Strange
Naging normal lang ang takbo ng schooldays sa MHPhilU, though nakakapressure ang klase.
Nasimulan na rin namin magpractice ng theatre play, at gaya ng madalas, nakakahakot ako ng matatalim na tingin mula sa mga schoolmates kong babae. Pinapalampas ko na lang ang mga 'yun. Ayaw ko kasi ng gulo, syempre hindi naman ako eskandalosang tao. As long as hindi nila ako sinasaktan physically ay ayos lang, they can't beat me with just a snob anyway.
"Isasama ko si Cath," untag ni Ezekiel. Nasa parking lot kami ng MHPhilU ngayon at tinatanaw ang football team na naglalaro sa field.
Napasama kami ni Coreen sa mga comrades since wala pa sina Rouen at ang iba.
"Saan Kel?" Kunot noo kong tanong.
Nginitian niya ako, namumungay ang mga mata.
"Sa Arca south." Pakli niya na hindi pa rin napapawi ang ngiti sa labi.
"Ayos lang sa'kin Kel," sabad ni Tanner.
Pinaglandas niya ang mga kamay at hinawakan ang magkabilang laylayan ng shirt niya, nilihis 'yun pataas saka hinubad completely.
"Hindi ako makakapunta, isasama ako ni Dad sa lakad niya."
Wala pang sampung segundo ay naging center of attraction na siya ng mga girls. Pero balewala lang 'yung sa kanya.
Tatlong bakla pa ang dumaan na halos lumuwa ang mga mata sabay hagikhik.
Natawa at nailing na lang ako.
May dinukot na grey T-shirt mula sa dashboard ng raptor niya si Tanner at agad na isinuot.
Mabuti na lang at humupa ang tension ng mga girls sa palagid namin. Baka kasi makalmutan nila ako pag sakaling dumugin nila ang pinsan kong pigura ni Adonis sa paningin nila.
"That's better, isasama ko rin si Oreen eh," komento ni Caesar,"pag andu'n si Cath hindi siya mabobored, hindi niya ako kukulitin mamasyal."
"Really ?" Coreen's eyes brightened in delight. Para siyang batang binigyan ng gummy bears.
"Yeah," paos na tugon ni Cey. "But in one condition, wag mong bibilangin ang mga girls na makakausap ko doon, maliwanag? And don't give her an update anymore, otherwise hindi kita papayagan sumama sa susunod, what can you say?"
Biglang sumimangot si Coreen. Hindi talaga siya makakapalag sa kuya niya. Malamang si Tita Vera na naman ang pinaglilihiman ni Cey, kaya kinakasabwat niya ngayon ang kapatid. Ayaw kasi ng mom nila na nakikipagfling siya sa maraming babae.
"Deal," matatag na tugon naman ni Oreen.
"Good."
"Threatening a li'l sis, Caesar?" Fabio interrupted.
"Nah, just taking her loyalty," si Caesar.
"Anong meron sa Arca South?" usisa ko.
"Ford Island Conquest on October sixteen, Sunday, so 'you up?" Ezekiel in his suave voice.
Napatitig ako sa kanya, para kasi siyang si Morris this time. Lalo na nang sabihin niya 'yun.
That enigmatic features, suave voice, at nakakailang na titig, lahat ng 'yun ay galing kay Morris. Paano niya 'yun nagaya?
I got stiffened.
This is unfathomable. I can't believe that Ezekiel is giving me goosebumps right now.
He frowned nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin.
Wala talaga akong maiusal eh, I feel haunted and cold.
BINABASA MO ANG
Healed in his arms (De Alleje 1)
RomanceShe was engaged to a man of her dreams. Everything's wonderful not until she fell in love with her confidante, a guy who turned her world around and was suppose to be the best man in her wedding. THIS IS THE BOOK ONE OF DE ALLEJE SERIES, NEXT ARE;...