CHAPTER 17

661 26 3
                                    

~~~

"Jus paano nangyari yon?!" Tanong ni Ella kay Justine. Nasa kusina kami preparing the table kasi kakain na kami ngayon. Nasa sala naman ang boys na nilalaro si Kyrie nagising na kasi.

"Mare malamang nakipagjugjagan ako kaya nabuo si Kyrie. Ano ba sabihin pa ba sayo na halos sumisigaw ako habang ginagawa namin yon?!"

"Tang ina naman Justine!!" Sabi ni Ella at hinampas niya pa to. Nagtawanan naman kami.

"Kasi naman eh makapagtanong edi syempre pumasok siya ganon talaga mars. Ano ba gusto mo ba yung complete details pa mars?" Sabi naman ni Justine kaya napailing na ako. Tawa naman ng tawa tong mga kasama ko dito. Baliw din talaga tong si Justine eh.

"Gaga! If I know kaya di mo pa rin makalimutan dahil binabalik balik mo yan sa isip mo lalo na kapag natitigang ka sure ako dyan."

"Ay bastos!!" Sabi ni Jia at nagtakip pa ng tenga.

"Gaga! Ganon talaga!" Si Gretchen naman ngayon.

"Ay bat ang galing mo mars? Paano mo nalaman yon ha?!" Sabi ni Justine kaya nagulat kami sa sinabi niya.

"For real?!" Sabi pa ni Bea.

"Oh my gosh! Haliparot ka!" Sabi pa ni Ella kaya natawa na naman kami.

"Puñeta my mind. I hate you all!!" Sabi ni Jia at nagpapadyak pa doon.

"Tigilan niyo na nga yan at bilisan na natin dito. Mga utak niyo talaga!" Sabi ko at bigla akong tinulak ni Ella.

"Sus! Pa-virgin!" Sabi niya.

"Gaga virgin pa talaga ako. Hayop ka!!"

"Ay weh?" Sabi niya. "Ay sure ngayon mabubutas tong gaga na to kita niyo ba yung bag ni Kiefer na dala mukhang dito matutulog eh."

"My gosh Jorella!!" Sabi ko at tinulak ko siya palayo sa akin.

"Uy! Shet! Mars huwag mong lakasan masyado ha baka naman mangbulabog kayo ng mga kapitbahay ah." Si Justine

"Leche!!" Sabi ko at tumalikod na sa kanila. Tawa naman sila ng tawa. Hindi ko na sila pinansin at nagsandok na lang ako ng kanin dito.

"Pagod pa talaga from the trip tapos ganon bubungad sa akin. Leche! Hawig na hawig yung magtatay." Sabi ni Gretchen at hindi ko maiwasan na sumang-ayon sa kanya.

"Totoo!! Gulat din kami kanina dito shit!!" Si Bea.

"Lalo na nung kinarga ni Baser si Kyrie talagang nasabi na lang namin magtatay sila." Si Jia naman. Tinignan ko si Justine at lumapit ako sa kanya.

"Hindi ko alam Jus." Sabi ko at tumango siya.

"Yeah I know. Wala kang kasalanan mars. In some way medyo alam ko naman na mangyayari talaga to di ko lang alam kung kailan pero ito na nga. Like I said hindi ko naman ginusto na itago si Kyrie sa kanya pero iyon nga diba hindi ko na siya mahanap kaya naman no choice ako kung hindi mag-isang magbuntis." Paliwanag niya.

"Hindi ko talaga alam. Pero minsan kasi napapansin ko nga na parang may hawig si Kyrie di ko lang alam kung kanino at iyon na nga si Baser pala yung kahawig niya. Kung alam ko lang sana nasabihan din kita para hindi ka nagulat nang ganito ngayon." Hinawakan niya ang kamay ko at umiling siya.

"Kasalanan ko rin naman Ly di ko kasi sinabi sa inyo yung name o kahit man lang sana yung picture niya naipakita ko sa inyo."

"Ate Jus bakit nga ba hindi mo pinakita sa amin ang itsura ng tatay ni Kyrie dati?" Tanong ni Bea.

"Siguro kasi pilit din talaga akong nagmomoveon. Ayaw kong makita ang mga makakapagpaalala sa kanya pero di ko yon napigil dahil yung anak namin ayan hawig na hawig niya, kaya nga yung mga pictures niya medyo wala ng halaga eh ayan na yung anak oh nasa harap ko na." Natawa kami sa sinabi niya pero tama rin naman si Justine eh.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon