call
"Alright twenty minutes fix to start," pahayag ni Russ ang creative director ng Kaleidoscope mag. Kunot ang noo nito sa ibabaw ng suot na sunglass at gaya ni Froilan ay naka-aloha shirt.
Si Froilan ay inabutan ng ice-tea ng isa sa mga crew at mabilis na ininom. Nagpapaypay siya habang pinapayuang ng personal assistant. Hindi lang dahil manager siya ng Monrova Fashion Apparel ang dahilan kung ba't nakaka-intimidate siya. He's prim and well-recomposed, hindi gaya ng mga karaniwang bakla na kikay at kwela.
Nasa Hyatt Huntington beach resort kami ngayon para sa shoot ng summer glam edition ng Kaleidoscope mag. Ang de Lonval cosmetiques at Monrova Fashion Apparel ang napili na naman nilang i-feature muli. This is my second time working with them, una 'yung winter glam edition. Freelance model pa lang ako nu'n sa de Lonval cosmetiques. Pero pagkatapos ng project na'yun ay binigyan ako ng exclusive contract ng modeling agency nina Bloom. Pinag-workshop pa nila ako at tinrain. Kaya naman huminto na ako sa pag-iinsurance agent at kinareer ang pagmomodel. Maliban sa de Lonval cosmetiques ay nakuha rin ako ng ibang kompanya na magmodel ng produkto nila.
Masayang-masaya si Mommy sa naging decision ko!
"This is what you should call a career, Catherine, I'm glad na pinasok mo ang pagmomodel anak! You're gorgeous darling and exceptional from those brainless ladies of easy virtue!"
Ito ang unang beses na naging supportive siya sa akin! Lalo na noong sabihin ko sa kanya na babalik ako sa pag-aaral pag nakapag-ipon ako ng malaki-laki.
At ang ipinagpapasalamat ko sa lahat ay nakuha ko na rin sa wakas ang tiwala niya. Pinayagan na niya akong bumukod. Kaya umupa ako ng apartment sa Beverly hills.
Sinamahan at tinulungan pa ako noon ni Taylor na mag-alsa balutan. Gaya ko ay pinayagan na rin siya ni Uncle Bryce na magsarili.
Actually ito ang pangalawang beses ko sa de Lonval cosmetique na magsho-shoot sa labas. Usually kasi sa cyc studios lang ako nagsho-shoot dahil puro beauty shot lang o di kaya'y head shot ang ginagawa ko. Ganoon talaga kasi cosmetique.
"Mind that we'll apply much bronzer on them this time."
Naging abala sina Angie at ang mga alalay sa makeup kit. May kinukumpuni naman ang grupo ng technical staffs at photographer.
Huminga ako ng malalim saka sumandal sa inuupuang outdoor folding chair. Tumingin ako sa call sheet na hawak ko. May nakasulat doon na 'CLEAN! CLEAN!', kaya hindi na ako nag-atubiling mag-makeup bago pumanta dito sa set unlike sa mga usual shoots ko na dapat camera ready.
Nakita ko ang designer ng MFA na pinulong ang mga dressers sa harap ng cottage, kung nasaan si Bloom. Sa gilid ng malaking cottage ay may inihandang long table at mga upuan. Lumabas si Bloom at nilapitan ako.
"Magsisimula na tayo maya-maya, mag-sunblock na tayo?"
"Tara!"
Pumasok kami sa cottage at hinubad ang suot naming maxi dress, pareho kaming naka-two piece na provided ng Monrova. Lumapit sa amin at nagbigay ng sunblock ang isa sa mga alalay ni Angie. Ito ang latest na sunblock product ng de Lonval.
"Oh my god am I late already?" Hinihingal na pumasok si Soren, may sweater sa braso niya at sunglass sa tuktok ng ulo.
"Hindi naman, you just come on time!" Ngumisi ako.
Tumigala siya habang bumubuntong hininga, "oh thanks goodness!"
Hindi niya naman kailangang agahan ang pagpunta sa set ngayon e pwede rin nga siyang lumiban na lang muna ngayon, since napagod kami sa biyahe kahapon. Atsaka wala naman akong masyadong iuutos sa kanya, o ayoko ko lang talaga siyang pahirapan dahil kaibigan ko siya?
BINABASA MO ANG
Healed in his arms (De Alleje 1)
Roman d'amourShe was engaged to a man of her dreams. Everything's wonderful not until she fell in love with her confidante, a guy who turned her world around and was suppose to be the best man in her wedding. THIS IS THE BOOK ONE OF DE ALLEJE SERIES, NEXT ARE;...