CHAPTER 20

743 22 1
                                    

~~~

Gising na ako pero hindi pa ako tumayo kaagad gusto ko pang matulog at ang lambot kasi ng kama ni Kiefer eh kaya mas tuloy akong inaantok dito. Tatayo na sana ako pero napabalik ako sa paghiga ko.

Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa ibaba ko.

"Shit!" Ang sakit naman.

Pipilitin ko sana ulit maupo pero biglang bumukas ang pinto kaya naman napahiga ako ulit.

"Morning babe!" Si Kiefer at lumapit siya sa kama tapos naupo sa tabi ko.

"Morning." Sabi ko at ngumiti ako sa kanya. Tapos hinigpitan ko ang hawak ko sa comforter. Napatingin tuloy si Kiefer doon.

"Are you okay?" Tumango ako. "May masakit sayo?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot at umiwas ako bigla ng tingin sa kanya. Ano ba tong tanong ni Kiefer?! Nakakainis siya bigla tuloy akong nahiya dahil doon sa tanong niya. Naaalala ko na naman yung mga ungol ko kagabi.

Fuck!! Napapikit ako at bumuntong hininga na lang.

"Hey! Babe.... galit ka ba?" Tanong niya at umiling ako kaagad.

"No! Hindi babe." Ayaw kong maisip niya yon. "Nahihiya lang ako." Sabi ko at napangiti bigla si Kiefer.

Nahiga na siya sa tabi ko at niyakap ako kaagad.

"Oh ang cute naman ng baby ko. Sa akin ka pa nahiya talaga babe ah. Ako nga dapat ang mahiya sayo eh." Sabi niya.

"Hindi... Nahihiya lang talaga ako. Ang ingay ko kasi kagabi." Sabi ko at tumawa si Kiefer kaya naman kinurot ko siya. "Naman eh! Tumatawa pa." Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin at hinalikan pa ako sa ulo ko.

"Sorry na babe! Nacucuetan lang talaga ako sayo. Wag kang mahiya sa akin ha. I love you and I love everything about you." Nilapit niya ang bibig sa tenga ko. "Including your moans and your groans." Sabi niya kaya naman kinurot ko siya at tumawa na naman siya.

"Ewan ko sayo!"

"Masakit pa ba?" Tumango ako. "I prepared the bathtub babe makakatulong sayo yung ginawa ko doon." Tumayo siya at bubuhatin na sana ako pero pinigilan ko siya.

"I can walk naman." Pero umiling si Kiefer.

"I know. But I want to carry you please babe." Sabi niya nagiisip pa ako pero sa huli umiling talaga ako.

"I can walk promise." Sabi ko at tumayo na ako para makapunta na sa btahroom. Unang hakbang ko pa lang napatigil na ako.

Masakit. Masakit pa rin talaga.

"Am I rough last night? Fuck! Sorry na mahal ko." Magsasalita sana ako pero binuhat na niya ako. Bridal style at nung kokontrahin ko siya hinalikan niya ako kaagad. "Hindi ka naman mabigat babe kaya ayos lang." Sabi niya pa.

Binaba niya ako sa bathtub at napapikit kaagad ako dahil sa tubig na maligamgam nun. Ang sarap! Parang narelax talaga ako.

Napatingin ako kay Kiefer nung nakita ko siyang nagtatanggal ng damit niya.

"What are you doing?!" Tanong ko at ngumiti lang siya tapos naupo na siya sa likod ko.

"I'm going you."

Kinurot ko siya sa braso. "Aww babe! Masakit."

"Ikaw! Kunwari ka pang ginawa mo to para sa akin pero ang totoo talaga niyan gusto mo lang makasabay sa akin sa pagligo." Tumawa siya ng malakas at niyakap ako.

"Ang talino talaga ng babe ko. Syempre tama ka doon babe." Sabi niya at pinaghahalikan ako sa leeg ko.

Sumandal ako sa kanya at nararamdaman ko ang paghaplos sa akin ni Kiefer mula sa balikat ko. Pinapadaanan niya yon ng tubig kaya napapikit ako. Nakakarelax grabe! Parang pagod talaga yung buong katawan ko.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon