CHAPTER 10

572 24 2
                                    

~~~

Tahimik lang ako sa likod at nararamdaman ko ang mga titig sa akin ni Jia. Si Bea busy na sa kausap niya sa phone.

"Ate..." Si Jia at umiling lang ako sa kanya.

Napatakip ako sa mata ko at doon ako mas lalong naiyak. Parang ngayon lang nagsink-in sa akin ang lahat. Si Kiefer yon tinutukan niya ako ng baril parang handa talaga siyang patayin ako. Handa siyang barilin ako patunay yung paghabol niya sa van na sasakyan namin.

Ito na yung isa sa mga kinatatakutan ko sa lahat. Nangyari na nga ang tanging pinagpapasalamat ko lang yung hindi niya ako nakita pero hindi ko alam kung dapat ko pa bang ikasaya yon. Napahilamos ako sa mukha ko at pinigilan kong mapahikbi dito maririnig nila ako kaya hindi pwede.

"Ate Ly? May sugat ka!" Sabi ni Bea kaya naman pinunasan ko ang luha ko at ang buong mukha ko.

"Ha? Ah okay lang ako." Sabi ko at umayos ako ng upo.

"Gamutin nalang natin pagdating sa kampo. Ako ng bahalang gumamot ate." Sabi ni Jia.

"Yeah. Thanks pero kaya ko naman Jia. Ako ng bahala dito don't worry about me." Sabi ko at ngumiti pa ako sa kanya. Tumango siya pero alam kong maraming gustong sabihin si Jia sa akin.

"Tang ina muntik na tayo doon kanina ah " sabi ni Bea kaya naman bung tumingin siya sa akin umiwas ako bigla ng tingin. "Are you sure ayos ka lang ate? Dapat kasi hindi mo na yon binalikan pa eh." Sabi niya.

Sumandal ako sa upuan ko at pinikit ko ang mata ko. Wala akong nararamdaman na sakit sa totoo lang mas iniintindi ko yung kay Kiefer.

"Ate Ly!" Si Jia kaya naman tinignan ko siya ulit. "Ayos ka lang ba talaga ha?!" Tanong niya.

"Yeah. Pagod lang siguro." Sabi ko.

"Hindi ka naman nakita nung lalaki no ate Ly?" Tanong ulit ni Bea sa akin.

"Hindi naman. Hindi naman siguro." Sabi ko.

"Ang tindi niya ha akala ko nga babarilin ka na eh. Bakit ba hindi ka binaril nun? I mean nakatutok na sayo eh." Sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Jia.

Possible kayang nakilala niya ako?! Hindi eh. Impossible yan hindi niya ako nakilala sigurado ako dyan.

"Ewan ko mabuti na lang at dumating kayo kaagad kung hindi baka ano ng nangyari sa akin. Thank you for saving me again." Sabi ko at tumawa pa ako.

"Pero medyo late pa rin kami dapat pala pinuntahan ka namin kaagad doon. Sorry ate ha muntik ka pang mabaril kanina." Sabi ni Jia.

Tumango lang ako at mabuti na lang at naiba na yung topic at pinaguusapan na namin yung mga susunod pang hakbang. Hindi namin yon nalinis bakit kasi ang bilis ng mga awtoridad ngayon? Samantalang dati naman nalilinis pa namin yung mga kalat namin. Napahilamos ako ulit sa mukha ko at tinignan ko yung braso ko na tumutulo pa rin ang dugo doon.

Masakit pero mas inaalala ko ang nangyari kanina. Parang biglang sumasakit ang ulo ko ngayon dahil sa mga nangyayari na to. Bakit ba ako nandito sa magulong sitwasyon na to?! Dapat siguro hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong mahulog kay Kiefer, ako tuloy ang nahihirapan ngayon.

"Ate Ly!" Sabi ni Bea.

Doon ko lang narealize na nandito na pala kami sa kampo namin. Lumabas na ako sa van at nakita ko ang pagtitig sa akin ng dalawa na to lalo na sa braso ko.

"Did you cried?" Tanong ni Bea sa akin.

"Hindi bei." Sabi ko at nauna na siyang pumasok sa loob.

"Tara na sa loob girls." Sabi ni Bea.

"Ah bei mauna ka na ha. Titignan ko lang tong sugat ni Ate Ly. Sunod kami sa conference room." Sabi ni Jia at tumango si Bea sa amin.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon