CHAPTER 41

659 31 2
                                    

~~~

Nakatingin lang kami ni Kiefer sa isa't-isa at parehas kaming walang sinasabi. Kanina pa rin tumutulo ang mga luha ko dito. Hindi ko alam ang unang gagawin ko kung magsasalita ba ako o tatakbo ako sa kanya para yakapin ko siya.

Nung nalaman ko ang kalagayan ng kambal hindi na talaga ako nagisip at pinuntahan ko na sila dito sa Hospital. Wala na akong pake kung magkita na kami ni Kiefer pero ngayon na nasa mismong harapan ko na siya hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Iiwan na muna namin kayo." Sabi ni Tita Mozzy kaya naman tumingin ako sa kanya. At hinila na niya si Jho paalis doon. Parang gusto ko silang pigilan dalawa pero hindi ko na ginawa.

"Ma..." Si Kiefer

"Anak, sige na magusap muna kayo at magpapaliwanag ako sayo kapag may oras na ha. Kailangan niyong magusap dalawa. Alyssa..." Tumingin sa akin si Tita Mozzy. "I'm proud of you anak. Napalaki mo ng maayos ang kambal kaya malaki ang pasasalamat namin sayo." Sabi niya at tumango ako sa kanya.

"Salamat Tita!" Sabi ko at tuluyan an silang lumabas ni Jho doon.

Mahabang katahimikan pa ang namagitan sa amin ni Kiefer. Ako na ang unang nagiwas ng tingin at inayos ko ang kumot ng mga bata.

Nararamdaman ko ang paglalakad niya palapit sa akin. Kaya naman tumigil ako at tinignan ko siya.

"B-babe..." Sabi niya. "Ang tagal ko tong hinintay." Nabasag pa ang boses niya. "Hindi ako nawalan ng pagasa na makikita kita ulit hindi ako sumuko mahal ko." Sabi niya.

Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya. Halos matumba pa kami dahil sa pagyakap ko sa kanya.

"Kiefer...." hinigpitan niya ang yakap sa akin at hindi ako nagreklamo doon. "I'm so....sorry." hirap na hirap akong sabihin yon dahil sa patuloy kong pagiyak dito. "I'm so sorry babe."

"Shhh... stop crying please mahal ko tama na." Sabi niya at hinawakan ako sa mukha ko tapos hinalikan niya ako. "I love you. I love you so much babe."

"I'm so sorry." Wala akong ibang masabi. At wala rin akong ibang gustong sabihin sa kanya kung hindi ito. Grabe Ang hirap na pinagdaanan niya sa mga nakalipas na taon. Ganon din naman ako pero nakatulong sa akin ang mga anak ko para malagpasan ko yon lahat. Si Kiefer magisa niya lang dito. Hindi ko maimagine kung gaano kahirap yung ganon. Parang hindi ko yata kakayanin kapag ako yung nasa pwesto niya sa mga panahon na yon.

Pinagdikit niya ang mga noo namin. "Mahal na mahal na mahal kita, Alyssa. Hirap na hirap ako sa mga nakalipas na taon babe. Ang hirap na wala ka dito sa tabi ko. Ang hirap hirap dahil alam ko may kasalanan ako kung bakit kayo nawala sa akin. Patawarin mo ako babe hindi ko alam na ikaw yon. Kung alam ko lang na ikaw yon hindi ko gagawin yon. Hindi kita babarilin hindi kita sasaktan Babe! Maniwala ka sa akin please " Sabi niya at sunod sunod na tumulo ang mga luha ni Kiefer.

Niyakap ko siya at hinayaan ko si Kiefer na umiyak sa leeg ko. "Mahal na mahal Kita, Kiefer!" Sabi ko at hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Mahal na mahal din kita!"

"Mimi!!!" Napabitaw kami sa isa't-isa at nilingon ang kambal. Parehas na silang gising ngayon kaya naman lumapit ako kaagad sa kanila.

"Babies ko kamusta kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Hmm....kay Mo...my." Si Silas at hinalikan ako sa pisngi ko tapos nagpakarga siya kay Kiefer. "Dada... karga." Sabi niya kaya naman tinignan ko si Kiefer. Binuhat niya naman kaagad si Silas at hinalikan pa to sa pisngi.

"Silas sit here na lang."

"Okay lang." Sabi ni Kiefer.

"Baka kasi mabigatan ka." Sabi ko at umiling si Kiefer.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon