CHAPTER 49

680 29 3
                                    

~~~

Nilagay ko ang phone ko sa ibabaw ng kama ko at huminga ako ng malalim. Kakabasa ko lang ng text sa akin ni Jho at nagagalit daw si Kiefer. Hindi talaga marunong magsinungaling ang mga bata dahil nabanggit nila sa Daddy nila ang nangyari. Na nagkita nga kami dito at ngayon galit na galit daw si Kiefer.

Nagagalit siya dahil nga hindi masabi sabi ni Jho kung nasaan ako. Nagagalit siya dahil ayaw kong makipagkita sa kanya.

Lumapit ako sa bintana ko dito at tinignan ko na lang ang mga buildings dito sa harap ng kwarto ko. May hawak ako na baso na may laman na whiskey. Feeling ko kakailanganin ko to ngayon para naman makalma ako. Isa pa gusto ko rin makatulog kaagad para naman hindi ko na maisip ang mga pwedeng mangyari bukas. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang. Natatakot na ako ng sobra ngayon. Bukas na kami magsisimula sa misyon namin at doble doble na ang takot na nararamdaman ko ngayon.

Lalo na kapag naalala ko yung iyak at higpit ng yakap sa akin ng kambal kania bago sila umalis. Parang gusto ko na ngang sumama sa kanila kanina nung paalis sila dito pero alam kong hindi pwede. Kailangan ko munang iligtas ang mga bata dito. Ayaw kong madamay sila natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanila.

Nakatingin lang ako sa mga buildings pero ang layo ng iniisip ko. Napatigil lang ako dahil sa pagtunog ng phone ko dito sa kama. Hindi ko yon at pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtingin dito. Tinungga ko ang laman ng baso. Bumalik ako sa loob ng kwarto ko para magsalin ulit sa baso ko. Nangangalahati ko na yung bago kong salin nung napalingon ako sa phone ko na tumunog na naman ngayon.

Si Jho talaga sabi ko na nga sa kanya kanina na huwag ng tumawag pero ang kulit talaga. Lumapit ak sa kama ko at sinilip ko yon nagulat ako sa nakita kong pangalan doon.

Si Kiefer ang tumatawag.

Oh shit!! Anong gagawin ko?! Fuck!!

Mabilisan kong inubos ang alak sa baso ko at binaba ko yon sa bedside table ko. Kinuha ko ang phone ko at akmang sasagutin na yon nung biglang namatay ang tawag, kaya naman tinignan ko na lang yung phone ko ngayon na may wallpaper ng mag-aama ko. Ito yung bakasyon namin sa batangas. Napabuntong hininga ako. Miss na miss ko na si Kiefer. Nahihirapan na ako sa ganito pero hindi ko pa siya pwedeng makita. Binaba ko yung phone ko sa table pero tumunog ulit yon.

Nakatingin ako doo at sa huli pinili kong sagutin ang tawag niya.

"B-babe?!"

"H-hello..."

"Babe! Where are you?! Fuck! Nasaan ka? Pupuntahan kita dyan. Let's talk please babe. Huwag naman ganito oh." Sabi niya at napapikit ako bigla. Nasasalita ako sa mga naririnig ko kay Kiefer. Alam kong nahihirapan siya at nahihirapan din ako sa sitwasyon namin ngayon.

"Kiefer..."

"Bakit ang kambal lang ang kinita mo?! Bakit sa kanila ka lang nagpakita ha babe?!" Nabasag ang boses niya. "H-hindi mo na ba ako mahal?!"

"Mahal na mahal kita kiefer. Alam mo yan. Alam mong mahal kita kaya huwag na huwag momg iisipin yan ha."

"Bakit hindi ka nagpakita sa akin ha?!"

"Kiefer please..."

"Babe please naman oh nahihirapan na ako dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko babe! Mababaliw ako kapag wala ka dito."

"Babe nandyan naman yung kambal."

"I know pero iba pa rin kapag kasama ka namin dito. Babe! Hindi ko to kaya ng magisa lang. Hindi ko pinangarap na hindi ka kasama sa pagtanda ko kaya naman bumalik ka dito." Pumikit ako at napabuntong hininga ako. "Babe please we need you here. I need you here my love please come home to me."

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon