26

26 8 0
                                    

move on

Tuyo na ang mga luha sa aking pisngi pagdating namin sa bahay.

Pero ang kirot sa aking puso ay hindi yata marunong humupa. Lalo pa iyong tumitindi.

Kanina sa biyahe ay tulala ako. Si Ezekiel ang laman ng puso't isipan ko.

Nasaksihan ko pa sa side mirror ang pagwawala niya nang lumisan kami. Parang sinibak ang puso ko nang paulit-ulit. Gustong-gusto ko siyang balikan at aluin, sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya, na maaayos din ang lahat.

Guilt took over my heart. Sarili ko ang sinisisi ko sa mga nangyari. Nagawa lang akong ilaglag ni Keanna dahil nasaktan ko siya nang hindi sinasadya, ilang beses ko namang nasaktan si Kel at pinakamitindi itong bago, at si Bloom naman ay walang ginawang masama kundi ang tulungan lamang ako.

Ngayon lang ako nakadama ng ganito katinding pighati buong buhay ko. Sana nanaginip lang ako.

Mulat ako buong gabi at nakatingin sa kawalan. Mugto ang mga mata at pagod na pagod ang damdamin.

Sa mga sumunod na gabi ay ganoon pa rin ang estado ko. Mapaumaga o gabi ay madalas akong natutulala. My friends would wonder out loud pero isa lang ang sinasabi ko sa kanila.

"The story I read was tragic."

Pero alam kong hindi sila kumbinsido sa dahilan ko. At kaya hindi sila nangungulit ay siguro ayaw nila akong i-pressure, hinihintay na lang siguro nila na ako mismo ang mag-open up.

Pero hindi ako mag-oopen up dahil lalo lang lalala ang sitwasyon.

Maliban sa amin nina Kel, Keanna, Danver at pati na rin siguro ni Bloom ay wala nang nakakaalam pa sa nangyari sa Pacific Residence. We all kept it secret.

Matapos ang naganap sa townhouse ni Kel ay sumabog ang balitang wala na sila ni Bloom.

Sa campus ay madalas kaming nagkakatanawan ni Kel. He would always attempt to approach me but I would resist. Hindi ko rin binubuksan ang mga tumatambak niyang chats.

Kung minsan ay hindi ko napipigilang umiyak kaya napapatakbo ako sa restroom.

Pagkatapos ng insidente ay lagi nang namamansin sa akin si Kee as if walang nangyaring ganoon.

Kinikibo ko naman siya pero hindi gaanong katagal.

Si Danver naman ay hindi ako pinansin sa loob ng dalawang araw pero nang makalipas ay kinausap niya ako nang kami lang. Nag-sorry siya sa akin at pinaalalahanan ako kung gaano ako kaimportante sa kanya.

"Take care of you're heart, you are too precious to be broken sweetheart... too fragile."

Nauwi sa iyakan ang pag-uusap namin pero masaya naman ako dahil lalo pa siyang naging malambing sa akin kalaunan.

Tatlong araw bago magpasko ay nakauwi na si Mommy at Dash. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Sinundo namin sila nina Tan at Dan sa airport.

Patakbo akong yumakap kay Mommy kahit buhat-buhat niya sa isang kamay si Dash. She hugged me back so tight while chuckling.

"You've grown so fast darling! Oh, look at that lovely face!"

"Thanks Mommy, ikaw rin, you're so stunning as ever!"

Umikot ang mga eyeballs niya, "I'm aging Cath don't be duped of my appearance!" She chuckles heartily.

Tumawa kami ng mga pinsan ko.

Parang hindi nadadagdagan ang edad niya, her glamour didn't diminish even a slight. Ang magandang hubog ng kanyang katawan noon ay kataka-takang hindi man lang nagbago. Her skin screams youthfulness despite her age. At ang kanyang postura ay nakakahanga. She always exudes confidence. She had that elusive charm I wish I inherited. She's conspicuously meticulous, picky and strict unlike Tita Glovel. Isa ang mga 'yun sa reasons kung bakit napakahigpit sa'kin ng mga pinsan ko.

Healed in his arms (De Alleje 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon