14

25 11 0
                                    

Accidental or intentional

"Cath, tara nasa baba, nandu'n na silang lahat," thrilled na sabi ni Zina.

Four months after my eleventh birthday, masyado akong na-engrossed sa pagbabasa ng mga vampire series.

"Hmm, mamaya na lang please. Dito na lang tayo, tatapusin ko muna 'to," ungot ko. Nandito kami sa kuwarto ko ngayon. Nakadapa ako sa kama ko habang nagbabasa at siya naman ay nakaupo sa gilid ko.

"Halika na sabi, pupuntahan ka dito ni Morris kapag di ka bumaba," hinihila na niya ang isa kong kamay. Napabangon tuloy ako.

I pouted as I glance on her, "sabihin mo sa kanya na tulog pa ako."

Pinandilatan niya ako ng mata. Gusto ko tuloy matawa, she's so pretty like an exquisite porcelain doll. In fact, may hawig siya ng Philippine dyosa kid na si Andrea Brillantes. Lalo na kapag nagugulat siya or nakasimangot. She has that fair and flawless skin, every girl in school envied for. Her eyes are bright as her disposition.

Napaka-witty niya na rin sa murang edad namin, it intimidates me sometimes when she acts with elitism.

"Seriously Cath? The sun is up, hindi siya maniniwala sa reason na 'yan, so come on! Let's go downstairs."

Hindi na ako umangal sa halip tamad akong bumangon, "sige na nga!"

Sabay kaming bumaba sa hagdan. Pagtungtong ko pa lang sa last step, narinig ko na ang diskusyon ng mga kaibigan namin sa may living room.

"Yung American Gangster ang panuorin natin, ang astig nu'n promise," boses ni Danver.

"Oo nga! About business and drug dealings," sang-ayon ni Ezekiel.

Nakakainis ang mokong na 'yun... dami niyang atraso sa akin.

"Yung Black Water kaya? Napanuod namin 'yun ni Hugh, kaso di lang namin natapos," sabad ni Fabio. "Ang hilig nyong dalawa ng shark movies," si Axda.

"Gusto ko 'yung V for Vendetta, yun na lang kaya?" Komento ni Rouen.

"Um, mas masaya sigurong panuurin ang stardust," Oreen chirped.

Napaungol ang mga boys. "Oh not magical one please, ikaw lang ang mag-ienjoy!" Reklamo ni Ezikel.

"What about the four musketeers?" Si Tanner.

"Uy, nandito na pala kayong dalawa," puna ni Rouen sa amin. Lumipad ang mga mata ko sa katabi ni Tanner.

Morris grinned to me. 'Yung puso ko... parang nagwawala. Pakiramdam ko nga may mga dagang naghahabulan sa dibdib ko. Hindi pa rin kasi ako nasasanay sa ganyang klaseng titig niya sa akin.

"Come here Catherine," aniya sabay tap sa space sa couch sa tabi niya.

"O, du'n kana sa tabi niya," bulong ni Zi sa akin. Naglakad ako papunta kay Morris. Hindi niya pa rin inaalis ang titig sa akin.

Pakiramdam ko para akong matutunaw.

Narinig ko ang pagtikhim ni Ezekiel nang makaupo na ako sa tabi ng kuya niya.

Napabaling ako sa kanya. He smiled wickedly to me. He's the nastiest boy I'd ever known! Kusang tumalim ang titig ko sa kanya.

"Did you pee in your bed again?" tudyo niya.

Laking gulat ng mga kasama namin sa sinabi niya.

"No I didn't, you know that I didn't!" Naikuyom ko ang aking mga kamay.

Siya ang may pakana nu'n. Last Wednesday night, nandito silang magpipinsan sa bahay namin. Yung iba sa kanila busy sa mga stuffs ni Tanner, habang ang iba naglalaro ng Xbox. Nasa room ko naman si Morris kasi ipinakita ko sa kanya ang bagong sash at crown na pinanalunan ko sa kiddie BeautyCon. Sumunod sa kanya si Ezekiel.

Healed in his arms (De Alleje 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon