CHAPTER 25

595 25 3
                                    

~~~

Bago ako lumabas sa office niya pinunasan ko muna ang luha ko at inayos ko ang sarili ko. Hindi ako papayag na may makakita sa akin sa ganitong sitwasyon. Kailangan kong maging matatag.

"Agent Daffodil aalis na po kayo?" Tanong niya sa akin at tumango ako. "Let me escort you to your car Agent."

"I can manage. Bantayan niyo na lang si Madam Olivia dito." Sabi ko at tumango sila.

Nung alam kong wala ng nakasunod sa akin napaupo ako sa hagdan dito at doon na tumulo ang mga luha ko. Hinang hina na ako nararamdaman ko ang panginginig ng legs ko ngayon. Parang ngayon ko lang naramdaman yung takot at panghihina ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari to ngayon sa akin?! Bakit ngayon pa?! Bakit kailangan pa nitong mangyari?!

Tumunog ang phome ko at nakita kong si Bea ang tumatawag doon pero sa huli hindi ko na lang yon sinagot at nagpasya na akong umalis doon.

Dapat babalik na ako sa hospital pero sa huli mas pinili kong mag-ikot ikot muna. Ayaw kong umuwi sa townhouse dahil panigurado tatanungin nila ako. Sigurado rin ako na alam na nila Jia na pinatawag ako ni Madame sa kampo.

Nagdadrive lang ako at hindi ko na namalayan na nakaabot na pala ako ng tagaytay kung hindi ko pa nakita yung sign dito baka napalayo pa ako.

Napunta ako sa picnic grove doon at parang gusto ko na lang manatili ngayon dito. Bumaba ako sa sasakyan at pinili ko ang isang lugar doon na mas malayo sa mga tao na nandito. Siguro dahil sa weekdays kaya konti lang ang tao ngayon hindi katulad kapag weekend na halos puno dito. May mga pamilya pa rin naman akong nakikita pero konti lang din yon. May mga bata akong nakita doon at nagtatakbuhan pa sila. Ang saya nila mga wala silang problema ang tanging gusto lang nila ngayon ay ang makapaglaro.

Tumingin ako sa harap ko at naalala ko na naman yung pinagusapan namin ni Madam. Niyakap ko ang sarili ko nung humangin ng malakas at napaluha na ako ng tuluyan.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang mawala siya sa akin pero magiging unfair ako sa kanya kung hahayaan ko siyang manatili sa tabi ko baka ako pa ang maging dahilan ng pagkawala niya sa mundo na to. Dati wala naman akong pakialam kung may mangyaring masama sa akin dahil wala naman na akong pamilya na mag-aalala sa akin. Hindi ko maiwasan na isipin na sana hindi ko na lang sinubukan.

Sana hindi ko na lang to sinubukan at sana hindi ko na lang to ginawa. Sana hindi na ako pumayag na pumasok siya sa buhay ko. Ngayon kahit na anong gawin ko kasama na siya sa mundo ko na to. Kasama na siya sa magulong mundo ko. At natatakot ako natatakot ako para sa kanya. Ako? Wala na akong takot kung mawala man ako, nung pumasok ako sa mundo na to tanggap ko na rin na pwede akong mawala ano mang oras.

Tumingin ako sa phone ko at nakita ko ang pangalan ni Kiefer doon. Tumatawag siya ngayon ko lang napansin na medyo padilim na pala. Siguro alam na ni Gretchen na hindi ako bumalik ng hospital. Wala na talaga akong balak na bumalik doon kasi feeling ko wala rin ako sa sarili ko. Baka imbes na makatulong pa ako baka maging pabigat lang ako sa kanila doon.

Hinayaan kong mamatay yung tawag pero tumunog ulit yon hanggang sa may voice mail na akong natanggap galing kay Kiefer binuksan ko yon. 

"Babe..." mahabang sandali pa ang lumipas bago siya ulit nagsalita.

"I'm sorry. I'm so sorry babe. Hindi ko sinasadya yung kanina siguro dala lang ng mga nasa isip ko. Ang dami kasing problema babe kaya hindi rin talaga maganda ang mood ko kanina. I'm so sorry babe."

"Nasan ka? Go home to me tonight please. Hindi ko kayang hindi ka katabi sa kama. Please go home love. I love you so so much."

Pinatay ko yon kaagad dahil hindi ko pala kayang pakinggan yon hanggang sa huli mas lalong sumasakit ang puso ko dahil sa mga naririnig ko kay Kiefer. Nahihirapan akong marinig yon dahil alam ko masasaktan ko siya sa gagawin ko sa mga susunod na araw.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon