Deal
After nu'ng nanyari sa amin ni Ezekiel, hindi na ulit kami nagkausap. Pareho kaming nag-iwas sa isa't-isa. Hindi naman sa high pride ako, but every time I tried to approach on him lumalayo siya. So, ganu'n, the cold war goes on. Nagtataka na rin ang mga kaibigan namin but they remained silent respectfully about it.
Almost every night, naiiyak ako. I want us to be okay. To be fine. To be back again. 'Cause our friendship mean the world to me. Isang malaking kawalan para sa akin ang kababata ko.
Madalas rin akong natutulala sa klase namin. Lalo na nang makita ko siyang may kasamang mga babae, and they're having a good time. Naramdaman ko ulit 'yung sakit na katumbas ng naramdaman ko noon sa panloloko ni Morris sa akin.
Parang naulit lang 'yun.
Sinubukan kong libangin ang sarili ko sa mga night out namin magbabarkada. Luckily, gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papano. Pero pag naiiwan na akong mag-isa, nababagabag na naman ang isipan at kalooban ko. This isn't healthy for me anymore!
Papunta ako ngayon sa room nina Rouen para makasabay sila maglunch. Maaga kaming ni-dismiss ni Mrs Salcedo sa klase niya dahil may urgent transaction daw siyang pupuntahan.
Inatasan niya si Coreen na dalhin ang kanyang mga stuffs sa office niya. Sinabihan naman ako ni Oreen na mauna na kina Rouen para daw hindi na mainip ito at ang iba.
Tahimik ang hallway kahit may iilang istudyante na nakatambay. Ibigsabihin di pa labasan nina Rouen.
Umatras ako at lumiko pakanan. Pupuntahan ko na lang muna si Amherstia. Tutal sasabay din 'yun sa amin.
Parang niyanig ang Mundo ko sa kalagitnaan ng paglalalakad ko.
Nakita ko si Ezekiel.
May kasama na namang babae. Hindi lang basta babae.
Eye-to-eye silang nag-uusap ni Jereza at tuwang-tuwa!
The jerk!
Sarap nilang pag-untugin dalawa!
Para akong tinuklaw ng ahas nang may ma-realize ako, ang letter ni Jereza!
Sa kapal ng pagmumukha ng babaeng 'yun nasisiguro kong kaya niyang itanong 'yun kay Ezekiel. Siya ba ang pamalit ni Kel kay Keanna?
What happened to king Ezekiel? Bumaba ata ang standard niya sa mga babae!
Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel nang mapatingin siya sa direksyon ko. Bumaling agad siya kay Jereza at sumensyas na aalis saka siya naglakad papunta sa akin.
Oh not that easy boy!
Bago pa man siya mangalahati sa distansya namin tumakbo na ako. Pero alam kong hahabol siya sa akin. Well, let him.
Walang hiya siya! Ang kapal ng apog niyang pagbawalan akong lumapit kay Kai e samantalang siya itong dumidikit sa maraming babae!
“Cath!”
Malapit na niya akong abutan. Pambihira.Ang bilis ng mga paa niya,
“Cath!”
Oh ano ngayong ang pakiramdam ng naghahabol, ha? Diba nakakapagod Ezekiel? Ganito rin ang ginawa mo sa akin noon. So you deserve this.
Sobra akong nainis ng hablutin niya ang isang braso ko! “Catherine!”
Nilingon ko siya, "bitiwan mo'ko,” asik ko at pilit kumakawala. Ang higpit ng pagkakahawak niya ng braso ko!
“Mag-usap tayo!” aniya.
You wish asshole!
“Kausapin mo'ng mukha mo!” sigaw ko sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Healed in his arms (De Alleje 1)
RomanceShe was engaged to a man of her dreams. Everything's wonderful not until she fell in love with her confidante, a guy who turned her world around and was suppose to be the best man in her wedding. THIS IS THE BOOK ONE OF DE ALLEJE SERIES, NEXT ARE;...