Unwanted
Nakaupo ako mag-isa sa bench habang nilalasap ang sariwang simoy ng hangin. Kakatapos lang ng exam namin today.
Ngayon ko lang naappreciate ang mapag-isa. Minsan makakabuti pala ito lalo na kapag may iniisip ka. Isa pa nagkakaroon ka ng oras magmuni-muni. Lonely yet relaxing.
Dalawang araw na rin ang nakalipas mula noong nakabalik sa Italy sina Tito Albert at Morris.
Sinama ni Tito Albert si Morris kahit hindi pa ito gising. Mas innovative daw kasi ang mga hospital du'n kesa dito, kaya mas maganda daw kung doon mako-confine si Morris.
I didn't object on that, hindi dahil wala pa akong karapatan sa ngayon kay Morris, kundi dahil hindi rin naman nila ako pakikinggan. Two years from now ikakasal na kami, hinihintay lang ang pagsapit ko ng twenty.
"Kanina ka pa ba dito?" naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Amherstia.
Oo dito na nag-aaral siya nag-aaral sa MHPhilU.
"Oo ang tagal mo kasi," reklamo ko sa kanya. Human resource pala ang tinitake up niya.
She rolled her eyes at tinabihan ako sa pag-upo. "Sina Coreen, Zina at Rouen, wala pa rin ba?" inilabas niya ang iPhone mula sa bulsa, pinindot ang center button nu'n at biglang napangiti, hanggang sa naabala siya sa pagtipa doon.
"Hindi pa siguro sila tapos," bumuntong hininga ako dahilan para mapalingon siya sa skin.
She frowned to me, "anong problema?"
Umiling lang ako.
"Hey," hinimas niya ako sa balikat, "you're not good in hiding problem, C'mon Cath try me."
I dropped my eyes while biting my lower lip, "never mind, I'm alright," I force to smile.
"Really?" bahagyang tumikwas ang isa niyang kilay. "Well, you don't seem fine Catherine, just tell me what's bothering you."
I sighed at binagsak ang mga balikat ko.
"I haven't yet told anyone about this except Kel," tugon ko.
Tumango siya.
Huminga muna ako bago magsalita,"remember the night sa 'What else' when you first met Kel?" I asked, and she nodded.
Great!
"That night I caught Morris making out with other girl," I confessed. Pero hindi nagbago ang reaction niya, she remained staring at me.
Ako ang nagulat nang hindi man lang siya nagulat. I doubted kung narinig niya ba ako or hindi.
"Hey didn't you heard me?" tanong ko.
"I knew it Cath," tugon niya.
Mas lalo akong nagulat ngayon.
She knew it? Really?
Alam na niya 'yun bago ko pa sinabi sa kanya? How?
"What do you mean you knew it already?" I probed.
This brat is sometimes unpredictable!
She eyed me weirdly, "Cath, that night when you cried I knew it already. The way matulala ka, I figured out na fiance mo ang dahilan nu'n," turan ni Amherstia.
Naalala ko nang gabing hinahatid kami ni Kel pauwi gamit ang kotse niya, tinanong niya ako kung ba't ako umiiyak, hindi ako sumagot then I caught her thinking.
Bigla kong may naalala na pala akong itatanong sa kanya,"uh..."
Awtomatikong napatingin siya sa akin. Sabay na umangat ang mga kilay niya. "Yes?"
BINABASA MO ANG
Healed in his arms (De Alleje 1)
RomanceShe was engaged to a man of her dreams. Everything's wonderful not until she fell in love with her confidante, a guy who turned her world around and was suppose to be the best man in her wedding. THIS IS THE BOOK ONE OF DE ALLEJE SERIES, NEXT ARE;...