CHAPTER 32

474 32 3
                                    

~~~

"Manong come on!!!" Pumikit ako at hinilot ko ang sentido ko. Ang ingay ni Dani. "Bilis na kasi Nong. Ihatid mo na ako please." Sabi ni Dani ulit.

"Dani, I'm busy."

"With what?!"

"I have a lot of things to do. I have work, Danielle! Bakit hindi ka magpahatid sa boyfriend mo ha?!" Sabi ko at tumawa siya.

Kausap ko ngayon sa tawag tong si Dani at kanina niya pa ako kinukulit hindi na nga ako makapagtrabaho ng maayos dito dahil sa kanya.

"Manong ikaw ang boss dyan. Magmamay-ari mo yang hotel na yan kaya sigurado ako pwedeng pwede kang mag-absent dyan."

"Oo pero hindi pa rin maganda yung mawawala ako dito. Ano ba Danielle Theris?!"

"Eww!! Stop naman with the fullname please." Tumawa pa siya.

"Wala na naman ba si Thirdy ha at ako ang napili mong kulitin ngayon ha." Sabi ko at mas lumakas ang tawa niya.

"Nong naman eh. Busy na yon kay Ate Bea. Hindi na nga namin alam kung saan natutulog eh."

"What?!"

"Joke pero laging gabing umuuwi kaya hindi ko na siya madalas makita. Ano Manong hatid mo na ako ha?!"

"Dani I told you busy akong tao." Sabi ko. "Tawagan mo na lang si Mang Dante huwag na ako Dani." Sabi ko.

"I hate you!"

"I hate driving, Dani! Lalo na at Sorsogon pa to ang layo masyado baka hindi ko kayanin."

"Kaya mo yon, Nong! Sige na please."

"Bakit ba hindi na lang kasi kayo mageroplano ha?! Sa legazpi tapos humanap na kayo ng sasakyan ganon na lang." Sabi ko at umirap pa ako.

"Manong naman!!"

"Ang layo layo naman kasi ng bakasyon mo. Pwede naman sa Boracay na lang yung isang sakayan lang ba." Tumawa na naman siya.

"So sungit! Sige na Nong please."

Bumukas ang pinto ng office ko at nakita ko si Luigi, Baser at Miguel na nagkanya kanya na ng upo doon sa sofa ko dito.

"Call Mang Dante siya na lang ang magdeive sayo."

"Argh! I hate you Manong please naman oh!" Sabi niya pa.

"Fine! I will think about this." Rinig na rinig ko ang pag-yes niya. "Dani hindi pa ako pumapayag." Sabi ko pero pinatay na niya ang tawag.

"Bro!"

"O? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito ah?!" Tanong ko at nagsimula na akong pumirma ng mga papeles dito sa table ko. Ito yung natigil kanina dahil sa tawag ni Dani sa akin.

"Wala lang namissed ka lang namin." Sabi ni Miguel at ngumisi pa sa akim.

"Ulol! Si Jia talaga ang totoong miss mo. Wala kang maloloko dito gago!" Sabi ni Baser at nagtawanan silang tatlo.

"Hindi pa ba nakakabalik si Jia?" Tanong ko at tumango si Miguel. "Nasaan ba siya?! Ganon ba yon kaimportante diba halos isang buwan na siyang wala. Sila nila Ella." Sabi ko at tinitigan ko na si Miguel ngayon.

"Isang buwan na ba?! Teka wala sila nung death anniversary?" Tanong ni Luigi at napatakip siya sa bibig niya bigla.

"Bobo!" Sabi ni Baser.

"Wala sila. Ako lang ang pumunta sa sementeryo nun." sabi ko at tumango sila.

"Sorry bro busy sa agency eh. Gusto sana namin humabol pero baka kasi wala ka na doon kaya hindi na kami tumuloy." Sabi ni Miguel.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon