CHAPTER 2

813 25 2
                                    

~~~

"Okay na ba to?"

"Yes po Doc! Bale po yung pasyente na nabaril nasa room 108 po."

Napatingin ako sa kanya. Teka di ko naman yon tinatanong ah. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti siya sa akin. Ngiting nang-aasar. Isa siya sa mga naging close namin ni Gretchen na nurse dito.

"Di ko naman tinatanong."

"Yes Doc! Pero ikaw palagi ka niyang tinatanong sa akin." Sabi niya at tinitigan ko siya ng masama.

"Tigilan mo ako Julie." Sabi ko at tumawa siya.

"Type ka yata nun Doc!"

Umirap na naman ako at nagsimula na akong maglakad. "Sadly di ko siya type." Sabi ko at nagmamadali ng makalayo dito sa babae na to malamang aasarin na naman ako nito eh

"Weh? Eh ang pogi nun kahit yung kasama niyang lalaki tapos may kasama pa silang dalawa ulit na lalaki. Shet! Doc! Walang tapon ang gagwapo!!" Sabi niya at napahawak pa sa dibdib niya kaya natawa ako.

"Gaga! Trabaho ang pinunta ko dito kaya umayos ayos ka dyan."

"Eh masama bang magwapuhan totoo naman kasi eh."

"Ayan ang hilig kasi sa gwapo kaya kapag nasaktan iiyak iyak." Sabi ko at huminto kami sa nurse station. Naupo na siya doon at ako naman kinuha ko yung isang medical chart.

"Gwapo kaya talaga Ly!"

"Oo na para manahimik ka na dyan sige na gwapo na." Sabi ko at nagsimula ng magcheck doon.

"Odiba inamin mo rin ang gwapo nga kasi, Doc!"

"Anong meron?" Si Gretchen na tumabi sa akin.

"Ewan ko dyan sa tropa mo. Bet na bet yung pasyente na nabaril." Sabi ko at inabot na sa kanya yung chart.

"Uy! Sino? Gwapo ba?"

"Yes! Super! Makalaglag panty hayop! Nakahawak pa ako sa panty ko kanina nung ngumiti kasi baka napigtas na talaga ng tuluyan."

"Hala gaga!!" Sabi ni Gretchen kaya natawa ako.

"Ang harot diba!" Sabi ko.

"Pero mukhang hindi ako ang bet eh." Tinitigan ko siya ng masama malamang aasarin na naman ako nitong babae na to eh. Kilala ko na to eh.

"Sino pala?"

"Si Doctora Alyssa!!" Asar niya pa tapos sinabayan pa yon ng malakas na tawa. Nakita pa namin yung ibang nurses na napatingin sa banda namin.

"Shet! Iba talaga ganda ng kumare ko eh." Sabi ni Gretchen at inakbayan pa ako.

"Tigilan mo ako mahaba ang araw natin ngayon kaya huwag mo akong pagtripan Gretch." Sabi ko pero tawa lang ang sinagot niya sa akin.

"Gwapo ba talaga?" Tanong niya kaya napairap ako. Aalis na sana ako doon pero nakita namin si Dr. Gopez at lumapit sa aming dalawa.

Nagbigay na siya ng instructions sa amin kung anong gagawin namin ngayon. Our sched for today is 36 hours kayanin kaya? Syempre wala naman choice kailangan kayanin.

"Alyssa to go room 108 ikaw ng bahala doon." Sabi niya kaya napasinghap kaming tatlo nila Gretchen. "What's the matter?" Tanong niya at sabay sabay din kaming umiling doon.

"Wala po Doc! Magrorunds na po kami." Sabi ko at nung umalis siya biglang tumili ng mahina tong dalawa na to.

"Shit shit!! Nandoon si Pogi!! Ang swerte naman." Sabi ni Julie kaya umirap ako.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon