CHAPTER 14

611 26 2
                                    

~~~

Nakatingin lang ako kay Kiefer at ganon din siya sa akin halatang naghihintay din siya ng sasabihin ko pero kasi wala akong mahanap na isasagot ko sa kanya ngayon. Shit! Kinakabahan na ako sa uri ng titig niya sa akin.

Oh shit!!

"Ate!" Sabi ni Jia kaya naman tinignan ko siya at pinanlakihan niya ako ng mata.

"Ha? Ah nag-aral kami ng self defense dati. Kaming magkakaibigan kaya medyo may alam kami sa mga ganon" sabi ko at tumango naman si Kiefer.

"Kaya pala parehas kayong magaling eh tsaka ang bibilis niyo din kumilos ah. Nakakabilib kayo." Sabi pa ni Miguel.

Napahininga ako ng malalim dahil ddon siguro naman sapat na yung sinabi ko diba?! Maniniwala naman siguro si Kiefer doon sa paliwanag ko.

"That explains everything. Thank you for the help." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Pero sana hindi niyo na yon ginawa paano kung may nangyaring masama sa inyo. Paano kung nasaktan kayo baka napatay na talaga namin yon." Hinila niya ako at niyakap ako ni Kiefer.

"I'm okay Kiefer." I said.

"Yes pero paano nga kung nasaktan ka ha?! Tang ina mabuti na lang walang nangyaring masama sayo hindi ko mapapatawad ang mga hayop na yon."

Humiwalay ako sa yakap niya at tinitigan ko siya sa mukha. "Masakit ba yang sugat mo ha? Kailangan natin gamutin yan ngayon. Bumalik na tayo sa hotel." Tinignan ko si Miguel at may sugat din siya. "Tara na baka masundan pa tayo dito."

"Ate Ly's right. Let's go na baka maayos na yung mga yon at baka masundan na talaga tayo." Sabi ni Jia.

Umuwi na rin kami at sa hotel room namin sila nagdiretso. Pare-parehas kaming walang kibo habang pauwi dito. Marami akong gustong itanong pero mamaya na lang siguro.

"Jia pakuha ako ng warm water para mapunasan yung mga gasgas nila. You know naman yung paglilinis ng sugat diba?" Tanong ko at tumango siya. "Ikaw na kay Miguel ha ako na kay Kiefer." Sabi ko.

Iiwanan ko na sana si Jia dito pero pinili ko na lang na manatili dito at hintayin yung pagkulo nitong tubig.

"What do you think?" Mahinang tanong sa akin ni Jia.

"Hindi ko alam pero parang may mali eh." Nagkatitigan kami at tumango siya.

"Yeah. I can feel it also. Sino yung mga yon?! Bakit sila napapalaban doon?"

"Gusto ni Kiefer na bumalik na tayo sa Pilipinas."

"Huh? Bakit daw?"

"I don't know sabi niya lang hindi daw tayo safe dito. Ewan ko hindi ko talaga siya maintindihan kanina medyo magulo sa akin tsaka parang may hindi siya sinasabi sa akin na totoo eh." Sabi ko.

Parehas kaming tumingin sa sala kung saan nandoon sila Kiefer at Miguel na naghihintay sa amin.

"May mali talaga ate."

"Yeah."

"Sa tingin mo ba nagtataka na sila kung bakit tayo ganon kagaling makipaglaban kanina?"

"Ewan ko, sana hindi nararamdamn ko naman na hindi Jia." Sabi ko pero medyo kabado din ako. Imbestigador sila Kiefer kung may napansin man siya sa mga galaw ko kanina malamang may nahahalata o napapansin na siya. Sobrang hirap nitong ginagawa ko pero kailangan kong protektahan si Jia. Hindi ako papayag na may malaman si Kiefer sa totoong trabaho namin. Kung ano man pinunta niya dito sana hindi konektado sa amin.

"Tara na ate?" Sabi ni Jia at tumango ako. Kinuha ko yung isang palanggana at yung towel na nandito. "Ate mauna ka na pala at kukunin ko pa yung alcohol na isa dito."

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon