33

13 2 0
                                    

bride

Maaga akong nagpatulong kay Danver na ipamigay ang mga pasalubong ko sa mga kaibigan namin. Mamayang ten pa naman ang klase niya. Kaya bago pa 'yun ay nagpahatid na ako sa Bonifacio High Street.

Ngayon ay natutukso na ako sa alok sa'kin ni Kel kagabi. Tama. It would be better pag may sasakyan ako pansamantala habang nandito nang hindi na ako makaabala kay Dan o kahit kanino.

"Good morning po Pa! Tita Marissa!" Bungad ko kay Papa at sa live-in partner niya pagdating ko sa La Picara. Tumayo silang dalawa.

"Naku anak! Lalo ka nga talagang gumanda!" Sambit ni Papa. Tumawa ako.

Tita Marissa pulled me for a smack in my cheeks, "naku hija hindi makapag-antay na makaluwas ng Manila 'yang papa mo!"

Tita Marissa is years younger than Papa. Maganda siya at halatang may dugong kastila. Matangkad siya at sexy rin naman. Mabait siya sa akin, lagi siyang kasama ni Papa pag nag-vvc kami noon at sa ganoong paraan siya pinakilala sa'kin ni Papa.

I giggled, "ako rin nga po I'm so excited na makita kayo!"

They both laughed. Nagyakapan kami ni Papa at humalik ako sa pisngi niya. "Kumusta ka naman anak?"

"Ayos lang naman po Pa, kayo po ni Tita?"

"Ayos lang din kami ng Papa mo hija," si Tita Marissa, "naku sana makabisita ka sa'min sa Cebu."

"Hayaan nyo po, bago po ako babalik ng LA bibisita po ako roon."

"That's great! Ipakikilala kita sa mga pamangkin ko, kilala ka na nila actually lagi ka kasing ikinukwento ng Papa sa mga 'yun and they knew you're a model! Kaya intersado rin silang makilala ka sa personal."

I smiled with my eyes, feeling so flattered. "Mas lalo po tuloy akong nae-excite na pumaroon! First time ko po kasing makakapunta du'n!"

Tita Marissa laughed softly, "kulang nga siguro ang isang linggo para malibot mo ang mga pasyalan du'n."

"O siya maupo tayo," ungot ni Papa. Sabay-sabay kaming naupo. Magkatabi sila sa harap ko. Tumawag si Papa ng waiter at umorder, tinanong niya ako at sinabi ko ang gusto ko.

Inabot ko sa kanila ang mga pasalubong ko. They were both very thrilled and thanked me.

"Naalala ko nu'ng kabataan ko, pangarap ko ang maging model hija kaya lang ay mas nahilig ako sa fashion designing pag tungtong sa tamang edad kaya yun na ang pinili kong profession," si Tita Marissa. Napaka-graceful ng bawat galaw niya sa hapag.

"No wonder na napakaganda n'yo pong manamit Tita, at kaya rin po siguro nahulog sa inyo si Papa," I joked with a grin.

Humagikhik siya,  kinikilig na humawak sa braso ni Papa. Papa smiled and tapped her hand.

"Mataray ako nu'n sa Papa mo hija kaya siya nahulog sa akin, I kept on nagging him!"

"Nakukulitan siya sa akin noon anak pero dahil lagi ko siyang sinusuyo ay sinagot na niya ako."

I laughed with them.

"Kumusta naman ang pagmomodel mo doon hija? Mataas ba kumaltas ang agency ninyo?"

"So far ayos lang naman po tita, twenty five percent lang naman po ang kinakaltas nila sa fee."

Tumango siya, "paano ka naman napasok sa industriya?"

"Ah dahil po sa kaibigan kong model din… sa kanya po ako nakilala ng kaibigan niyang make up artist ng cosmetic company, nagsimula po ako bilang free lance, kalaunan ay binigyan ako ng exclusive contract ng agency nila."

Healed in his arms (De Alleje 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon