CHAPTER 31

522 25 3
                                    

~~~

"Silas is my pancakes good?" Tanong ni Jho at biglang tumawa si Jia kaya tinitigan niya to ng masama.

"Kaya mo yan mars. Support kita dyan." Sabi pa ni Jia kaya napailing ako.

"Ewan ko sayo kung tinutulungan mo kaya ako dito no!? Kasi naman tong si Ate Ly eh sanayin daw bang sa english kausapin tong pogi na to. Ayan tuloy tulo dugo sa ilong dito."

"Same! Bwiset tong si Alyssa eh akala niya nakakatuwa siya." Sabi pa ni Ella.

"Ewan ko sa inyo. Bakit sila Jia, Gretchen at Justine ayos naman?" Sabi ko at pinunasan ko ang buhok ni Amari tapos ngumiti ako sa kanya. Pinapabreastfeed ko siya ngayon mabuti na lang nga at mayroon pa naman. Ayaw niya kasi ng formula milk kaya nahihirapan ako.

"Sila yon. Alam mo namang mga shala yang mga tropa mo na yan eh. Kami ni ate ells mga simpleng tao lang kami." Tumawa silang dalawa ni Ella.

"Kaya naman mahal na mahal ko tong babae na to eh. Kasabay ko sa pagiging baliw." Sabi ni Ella at nag-apir silang dalawa kaya naman umiling kami ni Jia.

"So pasok na ba ako sa tropa ha ate Ells?" Sabi ni Jho na tinaas baba pa ang kilay niya.

"Ay di ko sure yan Jho. Alam mo naman na hindi na pwede yung dalawang baliw sa tropa. Hindi na maganda yung ganon eh. Kaya baka hindi ka pa rin belong sa amin." sabi ni Ella at sumimangot si Jho.

Mga baliw talaga tong mga to. Masaya ako na naging kaibigan namin si Jho. Mabait tong bata na to at makulit rin katulad ni Ella. Kaya siguro naging kasundo rin namin siyang lahat. Isa pa nakakatulong ko siya dito sa bahay lalo na pagdating sa kambal.

"Mi..." Si Silas kaya naman tinignan ko siya.

"Yes Anak?" Tanong ko at ngumiti siya sa akin. "You want some pancakes pa ha?" Sabi ko at tumango siya.

"Oh see Jia nagustuhan ng baby boy natin kaya tigil-tigilan mo ako ha." sabi ni Jho. "Gusto mo pa Silas? Tomorrow ganito ulit ang almusal natin ha. Si Tita Jho ang bahala sayo tataba ka dito baby boy."

"Oh bakit hindi na english ha Jhoana?! Panindigan mo yan Mars!" Umirap si Jho sa kanya.

"Ayaw ko na ngang kausap tong mga Ninang niyo no kayo na lang kakausapin ko ni Amari. So gwapo talaga ng baby na to hay hintayin na lang kita para ikaw na lang ang Boyfriend ng Tita Jho no?" Tumingin sa kanya si Silas at ngumiti pa to na parang naiintindihan talaga si Jho.

"B---b...fwend?" Hirap na hirap siyang sabihin yon at ngumiti kami.

"Jho kung anu-ano pinagtuturo sa anak ko eh." Sabi ko at tumawa siya tapos nagpeace sign siya.

Binibihisan ko na yung kambal nung napatigil ako at tinignan ko si Amari na nakahiga sa kama at naglalaro lang ng mga toys niya doon. Siya ang binihisan kong una tapos ngayon si Silas na ang inaasikaso ko.

"Ming... ming na." Sabi ni Silas kaya ngumiti ako.

"Yes anak. Magswimming tayo ha." Sabi ko at hinalikan ko pa siya sa pisngi niya. "Go to your tita Jia's room na ha Mommy will go there later."

"Hmm..." Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa kwarto at sakto naman na nakita niya si Jia na palabas din ng room kaya tumango ako kay Jia. At nakita kong pumunta na sila sa livingroom.

Tinignan ko si Amari at ngumiti ako sa kanya at kinarga ko siya.

"Hello sweetheart!" I kissed her cheeks. "You like your swimsuit ha? We are matching baby oh." Sabi ko at tinuro niya ang suot kong swimsuit na kulay pula katulad ng sa kanya. Binili to ni Gretchen sa amin nung huling punta niya dito. At ngayon ko nga lang to gagamitin eh may tatlong buwan na yung huling bisita sa akin ni Gretchen dito.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon