goal
Kung sakali bang magparamdam siya ulit sa'yo... na mahal ka pa rin niya, aatras ka bang muli? Malaya ka na talaga e!
Ayaw akong dalawin ng antok kinagabihan. Nagre-replay sa isipan ko ang sinabi sa'kin ni Bloom bago ko iwan ang LA.
Niloloko ko ang sarili ko ang sarili kung sasabihin kong nakapag-move na ako kay Kel at alam kong hindi ako nag-iilusyon na ganoon din siya sa akin. His action says it all. Maging mga pinsan niya nga ay nakakahalata na sa kanya.
Tears escaped my eyes. I love him so much. My love for him didn't lessen even a little after all the years.
Naalala ko pang nagsumpaan kami sa bahay niya magtatatlong taon na ang nakalipas.
That memory still lingers in my head vividly. The feel of his touch and the gazes he gave me then is keeping me awake. Akala ko ay hindi na ako makakatulog pero nagising ako nang alas singko ng umaga. Kaagad akong bumangon at bumaba. I'm wearing a satin camisole and a short.
Nadatnan ko si Ate Mara na nagluluto ng agahan sa kusina. Nagtosta ako ng loaf bread at nagtimpla ng kape saka bumalik sa kuwarto.
Napatingin ako sa bintana at may naalala noong kabataan namin. He was wearing a white shirt and trousers that night. Di ko maiwasang ngumiti habang nilalapag ang kape at bread plate sa kama. Damn! Kinikilig ako. Muli na namang naglakbay ang isipan ko sa iba pang bahagi ng nakaraan at sa tuwina ay may pumupuslit na kilig sa puso ko. I felt my cheeks heated the moment I felt a hunger to kiss him.
Hinawi ko ang kurtina at sa harap ng bintana ako pumwesto habang nagkakape. Unti-unting sumasabog ang liwanag sa silangan bahagi ng kalangitan. Dumako ang paningin ko sa mga halaman sa hardin. The leaves of hibiscus are wet with the morning dew. Napangiti ako at mabilis na tinapos ang pagkakape. Hinatid ko muna sa kusina ang mug at bread plate bago naghilamos at nagtooth brush. Then I put on my yoga pants, sport bra underneath a track top, and a running shoes. I also put my hair up. Hanngang underboob ko lang ziniper ang track top.
Nag-umpisa muna akong maglakad pagkalabas ko ng gate. Sinimulan kong mag-jog nang makalayu-layo na ngunit bumagal ang takbo ko nang makita si Ezekiel na papasok sa gate nila. Natigilan siya nang makita ako. He's wearing a pair of running singlet, short, and a running shoes. Tagaktak ang pawis niya sa noo. He took the towel on his shoulder and wipe the sweat.
Ibinagsak niya ang kabilang kamay na nakahawak sa gate at nginitian ako. Ngumiti ako pabalik saka nagpatuloy. Siya naman ay pumasok na.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang malagpasan sa wakas ang gate nila. Ibig sabihin ay dito sa McKinley siya natulog kagabi.
Halos manginig ako nang sabay-sabay na tumahol ang mga aso sa mga kabahayan. Nakatali naman ang mga 'yun pero kinabahan talaga ako. Lumiko ako saka tumigil. Hinihingal ako habang nakahawak sa tuhod. I panted several times before I resume.
Pabalik-balik lang ang rota ko pero hindi inaabot ang gate ng mga De Alleje. Medyo nakakasilaw na ang sikat ng araw. Nakakatatlong balik na ako nang may marinig akong sasakyan sa likod. Gumilid ako sa kaliwa at nilingon 'yun. Muntikan na akong mawalan ng balanse nang marekognisa ang Porsche cayenne ni Kel.
Kasabay ng bawat hingal ko ay ang malakas na tibok ng aking puso nang huminto siya. Bumaba ang bintana ng driver's seat. Tumambad sa'kin ang maaliwalas niyang ngiti.
"Hi!"
I greeted him back. He's still on his running outfit but looks so fresh. Lihim tuloy akong naging conscious sa sarili.
BINABASA MO ANG
Healed in his arms (De Alleje 1)
RomanceShe was engaged to a man of her dreams. Everything's wonderful not until she fell in love with her confidante, a guy who turned her world around and was suppose to be the best man in her wedding. THIS IS THE BOOK ONE OF DE ALLEJE SERIES, NEXT ARE;...