga Arrevelo, kung hindi naipakulong ang mga gagong 'yun, naku! Magpapatuloy lang sila sa pambu-bully ng iba!"

After everything, everything went smooth. Life goes on for me and for the people around me.

"Anong last subject mo ngayon?" Tanong ni Tanner nang magkita kami sa library.

"Math," tugon ko pero nasa bookshelves ang aking tensyon at siya naman ay nakatayo sa likod ko, "bakit?"

"Uh, nothing," umiling siya, "okay lang ba pag di ka makasabay sa akin pag-uwi?" weird, kasi medyo hesitant siya.

"Oo naman," ngumiti ako, "kay Coreen ako sasabay."

May pupuntahan siguro siya after class or maybe… ugh, Whatever!

"Ayos lang."

"Sige. Magtext ka sa'kin kapag nakauwi ka nasa bahay ka na,"

"Sure,"

Pagkaalis niya, dumating naman sina Coreen at Zina. Kumuha sila ng books, ako naman ay kumuha rin, ang Wuthering Heights novel.

Pumwesto kami sa pinakadulong table.

"Uy, nakita n'yo bang dalawa 'yung recent post ni Bloom sa Instagram?" si Zi. Umiling ako.

Hindi naman ako gaanong nag-iinstagram e, well maliban nalang pag-trip ko. But I don't do that much.

Healed in his arms (De Alleje 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon